------💀
Kia's PoVNakarinig ako ng pagkatok. Agad akong nagtago sa isang cubicle.
"Ahhhh!!!"
Ngumisi ako. Bago ako lumabas ng Cubicle itinago ko muna ang kutsilyo ko. May dugo pa ito nung ipinasok ko sa bag.
Lumabas ako sa Cubicle. May isang estudyante sa harapan ko. Wala na itong buhay.
Napalingon ako sa pinto ng C.R may narinig ako kanina na kumatok at nakasirado pa ang pinto. Pero ngayon nakabukas na ito.
Nasaan na kaya ung babaeng sumigaw?
Nagmadali na akong lumabas ng C.R
"Kiana!" Napalingon ako kay Jade. Sya ang Vice President namin.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Notebook mo, nakalimutan mo" ibinigay nya sa akin ang notebook ko.
"Salamat" ngumiti ako sa kanya.
"Ahhh!!!" Sabay kaming napalingon sa pinanggagalingan nung Ingay.
"Omg!" Rinig kong reaksyon nung ibang Estudyante.
Napuno ang pintuan ng C.r dahil sa dami ng nakikiusisa sa kung anong nangyayari.
Hindi naman katagalan nung nagsidatingan ang mga Guro at Security guard.
"Kiana!" Napalingon ako.
"Ayu, umuwi na tayo" sabi ko sa kanya.
"Bakit? At bakit madaming tao dun?" Turo nya sa may C.r.
"Hindi ko alam..pero kanina pa sila dyan" habang nakatingin sya sa may C.r. Palihim akong ngumisi.
Bigla nya naman akong hinila at lumapit kami dun.
"Sinong may gawa nyan?" Estudyante 1.
"Eww.. Andaming dugo" Estudyante 2.
"Sh*t! Parang tinorture sya" Estudyante 3.
"So yucky! Look oh simula ulo hanggang paa nya may Cuts" Estudyante 4.
"Padaan!" Sabi ni Ayumi sa nagkukumpulang estudyante.
Nakasingit naman kami at agad na bumungad sa amin ang isang bangkay.
Napatakip ng bibig si Ayumi. Nagsidatingan na din ang mga pulis matapos contakin ng mga guro kanina.
Hinila ko na si Ayumi paalis dun.
"A-anong nangyari dun?" Tanong ni Ayumi. Naninigarilyo na naman siya.
Hindi ako sumagot.
Paglabas namin ng Eskwelahan ay unti-unti ng dumidilim.
May nahagip ang mga mata ko sa di kalayuan.
"Kein?" Tanong ko.
------
BINABASA MO ANG
Kiana
HorrorDream 2: Horror Mystery ---- Ano bang dapat gawin, kung may nagpaparamdam sayo? Paano kung kamukha mo ito? at Pumapatay ng tao? Paano kung ikaw din ay si Kiana.. at hindi mo alam na kamukha mo din sya. Paano kung ikaw ang nasa...