Chapter 19

19 3 0
                                    

---- 💀
Kia's PoV

Nakikita ko na naman sya..

Pumipitas sya ng Mga Pulang rosas sa Hardin niya.. Sa bawat pagpitas nya ng Mga ito ay sya ring Pagtulo ng kanyang luha..

"Kinamumuhian ko sila.. Kinasusuklaman ko ang lahat ng taong nagiging masaya.."

Sumisinghot singhot pa ito habang patuloy na pumipitas ng Mga Rosas.

Humarap sya sa pwesto ko. Biglang dumilim ang paligid ko. Nakita ko kung paano tumagos sa Kamay niya ang mga tinik ng Rosas.
Tumulo ang dugo dito..
.
.
Sa pagharap nya sa akin ay hindi ko pa rin makita ang mga Mata nya.
.
.
Naramdaman kong May tumutulo sa Mata ko. Napakahawak ko dito ay Tuluyan dumilim ang paligid ko.

"Ahhh" daing ko parang may mga bagay na tumatama sa katawan ko..

Wala na naman akong Makita dahil madilim..

"Kia.."

Nanginginig na naman ang mga tuhod ko sa aking naririnig..

"Kia..ako si Kiana Mari Dimyoca.. Oo..Ako, ay Ikaw.. Pero bakit sa tuwing nakikita kita ay masaya ka? Dapat pareho tayong nasasaktan at nagdurusa.."

"Hindi.. dahil kahit kailan hindi ko Magagawa ang mga ginagawa mo kaya kahit kailan hindi mo ako magiging katulad" sabi ko sa kanya.

*Evil Laugh*..

"Hindi mo pa rin naiintindihan? Tanga ka din katulad nila"

Ako naman ang tumawa sa kanya.

"Diba sabi mo ako, Ikaw? Edi Tanga ka din.. kahit sa pagbawi mo ng buhay nila. Meron silang masasayang alaala samantalang ikaw ay wala" Sinabi ko sa kanya.

Biglang tumahimik.

"Ahhh!!!" Sigaw ko ng maramdaman kong may Gumuhit sa likod ko.

"Isa lang ang pwedeng mabuhay ng may saysay.. isa sa atin ang mamamatay, isang buhay ang dapat na ialay"

"Tumigil ka na!!" napatakip ako ng tenga ko.

Nakaramdam ako ng malamig na bagay na nakahawak sa balikat ko.
.
.
.
Unti unti akong lumingon..
----
"Kia!!! Wake up!!" Nagising ako dahil sa pag-alog ni Kein sa katawan ko.

"Kia Okay ka lang ba? may masakit ba sayo?" Tanong ni Haidi sa akin. Dun ko lang naramdaman ang sakit ng pang-upo ko at ang sakit sa likod ko.

"Bakit naman kasi hindi ka nagdahan dahang bumaba ng hagdan.." sabi ni Sarah.

Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla itong sumakit.

"Tara na! hanapin na natin sila" sabi sa akin ni Kein.

Puno ng tanong ang nasa isipan ko.

"B-bakit?" tanong ko.

"Anong bakit? Sila Andia, Aina at Shara nawawala dahil tumakbo sila kanina nung nagkalampagan ang mga pintuan" sabi ni Sarah.

~~~Flashback*

Nakaupo lang ako at nagmamasid sa tabi dahil nagpapahinga na kami.

Kanina pa kami naglalakad pero hindi namin mahanap ang labasan.

Yumuko ako..

Napalingon ako sa tabi ko.. May mga pulang rosas dito. Kinuha ko ito upang masigurado kong rosas nga ito.

Agad akong napatingin sa mga kasama ko. Nakakalungkot at kami na lang ang natitira..

Nabitawan ko ang mga talulot ng rosas na hawak ko. Bigla na lang kasing Nagkalampagan ang mga pintuan.

Napatakbo sina Andia. Habang Sigaw ng sigaw naman si Aina.

"Mamamatay tayong lahat dito!!!" kasabay ng kanyang pag-iyak. Tinawag sila ni Kein para sana magsamama sama pa rin kami pero hindi sila nakinig.

Tumakbo din kami pero sa ibang dereksyon kung saan may mas malapit na hagdan. Nang biglang nagdilim ang paningin ko.

End of Flashback*
----

KianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon