----💀
Kia's PoV
May mga naglalarong mga bata.
Nasa playground ako malapit sa School. Kung saan may mga bata na naghahabulan habang nakauniform pa. Nakaupo ako ngayon sa swing. Inaantay kong lumabas si Ayumi sa School, hindi kasi ako pumasok ngayon.
Napapatitig ako sa bakal na kadena ng swing. Nakakamiss din palang maging bata ulit. Yung tipong walang mga problema na iniisip.
"Kia.." Napalingon ako sa harapan ko. Hindi ko sya kilala pero.. Pansin ko ang dugo sa tagiliran nya pati na din ang hawak nyang manika may bahid din ng dugo.
Tinignan ko ang mga tao sa paligid mukhang hindi naman sila nagtataka sa itsura ng batang to. Nakatitig lang sya sa akin.
"Patay ka na.." marahan pero mariin nyang sambit. Wala akong makitang kahit na anong emosyon sa mukha nya.
"Kiana my loves!!! tara na!" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na yun. Si Ayumi. Lumapit sya sa akin.
"Tara na!" hinila nya ako patayo. Bago kami tuluyang umalis nilingon ko ulit ung bata kanina. Pero wala na sya dun sa pwesto nya.
Habang naglalakad kami unti-unting dumarami ang mga tao.
"Kawawa naman" sabi ng isang nakikiusyoso. Tinignan namin kung ano ang kanilang pinagkakaguluhan.
Bahagya akong nagulat. Siya yung bata na nakita ko kanina sa playground. Tadtad ito ng saksak at akap akap nito ang kanyang manika. Umalis na kami nung nagsidatingan na ang ambulansya.
"Grabe ano? halos sunod sunod ang nakikita nating patay.." sabi ni Ayumi pagkapasok namin na bahay. Tumango ako bilang sagot.
Naglakad na ako papunta na ako sa kwarto ko. Nakasalubong ko naman si Tita. Kakauwi lang nya galing sa probinsya. Dumeretso lang ako.. Wala akong oras para sa plastikan effect. Kahit kailan hindi ako naging malapit sa kanya. Siguro dahil noong bata pa ako ay sinasaktan nya ako. Kaya siguro malayo ang loob ko sa kanya. Hindi din naman nya ako binibigyang importansya.
Nung nakapasok na ako sa kwarto ay nagpalit na ako ng damit. Dinalaw agad ako ng Antok.
--------
Kia's PoV
Paggising ko ay dinig na dinig ko ang mga sigawan. Nagtatalo si Ayumi at ang nanay nya. Tungkol ito sa pagpapatuloy ni Ayumi sa akin. Hindi sinabi sa akin ni Ayumi na hindi nya ipinaalam sa nanay nya na nandito ako. Gusto nitong paalisin ako at pinaglalaban naman ni Ayumi na pamangkin naman daw ako at kamag-anak. Hindi naman daw ako ibang tao.
"Hindi mo ba nakikita? Puro kamalasan lang ang dulot nyan dito!" sabi ni tita.
"Ma! grabe naman po kayo! pinatira ko dito si Kia dahil wala na syang mapuntahan na. Wala na ang kuya nya, wala na syang kasama" sabi naman ni Ayumi.
Natapos ang away nila ang napagdesisyonan sa huli ay papalayasin ako sa ayaw at sa gusto ni ayumi. Nagsimula na akong mag-impake ng mga gamit ko.
"Kiana.. Ito oh gamitin mo to sa paghahanap mo ng malilipatan" may iniabot na pera sa akin si Ayumi. Tinanggihan ko ito.
"Hindi, sayo na yan. May pera naman ako dito eh.." ngumiti ako sa kanya. Maya-maya ay lumabas na ng kwarto si Tita. Matalim ang mga tingin nito sa akin.
------
BINABASA MO ANG
Kiana
HorrorDream 2: Horror Mystery ---- Ano bang dapat gawin, kung may nagpaparamdam sayo? Paano kung kamukha mo ito? at Pumapatay ng tao? Paano kung ikaw din ay si Kiana.. at hindi mo alam na kamukha mo din sya. Paano kung ikaw ang nasa...