Chapter 14

30 3 0
                                    

----- 💀
Kia's PoV

"Pero paano kung hindi nga tao ang sinasabi nyong killer" sabi ko habang nakatingin kay Vianca.

"Wag ka namang magbiro Kia" sabi ni Vianca.

"Hindi ba ikaw ang nagsabi nun?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Pero kagaya ng sinabi ni Shara possible bang multo yun? naniniwala ako sa multo pero hindi naman siguro sila nageexist" sabi pa nya.

"Tara bumalik na tayo dun sa camp, baka may mahingian tayo ng tulong" sabi sa amin ni Kein..

Sumulyap uli ako dun sa guard na nakasalampak na sa sahig.

Nakita ko na naman ulit..

may mga Petals na nasa kamay nya.. kulay red ito..

Impossible, Hindi. Napalunok na lang ako at nagpatuloy na sa pagladkad.

Tinanggal ko na din ang kamay ko sa mata ni Haidi ng makaalis na kami.

Pagdating namin sa Camp. Tahimik din dito. Pumunta kami dun Sa tent namin. Kumpleto pa naman ang mga gamit namin dun..

----

"OMG!! g-guys" kinalabit kami ni Vianca. Nakatingala sya sa Mga building..

Pati kami ay napatingin din. May mga estudyanteng nakasabit sa mga bintana ng building. Madami sila..

"Hindi na to biro.. Kailangan na natin umalis dito" sabi ni Vianca.

"No, paano ung kambal ko?" sabi ni Sarah.

"Yeah, kailangan natin sila mahanap" sabi ni Kein.

"Guys gusto ko nang umalis, hindi ko na kaya dito" sabi ni Vianca.

Sinamahan namin sya papunta sa gate. Pero hindi namin ito mabuksan dahil nakakandado ito.

------

"Wag ka ng umiyak, Makakaalis din tayo dito" alo ni Sarah kay Vianca.

Naka-upo kami dito sa may mga mattings. Nagsama sama lang kami dun.

Biglang nahulog ang salamin ni Vianca. Inabot nya ito.

"Ahhhhhh!!!" sigaw nya. Dahil pagangat nya ng kamay nya ay puno na ito ng dugo..

Napatingin kaming lahat sa kanya. Agad naman syang pinatahimik ni Sarah.

"K-Kia natatakot na ako" sabi sa akin ni Haidi. Hinawakan ko lang ang kamay niya.

May nakita akong Card malapit sa amin.

"Sa pagsapit ng alas nueve ng gabi lahat ng nasa lugar na ito ay mamamatay" pagbasa ko sa nakasulat sa card na yun..

Agad namang napatingin si Kein sa relo nya.

"8:30 na" kinuha nya sa akin ang card. Ng baliktarin nya yun ay may nakasulat pa ulit.

"Sa pag pasok ng gusali lamang ang tanging paraan upang mabuhay" binasa namin ito.

Agad kaming pumasok sa building..

"Kia.. pahiram ako ng card na pinahawak ko sayo kanina" kinuha ko yung card si Bulsa ng Jacket ko.

Binaliktad nya ito. Napatakip na lang ng bibig si Sarah.

----

KianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon