Snooze... Five minutes...Pagkatapos kong i-snooze ang alarm ko, bumalik ako sa pamamaluktot at mas lalo ko pang hinila sa katawan ko ang makapal na kumot. Hinihila talaga ako ng antok dahil sa sobrang lamig.
Tapos nag-alarm na naman... Papatayin ko na sana talaga ang alarm kung di ko lang naalala-
Bigla akong napabangon nang rumehistro sa utak ko kung sino ako... kung nasaan ako...
First day of school...
In Mater Dei Academy
Seoul, South Korea.
Hindi ako puwedeng ma-late!
Kaya mabilis akong tumakbo sa banyo at naghanda na sa pagligo. Buti na lang may heater controller ang gripo nila kaya madali lang sakin ang maligo kahit malamig.
Alas otso pa naman ang schedule ng unang klase ko pero dahil hindi pa ako pamilyar sa lugar at sa school kailangan kong agahan.
Hindi na ito katulad ng Mater Dei Academy na pinapasukan ko talaga sa Pinas. Pagkabihis at pagkakuha ko ng gamit, mabilis na akong tumakbo pababa.
Pag-aaralan ko pa kung paano mag-commute papunta sa school. Ang swerte ko naman kung ihahatid pa 'ko ng driver nila. Syempre expected nang mag-cocommute ako ngayon papasok.
Bahala na, pwede naman siguro akong magtanong.
Pagbaba ko, napahinto ako sa pagtakbo nang masalubong ko si Mrs. Shin na kagagaling lang ng kusina.
"Good morning, Chinee. Ipapagising pa lang sana kita eh.""Good morning din po. Papasok na po ako."
"Hindi ka pa kumakain. Halika, sabay na tayo. Anong oras ba ang first class mo?"
"Eight A.M. po."
Tumingin si Mrs. Shin sa suot niyang relo tapos tumingin ulit sa akin.
"It's still too early to be in school. Samahan mo na 'ko. Malungkot kumain mag-isa."
I agree. And I fully understand the feeling.
Dalawang araw na ang lumipas mula noong dumating ako rito. Nakausap ko naman na sina Mr. Shin at Mrs. Shin at pareho silang mababait. Pero medyo naiilang pa rin ako sa kanila, at nahihiya na rin kaya hanggat maaari ay umiiwas ako na masalubong sila sa bahay.
Pero si Mrs. Shin...
Paano ba 'yan? Hindi ko kayang tanggihan ang maganda nyang ngiti. Ewan ko ba, noong unang beses na magkita kami at ngumiti siya, parang ang sarap niyang kunan ng picture. Ang ganda kasi talaga ng ngiti niya.
Sumunod na rin ako papunta sa kusina, bahala na mamaya. Ayokong mawala ang ngiting iyon ni Mrs. Shin kapag tinanggihan ko siyang sumabay sa kanya sa pagkain.
"Ipapahatid na lang kita sa driver. I know you are still not familiar with the places here."
Napahinto ako sa pagsubo ng sausage at napatingin kay Mrs. Shin.
"Okay lang po. I'll just take the bus."
Nakakahiya naman kung aabalahin ko pa pati ang driver nila. Ang sponsorship lang naman nila sa akin ay ang bahay, pagkain at allowance ko eh. Tapos bahala na ako sa lahat.
Kahapon ay ibinigay na nila sa akin ang magiging allowance ko for the whole week.
"It's okay Chinee. Ginagamit talaga ng anak ko ang isang kotse riyan. Since wala naman siya, ikaw na muna ang gagamit."
Ngumiti na naman siya sa akin. Nakakatunaw ng puso talaga kaya tumango na lang ako.
Mabilis ko nang tinapos ang pagkain ko at nagpaalam na akong aalis na.
Totoo ngang hinatid ako ng driver gamit ang kotse ng anak ni Mrs. Shin. Hindi pa namin siya masyadong napag-uusapan dahil nang magkaharap kami ay puro tungkol sa buhay ko ang tinatanong nila.
Wala tuloy akong ideya sa anak nila maliban sa ang alam ko ay lalaki siya at mas matanda sya sa akin. Napansin kong halos wala rin palang family portraits o picture na naka-display sa bahay nila.
Ang laki ng bahay nila pero hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot habang pinagmamasdan ang paligid. Hindi nagawang itago ng magarang interior, magagandang appliances at furnitures ang lungkot na bumabalot sa buong kabahayan.
Punong-puno siya ng gamit pero kulang na kulang sa pakiramdam na parang nasa isang tahanan ka. It's just an extravagant structure, luxurious house but an empty home.
Paghinto ng kotse sa tapat ng gate ng school, nagpasalamat agad ako sa driver at bumaba na. Namangha ako nang matanaw ko mula sa gate ang napakalaking school building.
Mas malaki ito sa Mater Dei sa Pinas pero napansin kong halos kapareho lang din ito ng school namin dahil sa fountain na nakatayo sa gitna ng ground.
"Look out!"
Nilingon ko bigla ang pinanggalingan ng malakas na boses at nakita kong papalapit sa akin ang isang lalaki na nakasakay sa skate board.
Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko kaya nakaiwas agad ako sa kanya, dahil kung hindi baka tumilapon na ako sa damuhan.
Nakasuot ng bonnet na green ang lalaki at natatakpan ng turtle neck sweater nya ang bibig nito.
Sisitahin ko sana siya kaya lang ay bigla siyang lumingon sa akin, at kahit natatakpan ang bibig niya ay alam kong nakangiti siya base sa kanyang mga mata. Yumuko lang siya saglit sa akin at nag peace sign, tapos sumakay ulit sa skate board niya at umalis na.
Bigla akong kinabahan dahil parang pamilyar sa akin ang mga matang iyon. Nakatulala lang ako habang ang ibang estudyanteng gaya ko ay naglalakad na papunta sa building.
Late na ko! Bigla kong naalala kaya kumaripas na rin ako ng takbo. Pupunta pa ako sa Admission Office para kunin ang buong schedule ko.
Mabilis kong inilagak ang mga gamit ko sa locker na ibinigay sa akin nang may maalala ulit ako.
Bakit parang si Jinyoung ang nakita ko?Ah... Siguro, dahil sa sobrang lamig, kung anu-ano na ang naiisip ko. I sighed then continued on putting all my belongings inside.
Pagkatapos ay hinarap ko na ang tahimik na hallway.
Isang hinga pa ulit.
Inhale...
Exhale...
Inhale...
Exhale...
Kaya ko to! With a new found strength and courage within me, sinimulan ko nang maglakad upang tahakin ang kinabukasan ko.
BINABASA MO ANG
We Can't Keep Meeting This Way
Fanfiction(COMPLETED) Sino ang mag-aakala na ang simpleng kagustuhan mo na makita ang idol mo kahit sa malayo ay ang magpapabago ng buong buhay mo? start : May 27, 2017 end : August 08, 2017