Sandeul on the media up above everyone. Just to grace this chapter with his cheekiness.
**Sandeul's POV**
Things are getting wierder and strange these days. Tiningnan ko si Baro pero tahimik lang siya. Nagtaka pa nga kami kasi kapag nakikita niya si Chinee, hindi pwedeng hindi sila mag-asaran.
Napapansin ko lang na kapag hindi nakatingin si Chinee, tititigan naman siya ni Baro. Kapag si Baro naman ang hindi nakatingin, titingin naman sa kanya si Chinee. And Shinwoo hyung is always on the look out.
As for Jinyoung hyung, nakatingin lang siya sa prof namin habang discussion pero halata na may iba siyang iniisip.
"Okay group yourselves into three now for your report activity."
Napatingin ulit ako sa prof namin nang magsalita siya at pumapalakpak. Mabilis na tumayo ang mga classmates ko. Nagkagulo sila bigla kasi most of the girls there approached us to join their group.
"Should we just group ourselves or should we join other groups individually?"
"Individually."
Napatingin kaming lahat kay Jinyoung hyung nang tumayo siya at may ibang in-approached na grupo. Ganoon na rin ang ginawa nina Shinwoo hyung at Channie.
Ako rin. Tumayo na ko para maghanap ng group. Nadatnan kong may isang babae ang kumukulit kay Baro tapos biglang napatingin ako kay Chinee. Tahimik lang siyang nakatingin sa mga classmates namin.
I saw how she hesitantly look on the whole room as if waiting for somebody to approach her. Pero walang lumalapit sa kanya. Kaya nilapitan ko siya.
"Wala ka pang group?"
Halatang nagulat siya nang magtanong ako. Bigla siyang parang nalungkot tapos yumuko, nang umupo ako sa harap niya, nag-iwas siya ng tingin.
"I'm used to it," mahinang sabi niya pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang lungkot sa kanyang boses. Tumingin na suya sa akin at ngumiti.
Bakit parang biglang nalungkot din ako?
Ang ganda ng ngiti niya. She actually reminds me of someone when she smiles like that. Pero kahit nakangiti siya at suot na naman ang contact lens noya, halata pa rin sa mga mata niya na malungkot siya.
"Bakit hindi ka pa naghahanap ng group?"
"Maghihintay na lang ako ng magkukulang na group. Pero kung wala talaga, ako na lang mag-isa."
"Bakit?" Nagkamot ako ng ulo. "Malungkot yun." I really got curious. Nakikita ko kung gaano sila kakulit ni Baro kapag nag-aaway. Mukha din siyang masayahin pero ngayon, parang may iba.
"I'm used to it. Wala rin namang pinagbago."
"Huh?"
Ngumiti na naman siya. A kind of sad smile.
"In my school back home, I barely had friends. Hindi ko alam kung bakit ayaw nila sa akin. Siguro dahil iba ako sa kanila. I have pale skin, that wasn't really normal for them. Ang mga girls, inaaway ako kasi 'yung boys na gusto nila, ako ang gusto. I want neither of those attentions, the boys' admiration and the girls' hatred. Akala ko dito mababago na, I'm delighted to think na hindi nalalayo sa inyo ang hitsura ko. The same pale skin, chinkee eyes and naturally red lips. But I still differ on language. Wala rin akong naging kaibigan dito. So nasasanay na ko. Seems like I am bound to be different from the others, so Im getting used to it."
Habang nagpapaliwanag siya, nakatulala lang ako sa kanya. I wonder how can someone so bubbly, pretty and cheerful like this girl be ignored by people?
Since our debut, lagi na kaming nakakakuha ng atensyon, whether we like it or not. All of them, especially girls, always give us favors. Noong una, nakakapanibago.
Pero hindi ko alam na ang tao pala, namimili din. Ngayon ko lang iyon narealize dahil kay Chinee.
I admit I started to notice her on her birthday. Iba kasi ang aura niya that time. Ang ganda kaya niya, pero siguro dahil sa mga naging trato sa kanya mg ibang tao, nawala yung confidence niya sa sarili.
According to Baro, she's always watching our videos, so I assumed she's one of our fans. Pero ni minsan ay hindi siya nangulit sa amin na magpa-picture, magpa-autograph o magtanong ng kahit ano. Normal lang siya kapag kasama namin siya. As far as I can remember, the only picture we had with her, was taken on her birthday.
"Tayo na lang ang magka-group," sabi ko, pinasigla ko pa ang boses ko para i-cheer up siya. Tapos tumayo na ako at nilapitan ko si Baro.
"Baro."
Tumingin lang siya sa akin. Naka crossed arm siya at nakasandal lang sa upuan niya. Kinukulit pa rin siya nang classmate namin na babae pero hindi siya sumasagot. Titingin lang tapos ngingiti. But I know him better, naiirita na si Baro. Mahaba lang talaga ang pasensya niya.
"Baro, sama ka na sa group ko." I pointed Chinee's direction. Tumingin siya kay Chinee at tumayo na. Tapos tahimik siyang umupo sa tabi ni Chinee.
Kinabahan ako do'n ah. Kala ko mag-aaway na naman sila. Muntik na akong magsisi na sila ang isinama ko sa group.
"Sandeul oppa, do you have a group already?"
Nilingon ko ang babaeng nagtanong sa akin at tumango, tapos ngumiti na rin nang makita ko na naging malungkot siya. I barely remember her name. I then excuse myself after that.
Nang nag-settle na ang mga classmates namin, umupo na rin ako pero sa gitna nina Baro at Chinee. Mahirap na, baka mag-away na naman silang dalawa. Tahimik kaming lahat na nakikinig tapos napansin ko na nagsusulat si Chinee.
Tiningnan ko siya, sakto naman na napatingin din siya sa akin. Bigla akong kinabahan.
Bakit parang biglang uminit?
BINABASA MO ANG
We Can't Keep Meeting This Way
Fanfiction(COMPLETED) Sino ang mag-aakala na ang simpleng kagustuhan mo na makita ang idol mo kahit sa malayo ay ang magpapabago ng buong buhay mo? start : May 27, 2017 end : August 08, 2017