58 - Shin Mei Yuk

105 21 12
                                    

Tahimik kong tinatanaw mula sa pintuan ng kwarto ko sa second floor ang mga abalang tao sa baba.

Lahat sila ay paikut-ikot sa buong receiving area habang may kanya-kanyang bitbit na mga gamit. Ang isang tao naman ay abala din sa pagbibigay ng instructions sa iba.

Ngayong araw kasi ang founding anniversary ng chain of schools na pag-aari ng pamilya namin na si daddy ang punong namamahala. Isinabay na nila ang pagpapakilala sa akin sa mga tao na malapit sa kanila.

"Dongsaeng."

Napalingon ako sa kasunod na pintuan ng kwarto ko at nakitang nakatayo roon si Kuya Shinwoo. Nakapajama pa ito at halatang bagong gising.

"Good morning Shinwoo oppa." Bati ko sa kanya. Hindi ko alam na umuwi pala sya kagabi. Baka tulog na ako nang dumating sya.

"Are you nervous?" Tanong nito sa akin nang makalapit ako sa kinatatayuan nya. Sabay na kaming naglalakad sa hagdan pababa para magtungo sa kusina.

Nervous is an understatement. Paano ko ba ipapaliwanag ang nararamdaman kong pag-aalinlangan? Ipapakilala ako bilang si Shin Mei Yuk. Matatanggap ba ako ng mga tao? Paano kung ayawan din nila ako? Paano kung hindi nila ako magustuhan?

Nakarating na kami sa dining area at naabutan namin doon sina mom at dad na nagsisimula nang mag-agahan.

"Good morning po." Pareho kaming humalik ni kuya Shinwoo sa kanilang dalawa bago umupo sa kanya-kanyang pwesto.

"Mei, yung night gown na isusuot mo mamaya, darating yun before lunch. May kaibigan ka ba na inimbita sa event?"

Umiling ako kay mommy. Wala naman akong naging kaibigan dito maliban kay Yumi pero hindi pa kami nagkikita ulit.

"Puro business colleagues ng dad ninyo ang bisita pati na ang board members ng school. Kaya Woo, papuntahin mo ang co-members mo. Nasabihan ko na rin ang manager ninyo tungkol dito."

"Yes mom, I'll just call them for the details."

Pupunta sila dito?

Minabuti kong tahimik na tapusin na lang ang agahan. Nagpaalam na sa amin si daddy dahil may meeting pa ito. Si mommy naman ay abala sa pag-aasikaso ng buong event kahit na hindi kailangan dahil may kinuha naman itong organizer. Gusto lang talaga nyang maging hands on sa preparation.

Before lunch ay dumating nga ang gown na gagamitin ko. Pinasukat agad iyon sa akin para matingnan kung kailangan ng adjustment.

Umalis lang kami sandali ni Kuya Shinwoo para samahan akong bumili ng bagong contact lens na clear ang kulay. Hindi daw kasi bagay kung magsusuot pa ako ng eyeglass habang naka-gown.

Pagbalik namin ay sinimulan na kaming ayusan ni mommy. Gusto nya na pareho kami ng hairstyle. Pareho din ang kulay ng gown namin na mas conservative lang ang sa kanya. Halter top kasi ang style ng sa akin na may mahabang slit ang palda.

Matapos ayusan ay sumilip naman bigla sa amin si Kuya Shinwoo. Napangiti ito nang makita kami ni mommy.

"Wow, I'm so lucky to have these two beautiful women infront of me."

"Bukod sa amin oppa, meron pa bang ibang maganda sa paningin mo?" Nagbibirong tanong ko sa kanya. Wala kasi akong alam sa lovelife ni Kuya Shinwoo. Kahit noong magkasama pa kami sa dorm.

"Meron pa ba?" Tanong ni Kuya Shinwoo sa sarili. Mukhang nag-iisip pa ito habang hinihimas ang isang kamay sa kanyang baba. Pagkatapos ay ngumiti ito bigla sa akin at hindi na nagsalita.

"Pupunta na ako sa kwarto namin para magbihis, ikaw rin Mei." Tumayo sa likuran ko si mommy at bahagyang yumuko para magpantay ang mga mukha namin. Nagkatitigan kami sa salamin at sabay na napangiti.

We Can't Keep Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon