32 - The Show Must Go On

113 27 18
                                    

"Saan ka ba galing, Chinee? Kanina pa kita hinahanap." Bungad sa akin ni Yumi pagpasok ko sa loob ng dressing room. Nagdahilan na lang ako, na hindi naman na nya masyadong inungkat dahil nagmamadali na ang lahat sa pag-aayos. Malapit na daw ang start ng event.

Tinulungan na ako ni Yumi na isuot ang mahabang wig ko, kaunting re-touch ng make up at ayos ng maliit na detalye ng costume. Ilang sandali lang ay ipinatawag na kami para pumunta at mag-abang sa backstage. Rarampa lang naman kami sa stage sa harap ng judges at napakaraming audience habang nirerepresent ang mga chosen characters namin. Ang sabi ay kaunting interview tungkol sa pinoportray namin.

Nasa backstage na ako kasama yung ibang contestants. May portrayer ni Naruto in complete costume, meron ding nagportray ng local anime ng South Korea. Tapos nung nakita ko yung isang babae na parang diwata sa ganda, gusto ko nang biglang umatras.

Bakit may mga nabubuhay sa mundo na sobrang biniyayaan ng ganda?

"Don't pout. It makes you look cuter."

Nakarinig ako ng mga pagsinghap sa paligid mula sa mga babaeng malapit sa akin. Paglingon ko ay nakatayo doon si Jimin at nakangiti sa akin.

"Stop hitting on someone's girl." Saway ni Jin tapos hinampas nya sa likod ang kasama nya na saglit lang nag-react pero pagbaling sa akin ay kumindat pa.

Mas lalong lumakas ang impit na sigawan mula sa likuran namin. Doon nanaman bumaling si Jimin. Spreading his arms wide, bigla syang nagsalita at mabilis na lumapit sa kanya ang mga babae para makiyakap na rin.

"Huwag mo na lang syang pansinin."

Narinig kong bulong ni Jin. Nakatayo na roon ang buong myembro ng grupo nila.

"We'll be performing first." Paliwanag nung isang matangkad na lalaki.

Ang gwapo din nung isang yun. Masyadong soft ang expression nung mukha pero makikita mong may kapilyuhan ding taglay na tinatago sa likod ng ngiting nito.

"Jungkook, don't flirt with her. He is your noona." Singit sa amin nung nagpakilala sa akin na Taehyung.

"Don't listen to V-hyung." Sabi nung kausap ko na Jungkook pala ang pangalan.

Narinig namin na nagsalita na ang host sa stage. Pinahinaan ang sound system tapos nag-ready na ang BTS members.

Ikinabit na nila sa isang tenga ang kanya-kanyang in-ear-monitors tapos nag-form sila ng bilog habang nakayakap sa bawat myembro na parang nagdadasal.

Natutuwa akong tingnan sila habang hinihintay ang host na tawagin sa stage ang pangalan nila. Nung paglabas nila sa stage, halos nagkagulo ang mga babaeng audience. Lahat sila nagsisigawan, may kanya-kanyang chant ng pangalan ng bias nila. Pero tumahimik naman sila nung nagsimula na silang kumanta at sumayaw. Pati nga yung ibang babaeng contestants na kasama kong nag-aabang sa backstage, nakikiindak na rin.

Hindi ako pamilyar sa mga kanta nila, pero yung performance nila ngayon, hindi ko maitatanngi na maganda talaga. Ang galing din ng dance steps kaya hindi ako magtataka na maraming humahanga sa kanila. Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos ng performance. Nagsalita ulit ang hosts tapos yung staff na nasa likod, pinag-stand by na kami dahil simula na raw ng contest.

Biglang nag-vibrate nanaman ang phone ko.

"Goodluck. Just smile, Chin. We'll be cheering for you."

Ganun lang kasimple ang sinabi ni Kuya Shinwoo pero naiiyak na ako sa tuwa. Yung boses kasi nya, ramdam ko ang encouragement at suporta nya. Hindi ko alam kung bakit, pero simula noong makilala ko ang pamilya nya, parang nabawasan kahit paano ang lungkot ko. Si Mr. Shin na kahit minsan ko lang makita, laging nakangiti kapag kinakausap ako. Si Mrs. Shin na parang totoong anak ang turing sa akin. At si Kuya Shinwoo na parang nakatatandang kapatid na laging nakabantay sa akin.

We Can't Keep Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon