Sa kabila ng ingay ng gitara ni Jinyoung at naglalakasang boses nina Sandeul at Kuya Shinwoo, nagawa pa rin akong kausapin ni Baro. Nakangiti kong pinapanuod ang trio nang umupo ito sa bandang likuran ko at tinawag ang pangalan ko.
"Let's say that we broke up."
"Huh?" Hindi ko kasi talaga sya narinig dahil sumabay ang high notes ng dalawa sa pagsasalita nya. Nakita kong bumuntong hininga si Baro, pagkatapos ay hinila ako patayo. Hindi naman kami umalis sa gazebo, medyo lumayo lang kami sa ingay na gawa nung tatlo.
Bahagyang naupo sa isang sandalan ng gazebo si Baro at nakatayo naman ako sa harap nya.
"We don't know when we'll be seeing each other. Ayoko ng may hang ups sa isang relasyon. I'm not even sure if you can call it a relationship." Mahabang sabi nito at nakikinig lang ako. Hinawakan nya ang dalawang kamay ko at tumingin sa mga mata ko. "Hindi naging ganun kaganda ang simula natin. Lagi tayong nag-aaway. But through that, I learned to like you Chin and I really do like you until now."
"I like you too Baro, you know that."
"You only like me as a friend." Mahina ang boses nya nang sabihin iyon. Hindi na ako sumagot.
Oo, gusto ko sya bilang isang kaibigan. Gaya ng nararamdaman ko kay Kuya Shinwoo, Gongchan at Sandeul. Sino ba naman ang hindi matutuwa na maging kaibigan sila diba? Pero aaminin ko sa sarili ko na minsan, kahit saglit lang ay nagustuhan ko rin naman sya ng higit pa sa isang kaibigan. Kasi lagi syang andyan. Lagi syang tumutulong, lagi ko syang nakakaramay. Kahit na may mga panahon na hindi kami nagkakasundo, lagi naman syang andyan kapag kailangan ko ng tulong.
"Let's just say that we liked each other but then decided to drift apart. Sooner when we meet again, we'll be great friends and remember these moments as a happy memory."
Tama sya, mas maganda nga yung ganito. Walang aasa, walang maghihintay, at walang masasaktan.
I smiled at him.
Ngumiti rin sya at hinila ako palapit sa kanya. Hindi na ako tumanggi nang yakapin nya ako.
Kahit papaano ay may kirot sa puso ko nang sabihin nyang maghiwalay na kami. Wala naman kaming pormal na relasyon, walang nanligaw, walang sumagot ng oo, walang 'I love you'. Pero kahit sandali ay naramdaman ko kung paano magustuhan ng isang Cha Baro.
"What was that? What are you doing?" Narinig namin si Gongchan na nagtatanong. Nakatayo sya sa bandang likuran ko. Nang lingunin ko sya ay naroon na rin ang tatlo na kanina lang ay gumagawa ng mini concert nila.
"We just talked." Simpleng sagot ni Baro. Tumingin silang apat sa akin kaya tumango lang ako.
"Miss Chinee, we are nearly approaching the airport." I was snapped back to reality when Ms. Kim, who's sitting beside me, talked.
Tiningnan ko lang sya at ngumiti naman sya sa akin. Hindi kami masyadong nakakapag-usap dati dahil lagi syang nakasunod kay Mrs. Shin. Pero sa mga pagkakataon na nagkikita kami ay lagi syang nakangiti sa akin.
Tumingin ako sa labas ng sasakyan. Malapit na nga kami sa airport. Natatanaw ko na ang mga naglalakihang building. Ilang oras na lang ay nasa Pilipinas na ulit ako. Hindi ko alam kung kailan ako muling makakatapak sa bansang ito. Hindi ako sigurado kung kailan ko ulit makikita ang mga nakilala ko sa lugar na ito.
Nang huminto ang sinasakyan namin ay magkasunod na kaming bumaba ni Ms. Kim ng kotse. Bumaba na rin si Mr. Yoo para bitbitin ang mga gamit ko.
"Have a safe flight Ms. Chinee." Sabi nito at may iniabot na puting sobre sa akin. "Manager Shin told me to give this to you and to apologize in her behalf for not sending you off today."
BINABASA MO ANG
We Can't Keep Meeting This Way
Fanfiction(COMPLETED) Sino ang mag-aakala na ang simpleng kagustuhan mo na makita ang idol mo kahit sa malayo ay ang magpapabago ng buong buhay mo? start : May 27, 2017 end : August 08, 2017