65 - Last Dance

147 18 3
                                    

Kasalukuyan akong nasa back stage kasama ang mga staff at ang B1A4. Patalun-talon pa ako sa pagbabakasakali na kahit paano ay maibsan ang kaba na nararamdaman ko.

"Relax, Chin. You did this before and you were awesome back then." Sabi ni Sandeul sa akin. Hinawakan din nya ang dalawag kamay ko at nakikisabay ng talon sa akin, salitan ang dalawang paa.

Iba kasi ang sitwasyon ngayon. Manunuod ang parents namin ni Kuya Shinwoo, at kilala ko ang halos lahat ng naroon. Hindi ko kasi alam kung bakit nagpapilit pa ako kay Kuya Shinwoo na mag-perform din para sa fourth anniversary ng Shin Entertainment. Lahat ng nagtatrabaho sa buong building, kasama ng mga trainees, by group or solo ay andito.

Patapos na ang speech ni mommy kaya ang susunod ay ang solo performance ko na. Hinanap ng mga mata ko si Jinyoung na nakita kong palapit na rin pala sa akin.

"Are you okay?" Simpleng tanong nito at bahagyang ngumiti pero sapat na iyon para mabigyan ako ng lakas ng loob.

I can't believe that the guy I've been loving from afar is now standing in front of me now, staring at me affectionately and loving me in return.

Sa dami ng pinagdaanan ko, ng hirap na dinanas ko, luha na ibinuhos ko at sama ng loob na naramdaman ko, lahat ng iyon ay nabura ng makilala ko sila.

Tumingin ako sa gawi ni Kuya Shinwoo na tahimik lang na nakangiti habang nakatingin sa akin. Akalain ko ba na sa tagal kong naghanap at umasam ng pagmamahal mula sa ibang tao, dito ko lang pala iyon matatagpuan. Sa isang bansa na nuon ay pinapangarap ko lang mapuntahan. Hindi ko inaasahan na yung simpleng kagustuhan ko na makita ang grupo nila ang magiging daan para makilala ko kung sino talaga ako.

Dumaan sa gilid namin si Kalih kaya napatingin ako sa kanya. Halata rin dito ang nararamdamang kaba.

"Ready?" Tanong ko sa kanya at bahagya syang ngumiti. Bumaling ulit ako kay Jinyoung at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Sinalo naman niya ang mga kamay ko, pinagsalikop iyon bago hinalikan.

Napangiti ako nang mag-angat na siya ng tingin. Sa mga simpleng gesture niya na iyon ay hindi pa rin nasasanay ang puso ko, nakakaramdam pa rin ako ng kaba sa simpleng titig lang nito.

"Mei Yuk and Kalih, stand by." Sabi sa amin ng crew. Lumapit na rin sa amin sina Channie at Baro at sinabihan kami na huwag kakabahan.

"Payakap naman." Malakas na sabi ko sa kanila. Hindi na ako nagdalawang sabi pa dahil ilang sandali lang ay nakakulong na kami ni Kalih sa yakap ng lima. Nang muli kaming tawagin ng crew ay bumitaw na sila pero si Kuya Shinwoo ang nanatiling nakayapos sa akin.

"Good luck." Nakangiti nitong sabi sa akin.

Magkahawak kamay na kami ni Kalih na lumabas sa stage. Sa gitna sya pumwesto kung nasaan ang spotlight. Ako naman ay sa gilid kung nasaan ang grand piano.

Noong sinabi ni Kuya Shinwoo na kailangan ko ring mag-perform para sa anniversary ng company namin ay iminungkahi ni Jinyoung na gumawa kami ng sariling kanta. Siya ang katulong ko sa pagbuo ng melody, sa arrangement, pati na sa lyrics. Ibinuhos ko ang lahat ng nararamdaman ko sa kantang ito kaya nang unang beses naming i-record iyon ay hindi ko napigilan ang mapaiyak.

Muli akong tumingin sa backstage kung saan nakasilip ang lima. Sumenyas pa sila sa akin kaya nginitian ko na lang sila. Bumaling ako sa center stage kung saan nakatayo si Kalih na hinihintay ang cue ko.

Sinimulan ko ang pagtipa sa piano, habang ginagawa iyon ay tumingin ako sa baba kung nasaan ang parents namin. Para sa kanila ang kanta'ng ito.

As I rest against this cold, hard wall, will you pass me by? Will you criticize me as I sit and cry?

We Can't Keep Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon