I am pacing back and forth on my empty living room while on the phone conversation with my best friend Remarie.
"Yun na nga besh, ikaw na lang ang magpaliwanag kay Julian na hindi na ako makakapunta dahil may emergency." Huminto ako at nakapamewang na humarap sa hindi inaasahang bisita ko nang makita ko syang inabot ang isang unan at amuyin iyon.
"Ano ba kasing emergency yan? Kapag hindi mo sinabi ay susugod talaga kami ni Julian sa apartment mo." Tanong ni Remarie mula sa kabilang linya.
I rolled my eyes, "basta safe ako, so don't worry. Bukas ko na lang ipapaliwanag lahat. Please, just enjoy the night even without me." Pangungumbinsi ko pa rin sa kanya. Nagpatuloy ako sa paglalakad at ang bisita ko ay tahimik lang na sinusundan ako ng tingin. Matapos ang ilang minuto pang paliwanagan ay natapos na rin ang usapan namin.
Ibinulsa ko na ang cellphone ko at nakapamewang na muling hinarap ang lalaki habang prenteng naka indian sit pa sa ibabaw ng kama ko. Niyayakap na nito ang pobreng unan at patuloy na inaamoy. Siguro kung nasa ibang sitwasyon o pagkakataon lang kami ay ma-eenjoy kong panuorin ito habang nakangiting kinikiskis pa ang pisngi sa yakap-yakap na unan.
Kailangan pa nagkaroon ng fetish sa unan ang lalaking ito?
"Now, will you please explain to me what's actually happening?" Tanong ko dito.
Bigla naman itong umupo ng tuwid at matamang tumingin sa akin. Habang nananatiling hostage pa rin nito ang kawawa kong unan.
Kahit anong isip ko talaga ay hindi ko mawari kung paano syang nakarating dito. May kasama ba sya? Tinunton ba talaga nya ako dito, o naligaw lang sya? Ano ang sadya nya?
Nakakagulat naman kasi ang biglaan nyang pagsulpot. Kanina, nang dumating kami ay pinagkakatinginan pa kami ng mga taong nasasalubong namin. Nauuna kasi akong maglakad at nakasunod ito sa akin habang nakahawak sa pulsuhan ko. Tinukso pa kami ng mga babaeng kapitbahay ko na nakatambay sa labas dahil unang beses nila akong makita na may kasamang lalaki. At ito namang kasama ko ay nakangiti pang kumaway sa kanila na akala mo ay isang fan meeting ang pinuntahan nya.
Kinikilig naman ang iba dahil kahit na naka bull cap at simpleng damit lang ang suot ay hindi naman naitago ang kagwapuhan nito.
"Jung Jinyoung, aren't you going to speak now?" Tanong ko dito dahil nanatili lang itong nakatingin sa akin.
"I miss you, so I came here." Seryosong turan nito. Sa wakas ay binitiwan na rin nito ang unan at tumayo na sa harap ko.
Hindi ko alam kung gusto lang ba nya akong i-intimidate sa tangkad nya dahil lumapit pa ito ng husto at nakayuko akong tinitigan. Bigla namang parang umurong ang dila ko at hindi na nakapagsalita. Pasimple akong humakbang paatras para sana dumistansya pero humakbang naman sya paabante para hindi kami magkalayo.
"I came here alone, with anyone not knowing about it."
Isang hakbang ulit ako paatras.
Isang hakbang paabante naman ang kanya.
"Not even the other members?" Tanong ko.
Isang hakbang paatras.
"Not even the management." Tipid na sagot nito at isang hakbang paabante ang ginawa nya.
"Why are you here?" Alanganing tanong ko. Humakbang ulit ako paatras dahil halos magkadikit na ang mukha namin.
"I want to see you." Muli itong humakbang paabante para mawala ang distansya sa pagitan namin.
Aatras pa sana ulit ako pero nabunggo na ng paa ko ang dinding. Paglingon ko ay ang pader na ang sumalubong sa akin. Nagulat ako nang biglang lumapat ang dalawang palad ni Jinyoung sa pader, kapantay lang ng ulo ko. Bahagya pa syang yumuko para magpantay ang mukha naming dalawa.
BINABASA MO ANG
We Can't Keep Meeting This Way
Fanfiction(COMPLETED) Sino ang mag-aakala na ang simpleng kagustuhan mo na makita ang idol mo kahit sa malayo ay ang magpapabago ng buong buhay mo? start : May 27, 2017 end : August 08, 2017