39 - Homecoming

109 20 21
                                    


Paglapag ng eroplano at pagtapak ko sa labas matapos kong kunin ang mga bagahe ko ay sinalubong agad ako ng mainit na panahon at usok ng Manila.

Ito na talaga. Napatingala ulit ako sa langit at bumalik nanaman ang isip ko sa pinanggalingan kong bansa. Ngayon pa lang ay namimiss ko na sila.

"Chinee!"

Hinanap ko agad ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko. Nakita ko sa di kalayuan si Remarie. Hindi ko napigilan ang mapangiti at mabilis kong tinakbo ang daan palapit sa kanya.

"Beesssshhhhh! Namiss kita ng bongga!" Niyakap ko agad sya paglapit ko pa lang.

"So, kamusta naman ang Korea?" Tanong nito after naming magyakap.

"Ayun, Korea pa rin naman, walang nagbago." Pinaikot lang nya ang mata nya dahil sa sagot ko. Hindi pa rin sya nagbabago sa anim na buwan na hindi kami nagkita. Ang sungit pa rin nya.

Magsasalita pa sana ulit ako nang mahagip ng mata ko ang isang matangkad na lalaking nakatayo sa di kalayuan at nakatanaw sa aming dalawa.

"Ano'ng ginagawa nya dito?" Nilingon na rin ni Remarie ang tinutukoy ko.

Napansin ko ang pagiging uneasy bigla ni besh kaya nagdududang tiningnan ko sya.

"Nalaman kasi nya na ngayon ang uwi mo kaya nagpumilit syang sumama sa pagsundo sayo. I'm sorry besh."

Natanaw kong palapit na sa amin si Julian kaya mas lalong kumunot ang noo ko. Ano nanaman ang pakay nya sa akin?

"Baka naman mamaya magulat na lang ako na may humihila na ng buhok ko ah. Kakarating ko lang besh, pagpahingahin nyo muna ako sa kamandag ni Chelsea."

"Wala na sila besh. Break na, for good."

"Hi Chinee. Long time no see. Kamusta ka?" Nakangiting tanong nito sa akin nang makalapit na ng tuluyan. Tinitigan ko lang sya. Wala na ang galit ko, wala na ang sakit at panghihinayang. Totally ay wala na talaga akong nararamdaman. "Na-miss kita." Dugtong pa nito.

Napataas kilay na lang ako at nanatiling nakatitig sa kanya. How dare he talk to me as if we were close friends? Pagkatapos ng mga ginawa nila ni Chelsea?

Julian Del Valle, ang unang lalaking nagustuhan ko. Sya lang naman ang lalaking kinaibigan ako, pinaramdam na importante ako, sinabing maganda ako pero sa bandang huli ay malalaman ko na plano lang pala nila na paasahin ako. Kung hindi pa dahil kay Remarie ay hindi ko pa malalaman na pinapaikot lang pala ako ni Julian at Chelsea. Na si Chelsea pala talaga ang mahal ni Julian at hindi ako. Ang tapang ko pa noon na kumprontahin si Julian, para lang mapahiya sa lahat ng kapwa namin estudyante dahil ako ang lumalabas na nanggugulo sa relasyon nilang dalawa.

That Chelsea Ybanez and her wicked game. I should have seen it coming. Nasa iisang circle of friends lang silang lahat. Dating kaibigan ni Remarie si Chelsea. Pero nang malaman nito ang masamang balak sa akin ni Chelsea ay kumontra ito at lumapit sa akin. Nakita ko ang sincerity ni Remarie kaya ngayon ay bestfriends na kami.

"May nakita akong cafe malapit dito, try natin dun. Treat daw ni Julian." Singit nito sa mas pinasiglang boses. Nagdududang tinignan ko lang silang dalawa at kinuha na ni Julian ang bagahe ko.

Nagtuloy na nga kami sa cafe na sinasabi nila. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at naalala ko nanaman ang part time job na ginawa ko sa SoKor.

"Let's take picture first bago kumain." Sabi ko kay Remarie at inayos ko na ang phone ko. Kakarating lang ng mga pagkain na order namin.

"Bakit? May ibang nag-aabang ba sa pag-uwi mo bukod sa akin?"

"Wala naman." Sagot ko at kumuha na ng picture. Naipangako ko kasi na ipapaalam sa kanila Kuya Shinwoo kapag nakauwi na ako ng maayos. Gusto ko sana kaming dalawa lang ni Remarie ang nasa picture kaya lang ay nahihiya naman ako na paalisin si Julian. After choosing the best photo, I posted it on my IG account with an additional caption of "Just arrived safely".

We Can't Keep Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon