I suddenly felt air being blown to my mouth, tapos may mabigat na nagpa-pump sa dibdib ko.
Chinee-yah!
Umubo ako nang malakas at naramdaman ko ang kusang paglabas ng tubig sa bibig ko. May umalalay din sa akin para makaupo pero hindi ko masyadong maaninag kung sino iyon dahil sa tumutulong tubig mula sa buhok ko.
Patay na ba ako?
Tanong ko sa sarili pagkatapos kong ilang beses na dumilat-pumikit para linawin ang nakikita ko.
Patay na nga siguro ako, kasi may dalawang anghel na nakatunghay sa akin. Mga magagandang nilalang.
Chinee-yah!
Tawag nung isang anghel.
Pero bakit pamilyar sa akin ang malambing na boses na iyon?
"Are you alright?" Tanong ng isa pang magandang anghel na mas malalim naman ang boses, pero nakakaakit.
Nagtaka ako. Nakakaakit? Tama bang maakit ako sa isang anghel?
Ano ba yan, patay na nga ako, mahalay pa rin ako. Sa pagkakatanda ko, huling beses na naging mahalay ako ay nung makita ko si Jinyoung, na kakatapos lang mag work out.
At nung makita ko ang bare chest ni Cha Baro paglabas nya ng banyo na naka bath robe lang.
May mahinang tumampal sa pisngi ko kaya nagising ako sa pagmumuni-muni ko.
"Okay ka na ba?"
Ipinilig ko ang ulo ko para subukang palinawin ang nagsasapot kong utak bago tumitig sa magandang nilalang sa harap ko.
"B-baro?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Finally." Gongchan standing behind Baro breathed a sigh of relief. "You got us worried."
Nakatitig lang ako kay Baro na basang-basa rin ang buong katawan. Tapos nilingon ko ang pool.
"I'm alive." Hindi makapaniwalang bulong ko habang nakakapit sa dalawang braso ni Baro. Napakunot-noo naman ito habang nakatingin sa akin. Nilingon ko ulit ang nakakatakot na pool. Akala ko katapusan ko na kanina. "Y-you save me." Baling ko sa kaharap ko. "And I'm alive."
Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Buhay nga talaga ako, at hindi basta nananaginip lang. Hindi ako makapaniwala.
"Let's go. Baka magkasakit ka pa nyan." Tinanggap ko na ang kamay ni Baro at inalalayan nya akong tumayo. Basang basa ang buong katawan naming at nagsisimula na akong makaramdam ng ginaw. Tumutulo pa ang tubig mula sa damit ko. Pero hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko dahil nanginginig ang tuhod ko. "You save me." Bulong ko tapos tumingin nanaman sya sa akin.
"Told ya, em gonna save ya!" Pa-cool na sagot nya, tapos kumindat pa para pasayahin sana ang mood. Pero naiiyak pa rin ako.
"You save me." Ulit ako at tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Naramdaman ko ang yakap ni Baro, at gumanti ako ng mas mahigpit na yakap sa kanya. Paano kung wala sya doon? Paano kung hindi nya ako nakita? Mamamatay na lang ako nang wala pang napapatunayan sa buhay ko?
"Please stop crying. I can handle you being mad at me, but I don't know what to do if you cry."
Kahit na umiiyak hindi ko mapigilan ang matawa ng bahagya sa pagmamakaawa ni Baro. Pinilit ko nang tumahan tapos ngumiti na ako sa kanya.
"What happened to Chinee?" Biglang sulpot si Kuya Shinwoo sa harap namin. Nakasunod naman dito si Sandeul at Jinyoung. Tapos lumapit sa amin si Gongchan na may dalang towel na agad inabot sa amin. Kaya pala sya biglang nawala kanina.
"Muntik na syang malunod."
"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Kuya Shinwoo.
"Eh bakit sya umiiyak? Inaway mo nanaman ba sya Baro?" – Sandeul.
"Ako nga ang nagligtas eh. Tapos sasabihin mong inaway ko?"
"Ano bang nangyari? Sino'ng may gawa nito Chinee?" Baling naman sa akin ni Sandeul.
Hindi ako nakasagot dahil bigla nanaman akong gininaw.
"Mamaya nyo na kami kausapin. Magpapalit muna kami ng damit." Sabi ni Baro at inalalayan na akong maglakad ulit.
Wala akong spare clothes na dinadala kaya pinahiram ako ni Baro ng T-shirt nya. Pagkatapos magbihis ay dumiretso na kami palabas para umuwi sa dorm.
"May klase pa ako. Ayokong mag-cut."
"They will understand. Shinwoo-hyung took care of it. I already talked to him."
Hindi na ako umimik pa. Si Kuya Shinwoo nga siguro yung kausap nya sa phone kanina habang hinihintay akong matapos sa pagbihis. Nakabantay lang sya sa labas ng rest room kanina eh. Tapos narinig kong nabanggit nya yung nangyari sa akin kahapon.
Pagdating sa dorm ay dumiretso agad ako sa kwarto ko para tuluyan ng makapagpalit. Ilang sandali lang ay kinakatok na ako ni Baro.
"Gusto mong kumain?"
Tumango lang ako at sumunod na sa kanya sa sala. Nadala na nya doon ang pagkain.
Walang imik akong umupo sa sofa katabi nya. Masyadong tahimik ang buong paligid. Wala si Kuya Shinwoo, wala si Gongchan at Sandeul na laging naghaharutan kapag magkasama.
"Kumain ka na." Sabi nya tapos binuksan ang tv at nanood nanaman ng soccer game.
"Salamat ulit sa pagtulong mo sa akin. Hindi ko inaasahan yun."
"Bakit hinahayaan mong gawin nila sa iyo yun?"
"Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit nila ginagawa sa akin yun. Pero hindi ko inaasahan na ganun sila kasama. Paano kung namatay ako?"
"Hindi ka ba marunong lumangoy? Kahapon na pinagtutulungan ka nila, hindi ka man lang lumaban. Paano kung hindi kita nakita kanina? Paano kung hindi ako dumating kahapon?"
Nakatitig lang ako kay Baro habang naglilitanya sya.
"Ang tapang mong sumagot kapag ako ang kaaway mo. Sa kanila, hindi ka man lang makalaban?" Patuloy pa nito.
"Madami kasi sila." Sabi ko na lang para matapos na ang usapan. Bakit nga ba hindi ako lumaban? Ayoko na rin kasing lumaki pa ang gulo. Iniisip ko kasi na kapag hinayaan ko sila at hindi na pinansin, magsasawa rin sila at kusang titigil. Kasi ganun din naman sa school na pinanggalingan ko. Hinayaan ko silang magkalat ng masamang balita tungkol sa akin. Hindi ko sila pinapansin, ang importante, yung mga totoong kaibigan ko ay alam kung ano ang totoo. So far, hindi pa naman sila umabot sa puntong sasaktan ako ng pisikal. Pero dito, malala ang mga bullies dito.
"Ano'ng mangyayari sa kanila pagkatapos nito?" Naalalang tanong ko. Nakita ko kasi na sobrang nairita si Kuya Shinwoo habang nakatitig sa akin dahil sa sinapit ko. Hindi lang halata pero alam kong nag-aalala talaga sya sa akin.
"Suspension or termination. Bagay lang sa kanila yun. They are picking on the weakest student."
"Hindi ako weak." Pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Nalunod ka nga kanina eh."
Ang sama talaga ng ugali nito.
Inirapan ko sya at padabog na humarap na din sa tv. Pero naalala ko iniligtas nga pala nya ako kaya dapat akong maging mabait.
"I'm keeping my promise of protecting you." Mahinahon nyang sabi habang nakatitig sa akin.
Nawalang bigla ang pagsimangot ko at kinakabahang tumingin sa kanya.
Heart? Okay ka lang ba? Bakit ang bilis nanaman ng tibok mo?
--
AN** Pinilit ko si Jung Jinyoung na mag-POV kaso ginamitan nanaman nya ako ng charm nya kaya napapayag akong wag na. Ang sabi nya, "Author, I'm not ready yet to reveal my true self. Please keep me as mysterious as possible." Tapos kinindatan nya ako at nginitian ng sobrang gwapo. Putek, muntik na kong mawala sa sarili ko. Kaya pasensya na kung si Chinee na lang ulit muna. Wala eh, mahina ang puso ko kay Jinyoung. Keep reading...
-simplyfanatic
BINABASA MO ANG
We Can't Keep Meeting This Way
Fiksi Penggemar(COMPLETED) Sino ang mag-aakala na ang simpleng kagustuhan mo na makita ang idol mo kahit sa malayo ay ang magpapabago ng buong buhay mo? start : May 27, 2017 end : August 08, 2017