Epilogue

192 16 13
                                    

Nang maramdaman kong may tumayo sa likod ng silya na kinauupuan ko, hindi ko na kinailangan na lumingon pa para malaman kung sino iyon. Ang samyo pa lang ng amoy nito at mabilis na ritmo ng pintig ng puso ko ay sapat na para makilala ko kung sino ang nasa likod.

Binulungan lang niya ako at agad na akong tumayo at naglakad palabas ng event hall kasunod niya.

Ilang sandali lang ay narating na namin ang tahimik na recording studio ni Jinyoung.

"Ano'ng gagawin natin dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Ang sabi kasi niya sa akin ay may ibibigay daw siya.

"Gusto lang kitang titigan nang walang gumagambala." Masuyong sabi nito, hinawakan pa ang bewang ko at walang hirap na binuhat paupo sa long table na ginagamit nila kapag nagmi-meeting ang grupo.

"B-bakit parang hindi ko gusto ang binabalak mo?" Sabi ko sa nanginginig na boses. May kakaiba kasi sa ngiti nito habang unti-unting lumalapit sa akin. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin nang hawakan niya ang dalawang tuhod ko at marahang paghiwalayin ang mga hita ko.

"Jinyoung..." Sita ko sa nanginginig na boses, pero kung anuman ang sasabihin ko ay nalunod na sa masuyong halik nito. Kusa na akong nagpaubaya sa mapag-angking halik niya. Iniyakap ko ang dalawang braso sa batok niya at mas lalo siyang hinila palapit sa akin. Naramdaman ko naman ang paglilis ng laylayan ng palda ko nang dumampi sa hita ko ang isang kamay ni Jinyoung habang ang isa ay abala naman sa paghaplos sa likod ko.

Nang humiwalay ang labi niya sa akin ay magrereklamo pa sana ako pero agad iyong nawala nang ang binigyan naman nito ng atensyon ay ang leeg ko. Gumapang pa ang mainit na halik nito sa punong tenga ko na nagdala ng nakakakiliting sensayon sa buong katawan ko.

Inilapat ko ang kamay ko sa dibdib niya at pinagapang iyon pababa sa matigas niyang tiyan. Napangiti naman ito. Muli niya akong hinalikan sa labi at doon siya mas nagtagal.

"I think you need to reapply your lipstick." Sabi nito sa buo at mababang tinig sa pagitan ng mabilis nitong paghinga.

Umingos ako. "It's your fault. You shouldn't have kissed me." Sabi ko at muli siyang hinila para sa isang mas matagal, puno ng pagmamahal at masuyong halik na hindi naman nito tinanggihan.

Muli itong humiwalay sa akin kaya sumimangot ako. Pero nanlaki naman agad ang mata ko nang simulan nitong hubarin ang suot na coat, kasunod ang necktie at isa-isang tinanggal ang pagkakabutones ng polo.

Jung Jinyoung!

Mas bumilis ang pintig ng puso ko at parang umiikot ang paligid lalo at hindi pa niya inaalis ang tingin sa akin habang unt-unting naghuhubad.

Ang long sleeve polo shirt na lang na nakabukas ang unang tatlong butones ang natitira nitong pang-itaas bago muling lumapit sa akin.

Napapikit ako nang haplusin niya ang pisngi ko. Inaasahan ko na ang halik niya pero hindi iyon nangyari.

"Remember the ring I gave you?"

Nakakunot ang noo na tinitigan ko siya. Ngayon pa talaga niya naalalang itanong iyon?

Hindi ko na talaga nakita kung nasaan ang singsing na iyon, akala ko naman ay kinalimutan na niya. Hindi na kasi namin ulit iyon napag-usapan pa.

Nakatitig lang ako nang mas lalo niyang binuksan ang suot na polo at tumambad sa akin ang isang silver necklace na hindi ko alam ay suot niya pala. Hinubad niya iyon at itinapat sa mukha ko. Natulala ako nang masilayan ang pendant ng kwintas na hawak nito.

"Matagal ko nang gustong ibalik ito sa iyo pero naisip kong mas maganda kung natanggap na tayo ng parents mo. At ito na nga ang tamang pagkakataon." Inilatag niya sa mesa ang kwintas at tinanggal ang singsing na nagsisilbing pendant niyon.

Inabot niya ang daliri ko at maingat na isinuot ang singsing doon.

"Ang tagal ko 'tong hinanap, all along nasa iyo lang pala?"

"Ibinalik mo sa akin iyan noong gabi na pareho kayong nalasing ni Kalih. Alam kong hindi mo na natatandaan pero umiyak ka at sinabi mo ang lahat ng pagdududa mo sa akin. Ibinalik mo rin ang singsing kaya nasaktan ako ng sobra. Pero naisip ko na darating din ang panahon na mapapatunayan ko na pwede mong ipagkatiwala sa akin ng buo ang puso mo. Mahal na mahal kita Chinee. Maniwala ka sana."

Tinitigan ko ng matagal ang singsing na iyon. Nakalakip dito ang pangako namin sa isa't isa kaya iingatan ko ito.

"Lagi akong magtitiwala at maniniwala sa iyo, Jung Jinyoung. Kahit anong mangyari, hinding hindi mawawala ang pagmamahal ko. Pangako." Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan na nararamdaman ko habang nakatitig ako sa magagandang mata ng kaharap ko. Nang hindi pa ito kumilos ay ako na ang nagkusang kumabig sa kanya para selyuhan ng halik ang pangako naming dalawa sa isa't isa.

I love you Jung Jinyoung. For keeps.

종료

-simplyfanatic08102017

We Can't Keep Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon