Papalapit pa lang ako sa gate, natanaw ko na agad si Mr. Yoo na nag-aabang habang nakatayo sa tapat ng kotse nito.
"Mrs. Shin wanted to talk to you in her office."
Nagtatakang napatango na lang ako at sumakay na matapos nyang buksan ang pintuan sa backseat para sa akin. Ang alam kong office na sinasabi nito ay ang Shin Entertainment. Bakit kaya? Maghapong hindi ko nakita ang B1A4 sa school. Hindi ako sigurado kung pumasok nga sila. Wala kasi kaming subject na pareho ngayon. Iba rin ang break time ko.
Pagdating sa building ay sinamahan ako ni Mr. Yoo hanggang sa office. Sya pa ang nagbukas ng pinto para sa akin pero hindi naman sya pumasok.
Nagulat ako dahil pagdating ko ay nandoon na ang kumpletong myembro ng B1A4. Pati na yung lalaki na kinausap ni Jinyoung kagabi.
"Take a seat, Chinee." Mrs. Shin said in a strict voice.
Bahagyang umusod si Channie kaya naupo ako sa tabi nya. Katabi nya si Sandeul at Baro. Katapat naman ng upuan namin si Kuya Shinwoo, Jinyoung at yung lalaki na hindi ko pa kilala.
"Do you have a mere idea why you are here, Chinee?"
"Po?" Bulalas ko. Nagulat ako nang tawagin ni Mrs. Shin. "I mean..." Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Nakakapanibago ang katahimikan. Pati ang pagiging istrikta ni Mrs. Shin. Ngayon ko lang sya nakitang ganun. At wala ako'ng kahit na isang ideya sa nangyayari.
Tapos may inilapag na print out si Mrs. Shin sa table nya. Napatingin ako dun.
"I'm just gone for a week, and then this issue came out?" Bahagyang tumaas ang boses ni Mrs. Shin kaya gulat na napasulyap nanaman ako sa kanya.
"Jung Jinyoung, how can you explain this? Even dragging Chinee's name in this issue." Napatingin ako kay Jinyoung na nanatiling nakayuko.
Ano ba'ng nangyayari? Ano'ng issue?
"Manager Cha, what can you say about this?" Sabi pa nya na nakatingin sa lalaking hindi ko kilala. Mabilis naman na tumayo ang lalaki at nagsalita.
"I'm sorry, it's my entire fault." Parang naiiyak na sabi nung manager pala nila. Tahimik lang akong nakamasid kasi hindi ko naman talaga alam kung ano ang nangyayari.
"How about Chinee?"
Napatingin nanaman ako kay Mrs. Shin nang marinig kong binanggit nya ang pangalan ko.
"I thought they are together since Jinyoung came here with her last night. We talked about the issue. It's my entire fault to drag her name here. I ask someone to make an article about Jinyoung and the school girl, he's dating." Mahabang paliwanag nito tapos humarap sya sa akin. "I'm really sorry, Ms. Chinee."
"It is also my fault. I'm the one who should pick Chinee up, but I overslept last night. So Jinyoung volunteered." Singit ni Kuya Shinwoo.
"How about Ericka Lomoine and Jinyoung's dating issue. Is it true?"
Biglang natahimik ulit ang lahat.
"Is it true?" Ulit nito sa mas mataas na tono.
"We must think of another plan to divert the issue. Baka maapektuhan ang album release natin."
"Girlfriend mo ba talaga si Ericka? Do you know that scandal she's involved with?" Tanong ni Mrs. Shin kay Jinyoung. Hindi nito pinansin ang sinabi ni Mr. Cha.
"I've seen the video. Someone sent me a copy."
"So girlfriend mo talaga si Ericka?"
Lahat kami nakatuon ang tingin kay Jinyoung. Habang sya ay kay Mrs. Shin naman nakatuon.
Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng awa para sa kanya nang marahan syang tumango bago muling yumuko.
"Alam nyo bang ang dami ng negative comments tungkol sa college student na nalilink sayo ngayon, Jung Jinyoung? Mostly ay supporters ni Ericka. Paano kapag nalaman nila na si Chinee iyon? Naisip nyo ba ang magiging kalagayan ni Chinee?"
"H-hindi naman po totoo ang isyu."
Parang gusto kong magsisi na nagsalita pa ako nang taasan ako ng kilay ni Mrs. Shin. Naiiyak ako, hindi ako sanay na nakikita syang nagagalit.
"What I mean is, those bad comments won't harm me at least. At kaya ko naman pong ipagtanggol ang sarili ko. Hindi po ako magpapaapekto sa kanila." Dagdag paliwanag ko.
"We stopped seeing each other long before the video came out. Isa pa, isang male model ang kasama nya sa video. Kaya hindi ko alam kung bakit nasama ang pangalan ko. I'm sorry if these things happen."
"You are not allowed to see Ericka at this time, or talk to her in any form of communication. Is that clear?"
Tumango lang si Jinyoung.
May ilang paalala pa na sinabi at ilang plano pa na ginawa tungkol sa album launch nila. Wala naman na akong kinalaman doon pero hindi naman nila ako pinalabas eh.
"And Chinee, you have to stick with the group from now on. May mga threaths kasi sayo, we won't risk your safety."
Threaths? Bakit? Wala naman akong ginagawa ah.
"I'm really sorry, Ms. Chinee. It's the most stupid decision I've ever done." Hinging paumanhin nanaman ni Mr. Cha sa akin.
"Okay lang po. If this will help to clear the group's image, I'll gladly help you all. Isa pa, I am also a BANA, malulungkot ako kapag hindi natuloy ang album launch dahil lang dito. Kaya ko naman pong ipagtanggol ang sarili ko. Wala naman sigurong masamang mangyayari sa akin."
Nakangiti kong paliwanag sa kanila.
Mas inaalala ko ngayon ang nararamdaman ni Jin. Siguradong nasasaktan sya. Totoo nga kaya ang video? Baka kasi gusto lang din talaga silang sirain ng kung sinoman ang gumawa non.
"About your part time. Do you really need that job?" Tanong sa akin ni Mrs. Shin.
"Hindi naman po."
"We need to keep you close as much as possible. Mag-resign ka na rin dun."
Bigla akong nalungkot. Gaano ba kalala ang sinasabi nilang threaths? Pero kailangan kong sumunod. Kaya kahit labag sa loob ko, sumang-ayon na lang din ako.
"This meeting's over. You can go back to your dorm now."
Nagpasalamat na kaming lahat kay Mrs. Shin bago kami lumabas. Naiwan si Kuya Shinwoo sa loob kaya hindi ko alam kung babalik pa ba ako sa dorm o doon na ako sa malaking bahay nila uuwi.
"Hey wife." Tawag sa akin ni Sandeul sabay akbay.
"Nagugutom na rin ako. Should we eat outside?" Napangiti si Sandeul sa sinabi ko. Alam ko naman na yun talaga ang sadya nya kaya nya ako tinawag eh.
Kailangan kong maging masaya kahit hindi naman talaga iyon ang nararamdaman ko.
Dumaan sa harap namin si Jinyoung. Tatawagin ko sana sya pero naramdaman ko ang pagpigil sa akin ni Sandeul. Nang tingalain ko sya, bahagya syang umiling na nakuha ko naman agad ang ibig sabihin.
"Sa tingin mo, magiging okay lang sya?"
"He can handle it. You should worry about yourself." Singit ni Baro tapos ipinatong nya sa ulo ko ang suot nyang bull cap.
Tsk.
Nilampasan na kami ni Baro at hinabol nya si Jinyoung. Mas maganda nga siguro na silang dalawa na muna ang mag-usap.
BINABASA MO ANG
We Can't Keep Meeting This Way
Fanfiction(COMPLETED) Sino ang mag-aakala na ang simpleng kagustuhan mo na makita ang idol mo kahit sa malayo ay ang magpapabago ng buong buhay mo? start : May 27, 2017 end : August 08, 2017