6 - Happy Chic

243 44 76
                                    

Vocab:

maknae - youngest

--

Walang pasok!

Mapapahinga na rin ang puso ko. Grabe, dalawang araw na magkasunod na rin kasi na sobrang lakas ng kabog nito.

At nangyayari iyon kapag nakakaharap ko ang B1A4. Sana masanay na rin ako sa presensya nila. Lalo pa at classmates ko pala ang maknae nilang si Gongchan sa ibang subjects ko.

Sana rin ay makalimutan na agad ni Jinyoung ang nakakahiyang pinagsasabi ko sa harap niya.

Hinarap ko na lang ulit ang laptop ko at sinimulang gawin ang draft ng magiging documentary ko. Problema ko na lang talaga kung paano ako makakakuha ng mga information at experiences.

Parang gusto ko na tuloy magsisi kung bakit ako nag-apply as exchange student ngayon. Ang hirap pala.

Napatingin ulit ako sa cellphone ko. Kanina pa 'yon umiilaw at nagba-vibrate. Baka mga tags nanaman sa'kin ng mga kaibigan ko sa facebook.

Sinulyapan ko ang cellphone ko nang mag-vibrate ulit iyon. Ano bang meron?

Binuksan ko na at nagpunta agad ako sa facebook app. Ang daming notifications. May mga naka-tag na pictures. May mga messages din bukod sa nag-post sa timeline ko.

Napatingin ako sa kalendaryo.

Birthday ko?

Birthday ko pala ngayon.

Mula kasi nang mamatay ang mga kinikilala kong magulang, hindi na ulit ako nagcelebrate ng birthday ko. That was three years ago.

Isa pa, wala namang nakakaalam kung ngayon nga talaga ang birthday ko. Basta ginawa na lang nila iyon sa araw na nakita nila akong umiiyak na mag-isa.

Noong araw na nakita ako ng kinikilala kong ina na mag-isa. Paano pala kung sadyang iniwan ako ng biological parents ko noong ilang buwan pa lang ako?

Nalungkot lang tuloy ako bigla.

Napatingin ako sa may bintana at nakita kong maaliwalas ang panahon kahit medyo malamig. Naisipan kong bumaba na lang sa garden. Nagiging tambayan ko na iyon mula noong unang dumating ako rito.

Paglabas ko ng kwarto, nasalubong ko si Mrs. Shin na kakalabas lang din mula sa kwarto na pink ang kulay ng pinto. Nang nakita niya 'ko, saglit siyang tumalikod at sa hula ko ay para magpahid ng luha.

Nagtaka ako. Bakit siya umiiyak?

Pagharap niya sa akin, nakangiti na sya. Iyong klase ng ngiti na kapag nakita mo ay parang biglang magliliwanag ang mundo mo.

"What do you want to do today?" tanong niya sa akin nang makalapit na siya. Sabay na kaming naglalakad pababa ng hagdan.

"I know it's your birthday," sabi niyang nakangiti nang mapansin niyang nagtataka ako.

"Oh, right." Napangiti na rin ako. Nakakahawa naman kasi ang masayang mood ni Mrs. Shin, ang ganda ganda pa niya. "Okay lang po. I don't usually celebrate it anyway."

Noong nasa first floor na kami ng bahay papunta sa sala nila bigla siyang huminto at humarap sa akin. Nawala na rin ang ngiti nya.

Hala! Galit ba siya? May nasabi ba kong hindi maganda?

Nagulat ako nang biglang magbago ang expression ng mukha niya at bigla niya kong niyakap.

Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko nang yakapin niya ko. Parang bigla akong nagkaroon ng nanay. Si mama kasi noong nabubuhay pa siya, hindi niya ako madalas yakapin. Inintindi ko na lang kasi iniisip ko na obligado lang sila na kupkupin ako, pero hindi ko naman sila masisisi dahil bata pa lang ako, alam ko nang ampon ako. Akala lang ng lahat, okay kami. Wala naman kasing nakakaalam ng totoong pagkatao ko.

Sa sobrang emosyonal ko, hindi ko na namalayan na napaluha na pala ako. As in talagang umiyak ako habang nakayakap na rin ako kay Mrs. Shin.

Sobrang iyak ko talaga sa hindi ko malamang dahilan. Siguro nagkahalo-halo na. Ang pagka-miss ko sa mama ko kahit hindi kami close, ang pagka-homesick ko, ang cold treatment sa akin ng mga classmates ko ngayon. Ang pakiramdam na mag-isa lang ako.

"Hush now, Chin. We're going to celebrate your nineteenth birthday here. I'll take care of it."

Medyo sumisinghot pa ako nang harapin ko si Mrs. Shin. Seryoso ba siya?

Mukhang seryoso nga siya dahil hindi nagtagal ay nagpunta na kami sa supermarket. May nakasunod lang na bodyguard sa amin habang nag-iikot kami. Ang dami naming pinamili. Wala naman kaming bisita. Masyadong excited si Mrs. Shin.

Pagdating namin sa bahay nila, nagsimula nang magluto ang dalawang katulong nila tapos nag-bake naman ng cake si Mrs. Shin. Blueberry Cheesecake ang ginawa niya na nagkataong pareho naming paborito.

"This is the first time I will celebrate a birthday for a daughter, so I'm excited. I also told Woo to come over with his friends. I hope you won't mind."

Mami-meet ko na sa wakas ang anak ni Mrs. Shin. Magkasundo kaya kami? Wala kasi silang family picture sa living room eh kaya hindi ko alam ang itsura niya.

"Go to your room and change your clothes now. The food will be ready in a minute."

Nagpasalamat lang ako at umakyat na sa kwarto. Ang swerte ko. Ang bait ng family na napuntahan ko.

Binilhan din ako ni Mrs. Shin ng bagong damit bilang regalo niya sa akin.

Humarap na ako sa salamin pagkatapos magbihis. Long sleeve turtle neck ang suot ko na pastel color tapos naisipan kong i-partner doon ang denim skirt ko. Kinulot ko ang dulo ng mahaba kong buhok, pero ewan ko ba at naisipan kong magsuot ng eyeglass ngayon.

Bluish gray kasi ang kulay ng contact lens ko na madalas kong ginagamit, pero ngayon, gusto kong makita nila ang totoong ako. Sabi nila, eyes are the windows of our soul. Kung tinanggap ako ng mga Shin sa family nila, siguro oras na rin para tanggapin ko sila ng tuluyan sa buhay ko.

Nag-apply ako ng light make up, maputla kasi talaga ako eh. Tapos sinuot ko na ang eyeglasses ko na hindi pwedeng mawala dahil malabo ang mata ko. May grado ang salamin ko at contact lenses na gamit ko.

Chic. After I satisfy myself with my looks, nakangiti na akong bumaba.

Halos maiyak ako nang salubungin nila ako ng kanta ng Happy Birthday.

Dala ni Mr. Shin ang cake na pinagtulungan naming i-bake ni Mrs. Shin kanina. Naroon na rin si Ms. Kim na secretary nila kaya nasorpresa ako lalo.

"Make a wish, Chinee."

Pumikit ako at nagpasalamat. Wala na akong mahihiling pa kaya nagpasalamat na lang ako. Pagkatapos ay niyakap ako ni Mrs. Shin. Kinuha ni Ms. Kim ang cake kay Mr. Shin at nakiyakap na rin sa amin.

Pakiramdam ko biglang nabuo ang pagkatao ko habang yakap nila ako pareho.

Ang saya...

We Can't Keep Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon