"Thank you." Nag-bow ako saglit sa manager at umalis na. Noong isang araw pa ako nag-apply bilang service crew sa coffee shop nila.Wala rin naman kasi akong gagawin kapag walang klase kaya naisipan ko mag-part time. Pinayagan naman ako ni Mrs. Shin pero kailangan na may tagahatid at sundo ako. Tapos, si CNU binigay sa akin ang isang cellphone niya para may magamit daw ako na pwede nilang tawagan.
Maayos naman ang lahat pero ang nakakainis lang, kinukulit pa rin ako ni Baro hanggang ngayon. 'Di ko talaga alam kung ano trip ng lalaking 'yun.
Paglabas ko ng coffee shop, tinitigan ko ang name plate ko at nakangiti nang sumakay sa nag-aabang na kotse.
Problemado pa rin naman ako sa nawawala kong passport kaya ako naghanap ng part time, in case na may kailangan akong bayaran.
Pagdating ko sa bahay, nakita ko sa garden si CNU kaya pinuntahan ko siya.
"Dongsaeng." Nakangiti siyang kumaway nang makita niya kong palapit.
Ang bait talaga ng family nila, hindi iba ang turing sa akin. Simula nang malaman ni CNU na sa kanila ako nakatira, lagi na niya akong binabantayan at sinasabay sa break time.
Little sister na nga rin ang tawag niya sa akin at gusto niyang oppa itawag ko, di ko lang talaga feel kaya Shinwoo ang tawag ko sa kanya, base sa totoo niyang pangalan.
Si Jinyoung naman, minsan ko lang siyang nakakasabay kasi lagi syang nawawala kapag break time, hindi naman din siya halos hinahanap ng mga kasama niya. At kapag nakasama naman namin siya, lagi akong kinukulit ni Baro.
"Sabi ni mommy, magpa-part time ka raw."
"Yeah."
"Do you need money?"
Naku po, hindi naman siguro niya ako bibigyan ng pera kapag sinabi kong oo 'di ba.
"No, I just need something worthy to spend my spare time with."
"Puwede kang sumama sa mga dance practice namin para makapasyal ka rin."
As in? Pwede talaga? Hindi ko napigilan ang ngumiti. Biglang 'yung mata ko parang naging stars na kumikinang. Isipin ko pa lang na makakasama ko sila at mapapanuod ng aktuwal at hindi lang basta sa TV at videos.
Makikita ko na ng personal ang kakulitan ni Jinyoung. Hindi 'yung edited videos lang. Mapagmamasdan ko na ang bawat kilos niya.
Ang saya 'non, sigurado.
"Baro might like it seeing you there."
Bigla akong sumimangot nang marinig ko ang pangalan na 'yun. Ang dami nang kasalanan sa akin ng lalaking 'yun.
Si Queen Bee, 'yung babaeng sumita sa akin nung pinaghahampas ko si Baro, lagi na lang akong pinag-iinitan. Minsan nga tinisod pa ko eh, noong nagkasalubong kami sa hallway. Kung hindi lang ako nakapagpigil baka naibato ko na sa kanya ang hawak kong digicam.
Kaso naisip ko, sayang ang digicam ko. Isa pa, biglang sumulpot si Jinyoung eh. Kailangan demure ako.
"But you look perfect together."
"Shinwoo," reklamo ko 'nong ayaw pa rin niya akong tantanan sa panunukso.
Tumawa lang siya nang malakas. Kung hindi lang 'to mabait sa akin, baka hinampas ko na 'to.
"Pero sino talaga ang gusto mo sa B1A4?" tanong niya pagkatapos niyang tumawa.
Hala, napansin ba niya?
"Well, lahat naman ng fandom may bias," dugtong niya.
"Masyado ba akong obvious?" worried na tanong ko.
"To start, you introduced yourself as Jinyoung's girlfriend."
Hala siya! Naalala pa niya 'yun? Ang tagal na 'non. Si Jinyoung nga hindi na natatandaan ang totoong pangalan ko eh. Tapos ang pagpapakilala ko, hindi pa rin nakakalimutan ni Shinwoo?
"So?" he asked with a raised brow.
"You won't let it pass, will you?"
"I'm curious."
That mischievous grin again. Hindi ako nagsalita. Nakatitig siya sa akin habang nakangiti. At kahit na ang ganda ng ngiti niya, kahit ang gwapo niya tingnan kapag nakangiti, hindi ko iyon gusto dahil alam kong may iba siyang naiisip.
"It's Jinyoung, right," sabi niya at todo ngiti na naman.
Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Sana hindi niya ako tuksuhin kapag andyan si Jinyoung. Nakakahiya...
"No wonder, Baro's been protecting you."
"Huh?" nagtatakang tiningnan ko siya. Si Baro? Ano na naman ang kinalaman ni Baro dito? Anong protecting? Kanino? Ako? Bakit?
"Well, I saw how closed you are to mom. You made her happy. You are like a daughter to her. So I'm starting to like you as my sister. You are a little sister to me now."
"Then?"
"So I asked Baro if he's serious about you being his girlfriend. Hindi naman kasi siya ganun talaga kakulit sa babae. Snob pa nga siya minsan eh. Sabi niya mabait ka raw at ayaw niyang masaktan ka, in any form or in any way."
Sumandal siya sa upuan niya at tumitig ulit sa akin. "Don't be too harsh on Baro, he is just protecting a friend from a possible heartache."
Ako ba 'yung friend na tinutukoy niya? Bakit naman ako masasaktan?
"Walang nakakaalam nito, not even my mother I guess. But Jinyoung already had a girlfriend."
Ouch.
Masakit din pala kahit papano. Wala naman akong inaasahan eh. Isa lang akong fan na nangarap na makapunta ng Korea at makilala sila. Hindi ko naman inaasahan na ang nararamdaman ko sa kanya ay masuklian niya.
Pero aaminin ko na noong nakilala ko sila, naging classmates, at naging kaibigan, merong mumunting pag-asa akong pinanghawakan, na baka lang naman, kung sakaling papayagan ng tadhana, baka sakaling mapansin din ako ng taong gusto ko.
Kaya medyo may kaunting kirot sa puso ang sinabi sa akin ni Shinwoo.
"You okay?"
Nagulat ako nang isang mainit na palad ang dumampi sa pisngi ko. Gano'n na ba kalalim ang naging pag-iisip ko? Hindi ko na namalayan na nakalapit na pala sa akin si Shinwoo.
Overwhelming masyado ang ngiti niya. Nag-aalala. Nakikisimpatya. Iyong ngiti na sinasabing naiintidihan ka niya. Iyong pakiramdam na kahit masakit, magiging ayos din ang lahat. Iyong ngiti na may magtatanggol sayo kahit anong mangyari.
"Payakap naman," sabi ko tapos tuluyan na akong naiyak habang nakayakap ako kay Shinwoo.
Hindi ako dapat nakakaramdam ng lungkot. Wala akong karapatang masaktan o umiyak kasi wala namang obligasyon si Jinyoung sa nararamdaman ko sa kanya.
Pero may kirot kasi talaga.
BINABASA MO ANG
We Can't Keep Meeting This Way
Fanfiction(COMPLETED) Sino ang mag-aakala na ang simpleng kagustuhan mo na makita ang idol mo kahit sa malayo ay ang magpapabago ng buong buhay mo? start : May 27, 2017 end : August 08, 2017