48 - You Are My Only One

107 23 2
                                    


Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kanina. Paggising ko ay madilim na ang buong paligid lalo at nakapatay pa ang ilaw sa loob ng kwarto. May nakatabon na rin na kumot sa katawan ko. At yung lalaki na kayakap ko kanina ay wala na at napalitan ng unan ang katabi ko.

Kinusot ko ang mata ko at isinuot ang eyeglass na nasa bedside table. Ang tahimik ng buong paligid. Tumayo na ako at palabas na sana nang mapansin ang maliit na post it note sa pintuan.

Dress whatever you like, and come outside. Let's date and be my girl. I'll be waiting.

-Jung Jinyoung, xoxo

Pagkatapos kong basahin iyon, nagmamadali kong hinalungkat ang dala kong bag. Isang dress lang naman ang dala ko eh, pero halter top yun kaya plano kong patungan na lang ng cardigan. Mabilis akong nag-ayos ng sarili, nagpahid lang ako ng light make up, at simpleng headband lang ang isinuot ko para sa buhok ko.

Muli kong binasa ang nakalagay sa post it note bago maingat na inipit iyon sa isang page ng notebook ko.

Ready.

Huminga pa ako ng malalim bago tuluyang binuksan ang pinto ng kwarto. Malamlam ang ilaw sa sala paglabas ko, tama lang para makita ko ang daraanan ko. Agad kong napansin ang nakadikit na arrow sa isang drawer na maraming figurine. Sa baba nito ay isang stick na may nakadikit na picture sa dulo. Picture ko iyon na nakatagilid habang nagbabasa ng libro at nakaupo sa isang bench, halatang kinunan mula sa malayo ang litrato.

Sinundan ko ang itinuturo ng arrow, at narating ko ang gitna ng sala. May arrow din sa center table na nakaturo sa may pinto. Muli kong dinampot ang isa pang stick at napakunot noo ako nang makita ang picture. Stolen shot ulit iyon habang nakangiti ako. Natatandaan ko na ito yung unang beses na nagpunta ako sa studio at napanuod ko ang dance practice nila. Alam ko iyon dahil sa damit na suot ko. Kausap ko si Sandeul nang panahong iyon at pinapanuod na naglalaro si Kuya Shinwoo at Gongchan.

Bawat arrow ay may itinuturong direksyon, at kasama niyon ang mga picture ko na halatang kinunan nang hindi ko nalalaman. Nagpatuloy ako sa pagsunod sa mga arrows hanggang sa marating ko ang likod ng cabin.

Pagdating sa likod ay napakaliwanag na ng paligid dahil sa mga ilaw. Yung pathway na daraanan ay may ilaw din kaya kitang-kita ang nilalakaran ko. Sa dulo noon ay ang open space kung saan naroon ang table set up na may candle light at may pagkain. Pero wala roon ang inaasahan kong makita.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang hinahanap sya sa paligid. Pero mag-isa lang talaga ako. Nang ilang hakbang na lang ang layo ko mula sa nesa ay biglang pumailanlang ang isang kanta. Lumingon ulit ako para hanapin si Jinyoung at sa wakas ay nakita ko na sya. Nasa isang gilid lang pala ito katabi ng sound system.

Nang marinig ko ang intro ng kanta ay napatingin ako sa mga pictures na hawak ko. Doon ko lang narealized na si Jinyoung ang kumuha ng lahat niyon nang hindi ko nalalaman.

Ibig bang sabihin nito, noon pa man ay gusto na nya ako? Bigla kong naisip ang lahat ng mga panahon na magkasama kami, na nagkakausap kami saglit, yung mga panahon na bigla akong mapapatingin sa kanya at nadiskubre kong nakatingin din sya, tapos bigla syang ngingiti.

Nagulat ako nang may kamay na kumuha sa mga hawak kong pictures at inilapag iyon sa mesa. Napatingin na lang ako sa taong nasa harap ko na nananatiling nakangiti.

Jinyoung...

Nagsimula nang maglandas ang luha sa mga mata ko.

Inalalayan nya ang dalawang kamay ko para ipatong sa balikat nya. Saglit nyang pinahid ang luha ko bago ipinulupot ang mga braso nya sa bewang ko.

"Kelan pa?" Bulong ko nang tuluyan na kaming magkalapit.

"Matagal na Chinee. Sorry, if it's a bit late pero sana mahabol pa kita. Kinailangan ko lang talagang ayusin ang lahat para maayos akong makaharap sayo. Because you deserve all the happiness in this world."

Nagsimula na kaming marahang sumayaw sa sa saliw ng kanta nila na mahinang tumutugtog. Hindi ko pa rin mapigil ang luha ko kaya yumakap na ako sa kanya at doon impit na umiyak.

Sobrang saya ko, at hindi ko inaasahan na ganito pala ang kahahantungan naming dalawa. Yung mga panahon na iniisip kong balewala ako sa kanya, na hindi nya alam ang pangalan ko dahil "Nami" ang tawag nya...

"Bakit nga pala Nami pa rin ang tawag mo sa akin dati? Kahit noong nakatira na ako sa dorm?" Bigla kong naalalang itanong sa kanya. Ang tagal kasi bago nya ako tawagin sa totoong pangalan ko.

Nagkibit balikat lang ito at sumimangot ako.

"Bakit nga?" Ulit ko.

"Ikaw yung cosplayer na nakilala ko bilang si Nami. There is significance in our names. Kapag tinawag kita sa totoong pangalan mo, dapat sigurado na ako sa nararamdaman ako. Do you still remember the first time I called your real name?"

Marahan akong tumango. Paano ko makakalimutan iyon? Sa rooftop ng dorm, unang beses nya akong tinawag bilang si Chinee, tapos niyakap nya ako.

"You kissed me the next morning, but we never talked about it." Akusa ko sa kanya.

"That kiss was for me." Nakangiti nitong sabi at kinintalan ako ng isang halik sa labi.

Natulala ako dahil sa ginawa nya.

"Nung gabi na sinundo kita sa part time job mo, dumaan tayo sa office at nalaman ko na ang issue na lumabas at nasangkot ang pangalan ko. Alam kong maaapektuhan nun ang promotions dahil nadamay ako kahit hindi dapat. We already broke up before that issue came. Kasalanan ko iyon, dahil naging iresponsable ako. Pakiramdam ko, ni-let down ko ang buong grupo bilang leader nila. I'm sorry kung hindi na natin nagawang pag-usapan iyon dahil sa mga problema na biglang dumating sa akin. But that kiss serves as my strength during those times. Iniisip ko na kakayanin ko ang lahat ng problema basta pagdating ko sa dulo, pagkatapos ng lahat ng gulo, ikaw ang makikita ko. Pinanghahawakan ko iyon Chinee."

"Jinyoung..."

"Sorry kung hindi ko agad nasabi sa iyo. Sorry kung nasaktan kita dahil sa mga ginawa ko. Espesyal ka sa akin Chinee, kahit na may problema sa trabaho namin, iisipin ko na lang na pag-uwi sa dorm, sasalubungin ako ng mga ngiti mo, gumagaan na ang pakiramdam ko. Kinailangan ko lang talaga ng oras para maitama ko ang pagkakamali ko. Inayos ko muna ang lahat ng gulo sa management, tinapos ko muna ang commitments namin bago ako lumapit sayo."

Niyakap nya ako ng mahigpit.

"Please allow me to take care of you Chin. I want to be the man in your life, the only man in your life. Please accept me."

Humiwalay na sya ng yakap sa akin at tinitigan ako.

Pilit kong pinipigil ang pagluha dahil sa sobrang kasiyahan.

Tumingin ako sa mga mata nya at marahang tumango...

"Yes..." Bulong ko sa kanya.

--

AN** I suggest you listen to the media above while reading this chapter. Waley lang, gusto ko lang talaga ang kanta na ito. Wewewe :) .. Enjoy reading ...
-simplyfanaticBANA

We Can't Keep Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon