44 - Forty Four

106 20 11
                                    


Nagtagumpay ako na kahit paano ay itaboy pabalik ng hotel kung saan man ngayon naka-check in si Jinyoung. Magkikita kasi kami ni Remarie at hindi ko naman sya pwedeng isama. Kaninang umaga paggising ko ay nakatanggap ako ng text mula kay Julian na sinasabing kailangan ako ng kaibigan ko.

I can feel something was up kaya nagkasundo kaming magkita ngayon.

Isa pa, kailangan ko rin ng time para makapag-isip sa mga nangyayari. Nahihiya pa rin kasi ako dahil sa nakita nyang kasama ng binili kong ulam.

And speaking of, hindi ko pa pala nasisita si Roxy dahil sigurado akong sya ang may kagagawan niyon.

Dahil doon ay nagkaroon ng magandang dahilan si Jinyoung para tuksuhin ako. Nakakailang tuloy kagabi nung matutulog na kami. Iisa lang kasi ang higaan ko, single bed pa iyon at wala akong extrang comforter. Pagkatapos ng halos isang oras na pakikipagdiskusyon, napagkasunduan na lang namin na magkatabing matulog pero magkatalikod sa masikip kong kama.

Ang nakakainis lang ay paggising ko kaninang umaga, hindi ko alam kung paanong biglang magkaharap na kami at nakayakap ako sa kanya.

Ilang sandali ko pa muna syang pinagmasdan. Kung bakit naman kasi, mapagising o natutulog ay nakakatulala ang kagwapuhan nya.

At ako pa talaga ang nakayakap? Puro kahihiyan na lang ang inabot ko sa harap nya.

Naisip kong tanggalin na ang braso ko at bumangon bago pa nya malaman ang posisyon namin. Pero habang dahan-dahan kong inaangat ang kamay ko ay saka naman ito dumilat at agad na ngumiti pagkakita sa akin.

"Nakakainis!"

"Sino?"

"Huh?" Napatingin ako kay Remarie, tapos kay Julian, at balik-tingin kay Remarie. Nakatingin silang dalawa sa akin, sabay pa silang nagtanong.

Ngumiti lang ako at nag-peace sign tapos itinuon ko na ulit ang atensyon ko sa sinusulat ko. Kaso hindi ako mapalagay dahil ramdam ko pa rin ang tingin nilang dalawa sa akin. Kaya mula sa notebook na sinusulatan ko ay pasimpleng sinilip ko si Remarie para lang makitang nakatingin din sya sa akin.

Umupo ako ng diretso, padaskol na binitawan ko ang ballpen at pinagsalikop ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa.

"Okay fine, let's talk." Tiningnan ko si Julian na nagkukulay ube na ang paligid ng kaliwang mata dahil sa pasa. Putok at may sugat din ang gilid ng bibig nito. Si Remarie naman ay namumugto ang mga mata na halatang kagagaling lang sa matinding pag-iyak.

"Okay, mauna ka."

"Bakit ako?" Tanong ko kay Remarie.

"Dahil ikaw ang bunso." Inirapan ko si Julian dahil sa sagot nya. Yan tayo eh. Laging maknae ang kinakawawa.

"Bakit ka may pasa?" Panimulang tanong ko dito.

Mas matanda lang sa akin ng isang taon si Remarie. Dalawang taon naman si Julian, pero mas makulit pa rin ako kaya wala silang nagawa kundi ang maunang magkwento. It turned out na nakipagsuntukan pala si Julian sa bar, tatlong lalaki ang nakalaban nya hanggang sa maawat sila ng mga kasama nya sa basketball team. At ang dahilan ng pakikipag-away nito, yung boyfriend ni Remarie. Nakita kasi nila ang boyfriend nito na may ibang babaeng kasama. Kinumpronta ni Remarie iyon pero binastos lang sya ng lalaki kasama ang barkada nito. Syempre hindi naman pumayag si Julian na gawin iyon sa kabigan namin kaya nauwi sila sa pagtatalo at pisikalan.

"Kapag nasalubong ko talaga sa campus ang Kharlo Arellano na yan, lagot sya sa akin." Bakas sa boses ni Julian ang kinikimkim na galit. Sinulyapan ko si Remarie pero blanko ang ekspresyon ng mukha nito.

"Besh, sorry wala ako dun." Hinawakan ko ang isang kamay nya.

"Okay lang. Mabuti na rin iyong nakita ko sila mismo. At least hindi na ako basta naghihinala na lang." Tipid itong ngumiti pero alam kong nasasaktan pa rin sya. Limang taon din ang itinagal ng relasyon nila.

"Nakakainis naman iyang si Kharlo. Ano bang pumasok sa isip nya at ngayon pa nya iyon nagawa?"

Hindi na nagsalita pa ulit si Remarie kaya tumahimik na lang din ako.

Lahat ba ng relasyon magtatapos na lang din sa wala? Tapos may isang maiiwan, malulungkot at mag-isang masasaktan. Kung ganun, bakit ka pa papasok sa isang relasyon? Nakakatakot tuloy ang sumubok.

"Ikaw naman," napatingin ako kay Remarie. "Ano ang sinasabi mong emergency kagabi?"

"W-wala naman. Okay na yun." Bigla akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Pero alam kong nakataas na ang isang kilay nitong si Remarie.

"Kilala kita Chinee Andromeda. Sabihin mo na sa akin bago pa kita pilitin na magsalita." Pagbabanta nito.

Kilala ko rin si Remarie, kapag may gusto syang malaman ay aalamin talaga nya iyon. Anuman ang mangyari.

"Si Jung Jinyoung. Dumating sya dito at nakausap ko sya."

"Seryoso ka?" Bulalas nito.

"Sino yun?" Napatingin kami pareho kay Julian. Wala nga pala itong ideya tungkol sa kanila kaya ipinaliwanag ko sa kanya iyon.

"Kaya mo ba ako ni-reject dahil may naiwan ka sa SoKor?"

"Correction, hindi nya yun naiwan. Dahil hanggang sa makabalik sya dito sa Pilipinas ay M.U. pa rin sila?"

"Mutual understanding?"

"M.U. as in Malabong Usapan. Pero teka," bumaling sa akin si Remarie, tuluyan nang nakalimutan ang ginagawa naming project. "Paano sya nakarating dito? Anong kailangan nya sayo?" Nagkibit balikat lang ako, ayoko na munang pag-usapan iyon.

Natahimik kaming lahat na parang may kanya-kanyang iniisip. Hindi na nangulit pa si Remarie at nanatiling tahimik si Julian. Itinuloy na namin ang ginagawang project at research papers. Isang linggo na lang ang pasok para sa semestral na ito kaya tambak ang requirements namin.

Gabi na nang i-finalize namin ang research paper naming tatlo. Nagprisinta pa si Julian na ihahatid kami pauwi pero hindi na kami pumayag ni Remarie at sinabihang magpahinga na lamang sya.

"Ano ang plano mo ngayon na nakita mo sya ulit?"

Natigil ako sa paglalakad dahil sa tanong na iyon ni Remarie.

"Ano ba ang dapat kong gawin?"

"Iwasan mo."

Napatingin ako sa kanya pero sa malayo nakatanaw si Remarie.

"Totoong minahal mo sya noon diba. Pero kumplikado ang sitwasyon nyong dalawa. Ano ang magiging kaibahan nun ngayon? Sikat sya, simpleng tao ka lang. Ano ang mangyayari sa relasyon nyo?"

"Pero pinuntahan nya ako." Katwiran ko sa kanya.

"Pinuntahan ka nya. Maaring may nararamdaman nga sya kahit wala syang sinasabi. Pero hanggang kelan? Hanggang saan? Kakayanin mo ba ang mga isyu na nakakabit sa pangalan nya?"

"Pero besh-"

"Nagseselos ka nga agad kapag nakakabasa ka ng article na napapalapit sya sa iba diba. Nalulungkot ka kapag nakikita mo na may iba syang kasama sa mga pictorial at guestings nila. Kakayanin mo ba yung ganung pakiramdam? Kung ako sayo, wag mong piliin ang ganun ka-komplikadong relasyon."

Bigla akong nalungkot sa sinabi nya. Pero alam kong may punto sya.

Kailangan ba na marating ko rin ang kinatatayuan nila? Dapat ba tinanggap ko na lang ang offer sa akin na maging trainee noon?

"Think about it, besh. Concern lang ako sa puso mo."

Saglit pa akong niyakap ni Remarie bago kami naghiwalay ng landas para umuwi sa kanya-kanyang bahay.

He came to see me. But I'm having a heavy heart again...

We Can't Keep Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon