Ilang araw matapos ang birthday celebration sa dorm ay sinimulan ko na rin ang on-the-job training ko sa Shin Entertainment. Inilagay ako ni mommy sa production team na assigned sa concert ng B1A4. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nila para ma-approved ang papers ko sa school, pero nang maalala ko na kami nga pala ang may-ari ng school ay hindi na ako nagtanong. Ayaw talaga nila akong pabalikin sa Pilipinas para ipagpatuloy ng normal ang pag-aaral ko. Pero nangako naman sila na papayagan akong maka-graduate kasama ang mga kaibigan ko.Araw-araw akong nasa studio para buuhin ang required na oras ng OJT ko, pero hangga't maaari ay umiiwas ako kay Jinyoung sa takot na maalala nanaman nyang itanong o hanapin sa akin ang singsing. Halos baliktarin ko na kasi ang lahat ng gamit ko sa kwarto pero hindi ko pa rin talaga iyon mahanap.
"Unnie." Napangiti ako nang makita ko ang kapatid ni Baro na si Yoonji na masayang kumakaway sa akin. Saglit itong nagpaalam sa mga kasama nito bago ako patakbong nilapitan. Weekend nga pala ngayon kaya may training sila.
"Na-miss kita Yoonji, ang tagal nating di nagkita." Sabi ko sa kanya matapos naming magyakap.
"Trainee ka na rin ba?" Tanong nito at tiningnan ang kabuuan ko. "Staff ka dito? Dito ka na nagtatrabaho?"
"OJT lang Yoonji, requirements ko bago maka-graduate." Paliwanag ko sa kanya at ipinakita pa ang malaking ID ko na may nakalagay na STAFF.
"Pagkatapos ng training namin mamaya, may pupuntahan ka pa ba? Labas tayo? Magpapaalam ako kay Sun Woo oppa."
"Titingnan ko kung maaga nila akong pauuwiin." Alanganing sagot ko. May ilang mga bagay pa kaming napagkwentuhan bago ito nagpaalam sa akin na babalik na sa training room.
Ako naman ay dumiretso na sa practice room nina Kuya Shinwoo. Pero wala sila doon, yung ibang babaeng dancers lang ang naabutan ko na nagtatawanan habang nakasalampak sa sahig.
Medyo natahimik pa sila habang sinusundan ako ng tingin nang bigla na lamang akong pumasok sa loob. Alanganin akong ngumiti sa kanila at nilapitan si Kalih na tahimik na nakaupo sa sulok.
"Nakita mo si Kuya Shinwoo? Magpapalam lang kasi ako sa kanya."
"Nasa work station ni Jinyoung oppa."
Tumango lang ako sa kanya at inilabas ang phone ko. Tatawagan ko na lang siguro sya para magpaalam.
"Excuse me." Natigilan ako nang biglang may lumapit na babae sa harap namin. Isa sya sa mga dancers na kanina pa nagtatawanan. May bitbit itong plastic bag at inaabot sa akin.
"Pwede bang pakitapon na lang sa labas? Busy kasi kami eh." Maarte nitong tanong sa akin. Lumingon pa ito sa mga kasama na manghang nakatingin lang sa amin.
Napataas ang isang kilay ko dahil sa inakto nito. Sasagot na sana ako nang bigla namang tumayo si Kalih at inagaw ang plastic dun sa babae.
"A-ako na ang magtatapon." Sabi ni Kalih at pilit na ngumiti kaya mas lalong kumunot ang noo ko.
Nagsimula nang maglakad si Kalih pero napigilan ko agad sya sa braso.
"Busy ba talaga kayo?" Tanong ko sa babae. Biglang nagbago ang timpla ng mukha nito. Kung kanina ay nagagawa pa nitong ngumiti, ngayon naman ay halata na naiinis ito. Hindi siguro nito inaasahan na may aalma sa ginagawa nya.
"Are you really busy?" Ulit ko sa tanong ko. "Seeing that you're just out there, laughing your heart out and doing nothing?" Nagpumiglas sa hawak ko si Kalih kaya binitawan ko na sya.
"Chinee." Nang tingnan ko sya ay marahan syang umiling na parang sinasabi na wag ko nang palakihin ang gulo.
Yung mga kasama nung babae ay nagsimula na ring magsitayuan at lumapit sa amin. Nakita ko yung babae na kapartner ni Jinyoung sa dance number. Ito ang nangunguna sa paglapit at una ring nagtanong.
BINABASA MO ANG
We Can't Keep Meeting This Way
Fanfiction(COMPLETED) Sino ang mag-aakala na ang simpleng kagustuhan mo na makita ang idol mo kahit sa malayo ay ang magpapabago ng buong buhay mo? start : May 27, 2017 end : August 08, 2017