"See you tomorrow."
"I'll go ahead, bye."
Nakangiting paalam ko sa mga naiwang crew. Paglabas ko ng cafe ay nakita kong nakaparada na doon ang kotse ni Kuya Shinwoo. Hindi ko nakikita ang nasa loob ng kotse dahil nakatagilid iyon at tinted ang salamin pero alam kong nakatingin sya sa akin dahil paglabas ko ay ini-start na agad ang kotse. Kaya kinawayan ko sya kahit di ko nakikita, itinaas ko pa ang dala kong iced coffee at muffin.
"Every time I see you, you're getting hotter and ho--" I was stopped in mid-sentence when I finally came face to face with the driver.
"What?"
Nilingon ko pa ang buong kotse para tingnan kung tama ba ang nakikita ko.
"I asked Shinwoo to allow me to pick you up now, is that okay?" Paliwanag nya nung nabasa ata nya ang pagtataka sa mukha ko.
Wala nanaman akong nasabi. Tumango lang ako sabay abot ng iced coffee sa kanya.
"Ano nga pala yung sinasabi mo na hindi mo tinuloy?" Tanong nya pagkatapos tanggapin ang bigay ko.
"H-huh?"
"About someone getting hotter?"
Hala, narinig pa nya yun? Biruan lang namin yun ni Kuya Shinwoo eh. Minsan kasi, lalo kapag nasa bahay nila kaming dalawa, bigla syang dadaan sa harap ko kaya binibiro ko sya na lalo syang gumagwapo or nagiging hot kada daan nya. Tapos magpapa-cute naman lalo si Kuya Shinwoo kapag sinabi ko yun. Hindi lang alam ng mga tao pero may taglay din syang kakulitan at kung minsan ay nagiging childish din sya, kaya nga sila magkasundo ni Baro eh.
"W-wala naman yun." Sagot ko tapos napalunok na lang ako habang nakatingin sa kanya kasi hindi na sya ulit nagsalita, ininom na nya ang iced coffee at matamang nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na sundan ng tingin ang pagtaas baba ng adam's apple nya habang umiinom.
Nakabukas ba ang air-con ng sasakyan? Bakit parang biglang uminit?
Shuckz!!! Kung anu-ano nanaman ang pumapasok sa isip ko.
"What are you thinking?" He asked with a sly grin on his kissable lips, inilapag na nya sa cup holder ang iced coffee.
Pakiramdam ko nag-iinit nanaman ang magkabilang pisngi ko.
Kasalanan to ng iced coffee.
Makasalanan ang iced coffee.
"Hmmm?" Untag nya pa dahil nakatingin lang talaga ako sa kanya.
"W-wala naman talaga. Promise! Hindi ako nag-iisip ng kung ano. Malinis at dalisay ang pagnanasa ko sayo."
Bigla kong naitakip ang dalawang kamay ko sa madaldal kong bibig na hindi na nakapag-preno.
Shuckz!! Isang kahihiyan nanaman ang ginawa ko sa harap nya. Umayos na ako ng upo at tumingin sa labas, sa harap ng sasakyan.
Magkunwari na lang kaya akong tulog?
Tapos nagulat ako kasi bigla na lang syang humalakhak.
Nagtatakang tiningnan ko sya.
As in tawa talaga?
Grabe na sila sa akin. Kahapon si Sandeul ang walang tigil sa pagtawa sa akin, ngayon si Jinyoung. Mukha ba akong clown para sa kanila?
"I'm sorry... But your reactions are really cute." Tawa ulit.
I sighed.
"Really, it's just that, I don't want you to feel uneasy around me. Nakikita ko kung gaano ka na ka-close sa kanila." Paliwanag nito pagkatapos ng ilang sandali na wala itong ginawa kundi tumawa. "You're always comfortable around Shinwoo. You're playful with Channie. You always laugh with Sandeul. And Baro.." He trailed off.
BINABASA MO ANG
We Can't Keep Meeting This Way
Fanfiction(COMPLETED) Sino ang mag-aakala na ang simpleng kagustuhan mo na makita ang idol mo kahit sa malayo ay ang magpapabago ng buong buhay mo? start : May 27, 2017 end : August 08, 2017