Hindi na muling nagsalita si Jinyoung pagkatapos nyang ipagtulakan si Sandeul pababa ng rooftop. Nakasimangot pa rin ito at hindi na umiimik.
"Let's go." Tipid na sabi nito at hinila na ako pababa sa hagdan.
Nagsisimula na rin akong mainis dahil sa kinikilos nya kaya bago pa kami makarating sa pinto papasok ng dorm ay huminto na ako sa paghakbang at pilit na hinila ang kamay ko. Hindi naman nya iyon binitawan at nilingon lang ako.
"What?"
"Hindi ka nanaman nagsasalita." Reklamo ko pero wala syang reaksyon. Nakatingin lang sya sa akin pero blangko ang ekspresyon ng mukha. "Kakatapos lang natin mag-away. Ganyan ka nanaman. Akala ko ba pag-uusapan muna natin ang lahat ng bagay para hindi lumaki ang gulo?"
Nagbuntong-hininga ito at tuluyang humarap sa akin.
"I asked Shinwoo about the arranged marriage your father is talking about, hindi naman daw totoo iyon. Pero bakit tumatawag pa rin sayo si Seokjin?"
"Hindi ko alam. Nasalubong ko kasi sya kanina nung papunta ako sa studio dahil nagkita sila ni Sandeul."
Maski ako ay nagtataka kung bakit sya tumatawag.
Natulala ako nang humakbang palapit sa akin si Jinyoung. Aatras sana ako pero nagawa na nyang ipalibot ang braso nya sa bewang ko at hinila ako palapit sa kanya. Wala na akong nagawa kundi ang tumitig sa magaganda nyang mga mata, pababa sa mapula nyang labi.
Namimiss ko na ang mapalapit sa kanya na gaya nito, pati na rin ang yakap at halik nya.
Tumingin muna sya sa mga mata ko bago bumaba ang tingin sa labi ko kaya ako kinabahan dahil sa antisipasyon.
Pero yung inaasahan ko na halik ay hindi nangyari dahil itinaas nya ang kanang kamay ko at tiningnan iyon.
"Nasaan na ang singsing na ibinigay ko sayo?"
Bigla akong napalunok dahil sa kaba. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon dahil noong isang araw ko pa talaga hinahanap ang nawawalang singsing. Hindi ko rin namalayan na naiwala ko iyon.
Nag-iwas ako ng tingin pero narinig ko ang palatak nya.
"Para mo na ring itinapon ang pagmamahal ko sayo sa pagkawala ng singsing na iyon." Puno ng lungkot ang boses nito.
"H-hahanapin ko yun, pangako. Baka na-misplace ko lang."
"Wag na!" Tumalikod na ito at hinawakan ang door knob ng pinto.
"Jinyoung." Tawag ko dito at pilit syang hinila paharap ulit sa akin. Nagpaubaya naman ito pero hindi pa rin umiimik.
"Lagi mo na lang akong sinasaktan at binabalewala."
"Sorry. Hahanapin ko talaga iyon. Pangako." Ako na ang kusang yumakap sa kanya, pero hindi sya gumagalaw. Tapos ay naramdaman ko ang paghawak nya sa balikat ko at bahagya akong inilayo sa kanya.
"Pasalamat ka talaga at mahal kita." Sabi nito katagalan pero pinitik naman ang noo ko at tuluyan nang lumabas ng pinto.
Hindi na ako nakapagreklamo dahil umalis na ito. Hinawakan ko na lang ang nasaktan kong noo at nagsimula na ring maglakad palabas. Ang hirap talaga hulaan ang mood ng lalaking iyon.
Pagdating sa sala ay nagkakasiyahan na silang lahat. Kausap ni Channie yung isang babae na ipinakilala sa amin bilang si Jana. Si Kuya Shinwoo naman ay nakikipagharutan kay Sandeul.
"Dongsaeng, tumatawag si Seokjin, ako na ang sumagot. Nagtext ka daw sa kanya eh, pero late na nya nabasa dahil may practice sila." Kinunutan ko ng noo si Kuya Shinwoo na hawak ang cellphone ko at iniaabot sa akin.
BINABASA MO ANG
We Can't Keep Meeting This Way
Fanfiction(COMPLETED) Sino ang mag-aakala na ang simpleng kagustuhan mo na makita ang idol mo kahit sa malayo ay ang magpapabago ng buong buhay mo? start : May 27, 2017 end : August 08, 2017