"Waaaahhhh....""Shatap! Ang OA mag-react ah."
Natigilan ako nang malingunan ko si Roxy. Sya pala ang biglang humawak sa akin. Tapos muli akong sumilip sa loob ng unit. Anong nangyari habang wala ako? Ang laki ng pagbabago.
"Anong nangyari sa bahay ko?" Tanong ko sa kanya nang makabawi na ako.
"Edi nagkalaman. Duh." Maarteng sagot nito sa akin.
Oo nga, alam ko iyon. Pero paano nangyari yun? Kaninang umaga pag-alis ko, isang kama, isang cabinet at isang full length mirror lang ang alam kong gamit ko. Paano ako nagkaroon ng tv, sala set, at dining table?
"Nakow Chinyang. San mo ba natisod ang fafa mo at nang makapunta rin ako. Swerte mo ah, gwapo na, mayaman na, generoso pa." Parang kinikilig na sabi nito habang mahinang hinahampas pa ang braso ko.
Lumayo ako ng bahagya kay Roxy at tinitigan sya. Hindi kaya?
"Nakita nyo ba yung bisita ko? Si Jinyoung?"
As if on cue, biglang may pumaradang taxi sa tapat ng gate namin. Bumaba doon si Ate Lindy, kasunod nito si Jinyoung na may dalang mga paper bags.
Nagtatakang tinitigan ko lang silang dalawa. Nang tuluyan na silang makapasok sa loob ay mabilis ko silang sinalubong.
Agad namang ngumiti si Jinyoung nang makita ako na nakatayo lang. Tapos ay nagpaalam ito kay Ate Lindy at nilampasan lang ang kinatatayuan ko. Dumiretso na ito sa loob ng apartment ko.
"Ang bait naman pala ng manliligaw mo. Ang yaman, pero sinasabi ko sayo Chinyang, magtapos ka muna ng pag-aaral ah. Huwag magmadali."
"Anong nangyari Ate Lindy?"
Nakarinig daw kasi sila ng ingay sa loob ng apartment. Nagtataka sila kung sino iyon dahil alam nilang wala ako. Kaya kinatok nila at nabungaran si Jinyoung. Kaso hindi sila nagkaintindihan. Nagpakilala sa isa't isa, nagkwentuhan hanggang sa nagpasama si Jinyoung na mamasyal.
"Yang Koreano mo, wag mo nang pakawalan. Sobrang concern sayo eh. Nagpatulong pa nga sa akin na bilhan ka ng gamit."
"Pero..."
"Sige na, puntahan mo na. At baka maunahan ka pa ni Roxy." Inginuso nito si Roxy na ngayon ay nakakapit na sa braso ni Jinyoung.
Lihim akong natatawa dahil nakikita kong medyo naiilang si Jinyoung pero hindi nya magawang umiwas kay Roxy.
"Ate Rox, baka pwede ko nang mabawi ang bisita ko sayo kung okay lang?"
"Ay award! May ownership na ang ateng. Oh sya hindi na ako manggugulo pa." Sabi nito at humiwalay na kay Jinyoung. Pero bago tuluyang umalis ay pinagsawaan munang pisilin nito ang pisngi ng bisita ko.
Once inside, mabilis na ni-lock ni jinyoung ang pinto, pasimple pa itong sumilip sa bintana bago muling inayos ang kurtina.
"Jung Jinyoung."
Agad naman itong umayos ng tayo nang marinig ang pagtawag ko sa kanya.
"Anong ginawa mo?"
"I bought you things. Okay ba? I asked for Ate Lindy's help to rearrange your unit." Nakangiti pa nitong inilibot ang paningin sa buong paligid Satisfied sa achievement nito.
"You arranged all of this?" Kumpleto na ang buong sala ko. May TV at sala set, may carpet pa sa gitna. Yung cabinet ko ay ginawa nyang division ng kwarto at sala. May maliit na round dining table din na may dalawang upuan malapit sa lababo.
"Do you like it?"
"You don't need to this Jin. I really don't need these things."
"But I want to provide for you."
BINABASA MO ANG
We Can't Keep Meeting This Way
Fanfic(COMPLETED) Sino ang mag-aakala na ang simpleng kagustuhan mo na makita ang idol mo kahit sa malayo ay ang magpapabago ng buong buhay mo? start : May 27, 2017 end : August 08, 2017