Asan ba kasi yun? Habang nakayukong naglalakad sa school ground, iniisip ko pa rin kung saan ko posibleng naiwan yung passport ko.
Nasaan na kaya yun? Kahapon ko lang nalaman na nawawala yun. Nakalagay kasi yun sa isang plastic envelope kasama ng scrap book ko na puno ng B1A4 infos. Kung hindi ko pa naisipang buklatin ang scrap book na yun, hindi ko pa malalaman na wala na pala ang passport ko.
Kaninang umaga, pagdating pa lang sa school ay hinalungkat ko na agad ang locker ko pero wala talaga. Wala rin sa kwarto ko.
Ireport ko na kaya? Baka hindi na ako makauwi nito ng Pilipinas. Baka hulihin ako dito sa Korea kapag wala akong naipakitang passport.
Waaaahhhh .... Magkakaroon na nga lang ako ng criminal records, sa ibang bansa pa.
Awwww!!!
Sisitahin ko na sana ang kung sinumang humarang sakin, hinawakan ko pa ang hintuturo nya na dinikit nya sa noo ko para pigilan ako sa paglalakad.
"Ano bang prob..." Jinyoung ko...
Parang biglang gumaan ang pakiramdam ko nang ngitian nya ako kaya niyakap ko sya at doon ako sa bisig nya umiyak at sinabi ang problema ko. Naramdaman kong hinahaplos nya ang ulo ko para aluin ako--
Pero syempre imagination ko lang ulit yun. Asa pa 'ko 'di ba.
"You seemed out of your mind." He tilts his head, "Any problem?" Then he smiled a bit.
I stared at him dreamily. What a peek of Heaven. Kung ganito kagwapo ang makikita ko, maiisip ko pa ba ang problema ko?
Nagbuntong hininga sya at naramdaman kong binawi na nya ang kamay nya na kanina ko pa pala hawak. Nagulat pa ko nung ginawa nya yun.
Tapos may isang lalaki na bigla na lang tumawag sa kanya. Kaya ayun, nagpaalam agad sya sa akin na aalis na.
"See you around, Nami." He smiled at me then walked away.
Sino kaya yung tumawag sa kanya? Sinundan ko pa sya ng tingin at nakita kong sumakay sya sa loob ng puting kotse na tinted ang salamin.
See you around, Jinyoung.
Malungkot na bulong ko sa sarili ko.
Lagi na lang ba ganun?
Kapag magkikita kami o magkakasalubong, lagi akong natatameme.
Kung tutuusin, wala pa kaming naging matinong pag-uusap. Lagi na lang na kapag magsasalita na ako, kung hindi may tatawag sa cellphone nya, bigla namang may maghahanap sa kanya kaya umaalis agad sya.
At sana marealize nya na Chinee ang pangalan ko, at hindi Nami.
Nakaramdam na agad ako ng gutom kaya dumiretso na ko sa cafeteria.
Medyo madami na rin ang kumakain doon. Pumila na ako at pumili ng pwede kong kainin. Buti na lang kahit papano may ibang pagkain cla na pamilyar sakin.
After ko magbayad sa cashier, naghanap na ko ng bakanteng mesa. As usual, mag-isa lang ako. Para talaga akong invicible dito. Pero sanay na rin ako. Wala namang pinagbago sa dating school ko eh.
Nakahanap ako ng isang table na malapit sa maingay na grupo ng mga babae. Ayoko sana don, kaso no choice.
Habang kumakain, nagkunwari na lang ako na busy sa binabasa ko, kahit na ang totoo, wala naman akong naiintindihan sa binabasa ko.
Hindi ako makapag concentrate, knowing na yung mga babae malapit sa akin, ako ang pinag-uusapan.
Tsk.
"Yeodongsaeng."
Nagulat ako nang biglang may umakbay sa akin. Sisitahin ko na sana kaso sinalubong naman ako ng magandang ngiti ni CNU.
"Why are you eating alone here? You should have called us." Umupo na sya sa bakanteng silya sa tabi ko. Hindi pa rin inaalis ang kamay sa balikat ko.
Bakit ba ang hilig nila mang-akbay?
Umupo na rin ang ibang kasama nya. Sa isang gilid ko umupo si Sandeul at tinitingnan ang pagkain ko. Katapat ko naman si Gongchan at Baro.
"I'm not alone. You're here with me." Tapos bumaling ako kay Channie. "Hi Channie."
Ngumiti sya sa akin at muntik ko nang mabitawan ang tinidor ko. Ang gwapo talaga nito. No wonder he is the face of B1A4.
"Hey."
Nakasimangot na singit ni Baro.
At hindi ko talaga sya pinapansin. I decided to myself that today, he's not existing in this world.
Akala ba nya nakalimutan ko na ang ginawa nya nung birthday ko?
Bigla ba naman akong hinalikan. Buti na lang nakaiwas ako agad kaya naglanding ang halik nya sa gilid lang ng labi ko. Nakakainis kaya at ginawa pa nya talaga yun sa harap pa ni Jinyoung ko.
Ano na lang ang iisipin nun? Na tinu-two time ko sya?
Hindi pwede!!! Loyal ako sa Jinyoung ko eh.
Inutusan na sya ni CNU na umorder ng pagkain.
But then, Baro being himself, imbes na sundin ang utos, pinagtulakan nya si Channie at Sandeul na kumuha ng pagkain nila.
Buti na lang talaga, mabait si Sandeul at hindi na nakipagtalo pa.
"What are you doing?" Sigaw ni CNU kasi basta na lang syang hinila ni Baro at pinapaalis sa upuan nya.
"Ako ang tatabi kay Chinee Nami. Kaya shoo." Sabi nito at itinaboy na parang aso si CNU.
Napapailing na lang si CNU at umupo na sa tapat ko.
"Where's Jinyoung?"
"I'm already here, why look for someone else?"
Inirapan ko lang si Baro pero hindi pa sya nakuntento, pinisil nya at pinanggigilan ba naman ang magkabilang pisngi ko.
Kaya pinaghahampas ko sya sa braso. Natatawa lang samin si CNU.
"You are my girlfriend so stop looking for someone else, okay?"
"I'm not your girlfriend." Sigaw ko sa kanya. Napatayo pa ako dahil sa sobrang inis.
"You are! We kissed, remember?"
"You did?"
Sabay naming nilingon si Channie at Sandeul na nakatayo na dala ang tray ng mga pagkain.
Sa sobrang inis ko, pinaghahampas ko nanaman si Baro na natatawa lang habang umiiwas. Kung anu-ano kasi ang pinagsasabi.
"Hey, you are not suppose to hit a student. What do you think you are doing?"
I was stopped in mid-air. Napatingin kaming lahat dun sa babaeng bigla na lang nagsalita.
Queen bee.
Inayos ni Baro ang uniform nya at umupo ng tuwid.
"I'm okay. We're just having fun."
"Are you sure you're okay?" Napaikot na lang ako ng mata nang biglang lumapit kay Baro yung babae at hinaplos pa ang braso nya. Ang lambing ng boses nito habang kausap si Baro pero nakamamatay na irap naman ang binigay sa akin nang tingnan nya ako.
Napailing na lang ako.
"I'm okay, really. Me and my girlfriend are just having a little argument but we can fix it."
"She's your girlfriend?" Hindi makapaniwalang tanong pa nito.
Wow ah. Bakit? Hindi pwede? Si Baro na nga mismo nagsabi diba.
"Yeah." Tumayo na rin si Baro at inakbayan namaman ako. Hindi pa nakuntento, hinalikan pa talaga ako sa pisngi.
Namumuro ka na sakin, Baro!!!
"Oh, okay." Simpleng sagot ng intrimitidang babae tapos tumalikod na. Pero bago pa sya tuluyang umalis ay pinasadahan muna ako ng nang-uuyam na tingin.
Mukhang hindi talaga nya tanggap na girlfriend ako ng isang member ng B1A4.
--
05302017.24:35H
BINABASA MO ANG
We Can't Keep Meeting This Way
Fanfiction(COMPLETED) Sino ang mag-aakala na ang simpleng kagustuhan mo na makita ang idol mo kahit sa malayo ay ang magpapabago ng buong buhay mo? start : May 27, 2017 end : August 08, 2017