Pagkatapos ng anim na buwan, hindi ko inaasahan na muli akong makakarating sa lugar na ito. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid ng airport."Stay beside me." Naramdaman ko ang paghawak ni Jinyoung sa kamay ko at bahagyang paghila nya sa akin palapit sa kanya.
Muli akong tumingin sa buong paligid, sa pag-aalala na baka may makakita sa kanya at makilala sya. Nakatakip ng malaking face mask ngayon si Jinyoung at naka-bonnet kaya halos mata lang nya ang nakikita habang naglalakad kami patungo sa parking lot.
Hindi ko rin naman alam kung saan kami pupunta. Ang sabi lang nya ay gusto nyang ubusin ang buong bakasyon na ako ang kasama. Bago iyon ay ilang araw pa syang naghintay muna at tumambay sa apartment ko dahil kailangan ko pang tapusin ang buong linggo sa pag-aasikaso ng mga school requirements ko. Nakilala na rin nya sina Julian at Remarie, at mukhang okay naman sya doon liban na lang kay Julian lalo nang maalala nya ang kwento ko sa kanila noon tungkol sa binata.
Tinulungan na ako ni Jinyoung na ilagay ang lahat ng gamit ko sa loob ng kotse nito, pagkatapos ay inalalayan na nya ako paupo sa passenger's seat.
Kasalukuyan na kaming nasa highway nang may maalala akong itanong sa kanya.
"Ahmm, Jin..." Saglit syang tumingin sa akin bago muling itinuon ang mata sa kalsada. "I don't want to sound sceptical, but do you really know where we are going?"
"Don't you trust me Chinee-ya? You are hurting me."
"Knowing your poor sense of direction, honestly..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at natawa na lamang ako nang tingnan ako ng masama ni Jinyoung at tahimik nang nagpatuloy sa pagmamaneho. Lumipas ang isang oras ay huminto kami sa isang convenience store, ibinigay nya sa akin ang wallet nya at sinabihang ako na ang bahalang bumili ng mga pagkain. Hindi ko naman alam kung ano ang mga dapat bilhin kaya packed sandwich, mineral water, bottled juice at ilang junk foods lang ang binili ko na kinailangan ng dalawang plastic bags.
Pagkatapos kong mamili ay nagpatuloy na kami sa byahe. Jinyoung let me play my choice of music para daw hindi ako mainip sa byahe. I was singing along with one of Ariana's when he suddenly spoke up.
"You surprised me with your performance on that event." Tumingin ako sa gawi nya. "You really look good while singing and dancing on the stage."
"Ah that..." Naalala ko ang impromptu performance ko noong cosplay event. Nag-enjoy din naman ako nun sa kabila ng kaba ko.
"Yung kinanta nyo ni Baro, did you practice for it?"
"Yung Best Mistake? Isang beses ko lang kinanta yun, nung nagpunta kami sa mall, nagulat ako na nagawa nyang i-rap yun part na yun, pero masaya rin naman kasi kung hindi sya sumulpot baka napahiya na ako sa harap ng madaming tao."
"Kasalanan yun ng organizer, hindi dumating yung isa pang performer pero mali na kayo ang inilagay sa spot para mabuo ang oras nila." Paliwanag ni Jinyoung. "I really voted for you as the champion, even Rapmon."
"Rapmon?"
"Rapmon is the leader of the other group performer. Nakilala mo na sila sa dressing room, remember? Anyway, bakit ka nga pala nakarating dun?"
"Tumawag si Sandeul that time, gusto nya akong makita in full costume. I want to see him for my moral support so I agreed in meeting him."
"Kaso hinarang ka ni Jin at Jimin."
"But you came, so I'm saved from those kids." Pinalitan ko na ang playlist at pinatugtog ko ang kanta ng B1A4. This time ay nakikisabay na rin sya sa mga kanta nila na tumutugtog sa loob ng kotse.
Dahil masyado akong nag-enjoy sa soundtrip at kwentuhan namin ay hindi ko na masyadong ininda ang apat na oras na byahe hanggang sa huminto kami sa isang malaking parking lot.
BINABASA MO ANG
We Can't Keep Meeting This Way
Fanfiction(COMPLETED) Sino ang mag-aakala na ang simpleng kagustuhan mo na makita ang idol mo kahit sa malayo ay ang magpapabago ng buong buhay mo? start : May 27, 2017 end : August 08, 2017