55 - When Jealousy Strikes

94 20 3
                                    

Sa ilang oras na ginugol ko sa kusina, ilang beses na palpak at nasayang na mga sangkap, nakagawa rin ako ng ilang pirasong cupcakes na may iba't ibang toppings. Inilagay ko na iyon sa plastic container pagkatapos at umakyat na ako sa kwarto para maligo at makapag-ayos.

Nasa practice room na daw silang lahat ngayon ayon sa text na pinadala ni Kuya Shinwoo.

Pero nakaka-frustrate nang maalala ko na wala nga pala akong dala ni isang damit maliban sa suot ko noong araw na pinuntahan ako ni Kuya Shinwoo sa school at sa damit na binili namin sa souvenir shop sa airport para may pamalit ako. Pagtitiyagaan ko na lang muna ang mga damit kong ito na buti na lang ay nalabhan at napatuyo na rin agad.

Nag-commute na lang ako dahil kabisado ko pa naman ang papunta doon mula dito sa bahay.

Nasasabik at kinakabahan din ako habang nasa byahe papunta doon. Sa tantiya ko ay hindi pa nasasabi ni Kuya Shinwoo sa iba ang tungkol sa akin.

Higit sa lahat ay excited na rin akong makita si Jinyoung. Napangiti ako nang magawi ang tingin ko sa singsing na suot ko ngayon.

Pagkatapos ng halos isang oras na byahe ay pumara na ako sa isang bus stop. Ilang metro na lang ang lalakarin ko papunta sa mismong building nila.

Pakanta-kanta pa akong naglalakad bitbit ang mga cupcakes nang maalala ko na hindi pala kumpleto ang dala ko.

Knowing the members and the demand of their intestines, baka imbes na magpasalamat ay magreklamo pa sila kapag kulang ang ibinigay kong pagkain.

Nasa tapat na ako ng mismong building ng Shin Entertainment nang matanaw ko ang isang convenience store sa kabilang kalsada.

Doon na lang ako bibili ng maiinom. Okay na siguro ang tubig kasi matamis naman ang dala ko. Buti na lang talaga nag-iwan ng pera sa akin si daddy bago sila umalis.

Dumiretso ako sa ref pagpasok ko sa loob ng store. Kumuha lang ako ng anim na bottled water at dumiretso na sa counter.

May nauna na sa aking babaeng customer na nakaagaw ng pansin ko. Ang dami kasi nitong pinamili pero halatang disgusto naman ang ginagawa.

Nautusan lang ba ito? Kung titingnan ko ang pisikal na itsura nito ay parang hindi rin naman gaanong nagkakalayo ang edad namin, pati na rin ang height.

Medyo nagulat pa ako nang bigla na lang itong nakasimangot na tumingin sa gawi ko bago muling bumaling sa cashier dahil tapos nang i-punch ang lahat ng pinamili nito.

Walang ganang binitbit na nito palabas ang dalawang plastic bags matapos magbayad sa cashier.

Ipinagkibit balikat ko na lang ang babae at itinuon ang atensyon sa mga pinamili ko. Nagpasalamat na ako sa cashier, matapos magbayad at lumabas na rin.

Tumawid na ako sa kalsada para makapunta sa mismong building pero hinarang agad ako ng security guard sa entrance pa lang. Wala akong dalang I.D. kaya ayaw nya akong papasukin.

Hindi ko alam ba ganito na pala kahigpit ang security details sa buong building.

Uuwi na lang ba ako? Hindi kasi sumasagot si Kuya Shinwoo nung sinubukan ko syang tawagan.

Muli akong sumilip sa loob kahit nakaharang ang guard tapos swerte na natanaw ko si Ms. Kim, ang assistant ni mommy. Agad ko syang tinawag mula sa reception area.

Sinaway pa nga ako ng guard pero napangiti ako nang makita kong papalapit na sya sa akin.

"What are you doing? Let her in." Matigas na utos nito sa guard. Alanganing sundin sya ni manong guard pero dahil mataas ang posisyon ni Ms. Kim ay wala itong nagawa.

We Can't Keep Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon