Nanlaki talaga ang mga mata ko sa sinabi niya at ilang segundo rin akong hindi nakagalaw. Seryoso ba siya sa sinasabi niya?Tatanungin ko pa sana para makasiguro kaso, ang lalaking 'yun, hindi na nagpaliwanag pa. Natatawa pa rin siya nang sumakay na siya sa kotse.
Sumunod na rin ako sa kanya.
"What are you saying that we just got married?"
"Ah, that?"
"Yeah, that," sabi ko. Mukhang tapos naman na siya sa paghalakhak kaya nagseryoso na siya ngayon. Napataas-kilay na lang ako nang abutin niya ang mga kamay ko at ikulong iyon sa dalawang palad niya.
"Chinee-ya, I promise to take care of you. To provide you all the things you need, to make you happy and to cherish you in every moment of our lives."
Huh? Binawi ko ang kamay ko sa kanya.
"What are you talking about?"
Imbes na sagutin ako, tumawa na naman siya ng malakas. Napatingin tuloy sa amin si Mr. Yoon. Nagkibit balikat na lang ako sa kanya at hinintay siyang na matapos sa kaligayahan niya.
Ano bang nakain ngayon ng lalaking ito at parang ang lakas ng trip ngayon?
"Lee Jung Hwan!" sigaw ko sa kanya. "I'm serious this time. What the hell did you just tell me?"
Hindi naman siguro totoo 'yung kasal na 'yun di ba? Teka, gano'n ba ang kasal dito sa Korea? Gano'n lang ba 'yun? Ni hindi ko nga alam na ang pagsuot ko ng damit nila, mapupunta sa kasalan eh.
Shuckz! Hindi pwede! Hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend eh. Hindi pa nagiging kami ni Jinyoung—
Ay oo nga pala, may girlfriend na siya. Pero kasi...
"Where do you want to go next?" tanong niya. Mas kalmado na pero halata pa rin na nagpipigil ng tawa. Pasimple rin niyang pinunasan ang gilid ng mga mata niya dahil sa luha.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."
Umayos naman ng upo si Sandeul nang makita niyang seryoso na talaga ako.
"That was just a pretend wedding ceremony. Don't worry, you're not legally married to me."
Buti naman. Nakahinga ako ng maluwag. Pinagmasdan ko na lang si Sandeul nang kausapin nya si Mr. Yoon, tapos may sinabi siyang lugar na pupuntahan namin bago umuwi.
Bumalik na naman ang excitement sa mukha niya. Para talaga siyang pinagkaitan ng pagkakataon na maglaro noong kabataan niya kaya ngayon siya nag-eenjoy ng sobra.
May binabasa na naman syang magazine habang nasa biyahe kami, tapos ako nakatulala lang sa kanya.
Sabagay, hindi na rin masama kung magkataon na totoo ang kasal na sinasabi niya kanina. Ang cute kaya ni Sandeul. Ang sarap pisilin ng pisngi. Malamang, kung kami ang magkasama nito, hindi kami mawawalan ng bagay na pagtatawanan.
"Do you play bowling?"
Nagulat ako sa tanong niya. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa magazine.
"A-a little."
Hala! Anong nangyari? Bakit bigla akong nautal? Simple lang naman ang tanong niya ah. Bakit parang tinatambol ang dibdib ko?
Ay hindi! Nagulat lang siguro ako kasi bigla siyang nagtanong. Pagkatapos ng hindi naman kahabaan na biyahe, napunta na naman kami sa isang building. Masyadong gala 'to si Sandeul.
"Let's play for an hour, and then we'll go home." Nauna na siyang pumasok.
Parang regular siyang nagpupunta roon kasi pagdating pa lang namin, marami na agad ang bumati sa kanya.
Nauna nang naglaro si Sandeul, at ako, nanunuod lang habang nagwa-warm up siya. Minsan lang akong nakapaglaro ng bowling at hindi pa ako naka-strike. I'm bad at focusing because of my poor eyesight.
Pinapanuod ko si Sandeul na maglaro. Gaya ng mga dance practice nila, seryoso din pala siya sa bowling. Tapos napapasigaw pa siya kapag nakaka-strike.
May isang set din na ako naman ang hinayaan niyang maglaro at pumapalakpak siya kapag ako naman ang nakaka-strike.
Nag-enjoy talaga ako sa lakad namin kaya nag-request ako na kunan ako ng picture na ang background ay ang bowling alley.
Pagkatapos ng ipinangako niyang one hour, nag-aya na nga siyang umuwi pero naisip naming na dumaan muna sa grocery.
"We'll buy food for them," sabi niya na namimili ng mga Korean food. Siya ang nagtutulak ng push cart at ako naman ang nagga-guide sa harapan.
Napadaan kami sa Liquor Section tapos tinitigan ko 'yung isang bote na berde ang kulay.
"I want to try this." Ipinakita ko sa kanya ang maliit na bote.
"You're too young to drink that."
"I'm on legal age to drink this."
"You're a minor."
"I'm not. We just got married, remember?"
Hindi na nagsalita si Sandeul, tapos bigla siyang ngumiti kaya tinuloy ko ang paglagay ng bote sa cart. Kaso naisip ko, maliit lang 'yun, kaya dinagdagan ko pa at ginawa kong anim na ang bote.
Natapos na kami sa pamimili at tinulungan na lang kami ni Mr. Yoon na buhatin ang mga dala namin.
"Okay na lahat?"
Nakangiti akong tumango. Bumiyahe ulit kami pabalik naman sa dorm nila.
--
"We're back!" sigaw ni Sandeul pagpasok namin sa loob. Nasa sala sina Channie, Shinwoo at Jinyoung na nanunuod ng movie.
"Ang tagal niyo naman," reklamo ni Channie sa amin. "Saan kayo nag-date?"
Hindi siya sinagot ni Sandeul na dumiretso na lang sa kusina. Sinundan ko na siya roon.
"Anong lulutuin mo?" tanong niya sa akin habang isa-isa naming inaalis ang mga pinamili sa plastic bags.
"I'm cooking a famous Filipino dish," sagot ko.
"Wow, that's exciting!"
Natawa na lang ako. Lagi namang exciting para sa kanya kapag pagkain ang topic eh.
"How can I help you?"
Inutusan ko siya na hiwain ang ilang ingredients at ako naman ang naghugas ng manok. Buti na lang talaga, nahanap ko lahat ng sangkap para sa chicken adobo ko. Tapos naisip ko ring gumawa ng mashed potato kaya sinimulan ko na ang magpakulo ng tubig.
Mukhang busy ang iba sa panunuod kaya walang istorbo sa amin ni Sandeul.
"The smell is amazing." Napangiti na lang ako sa kanya. Tapos pinatikim ko ang timpla ko ng adobo. Nag-two thumbs up siya sa akin tapos umakbay.
"I won't regret having you as my wife. Your dish is delicious."
"Wife?!"
Sabay kaming napalingon sa entrance ng kusina. Andon si Kuya Shinwoo na nakatayo at nakatutok ang tingin sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
We Can't Keep Meeting This Way
Fanfiction(COMPLETED) Sino ang mag-aakala na ang simpleng kagustuhan mo na makita ang idol mo kahit sa malayo ay ang magpapabago ng buong buhay mo? start : May 27, 2017 end : August 08, 2017