"Okay na ang mga dadalhin mo? Wala ka nang naiwan?"I double checked my back pack. Dala ko ang laptop ko, digicam at notebook. Okay naman na.
"Okay na po." Nginitian ko sya.
"Okay, let's fly!"
Natawa ako nang umakbay siya sa sakin tapos itinaas niya ang isang kamay niya at itinuro ang langit. Sinakyan ko na lang ang trip niya at sabay kaming nag-martsa palabas hanggang marating namin ang kotse.
Hindi pa namin alam kung kailan babalik sina Mr. at Mrs. Shin pero ibinilin nila ako sa driver nilang si Mr. Yoon para patuloy akong ihatid-sundo sa school at part time job ko.
"Today, I will be your tour guide," nagmamalaking sabi niya nang buksan niya ang pinto ng backseat.
Nakangiti lang sa amin si Mr. Yoon.
"Sandeul-ssi, from now on I place my life in your hands. Please take good care of me," sabi ko at nag-bow sa kanya.
Yumuko naman siya na parang isang magiting na kabalyero at pinauna na akong sumakay.
After our petty talk last night, Sandeul promised to accompany me to one of the historical places in Korea. In exchange, I will cook some home dishes that I know of.
Ang ibang members ay natutulog pa sa dorm nang umalis kami kaya nag-iwan na lang kami ng note sa pintuan ng room nila.
Si Sandeul na ang nagsabi kay Mr. Yoon kung saan kami pupuntang lugar.
Habang nasa biyahe, panay ang kuwentuhan naming dalawa. We both love good sceneries and taking pictures. We talked about places we want to visit someday, about food we tasted. About song he likes, about the cosplay events I joined. Basta halos lahat na yata napagkuwentuhan na namin. Ang saya niyang kausap. May pagka-playful din siya gaya ni Channie although Channie always claimed himself to be the most sensible guy in the group. Sandeul is just pure playful.
"Here we are."
Nag-park lang kami sa parking area tapos bumaba na kami pareho. Naiwan roon si Mr. Yoon habang kami ni Sandeul ay nagsimula nang maglakad.
Nakasuot siya ng bull cap at face mask para itago ang kalahati ng mukha niya. Naiintindihan ko namang umiiwas siya na makilala ng mga tao lalo at kasama niya ako. Baka kung ano pa ang isipin ng ibang makakakita sa aming dalawa.
Nagpunta kami sa isang temple na halos walang tao.
"Wala bang mga nakatira dito?"
"Caretakers and official guards. Naging tourist spot na rin kasi ito."
The tour goes on. May mga makalumang bahay na gawa sa kahoy ang preserved at pinagbabawal puntahan. Sabi ni Sandeul, baka raw delikado at marupok na ang structures kaya ipinagbabawal na sa tourist. Maganda na lang talaga silang kuhanan ng litrato.
Isang beses rin na may mga nasalubong kaming foreign tourists na namamasyal gaya namin.
So far, pasalamat na lang din kami na wala namang fans na nangulit sa kanya at walang nakakilala sa kanya kaya naging madali ang pamamasyal namin.
He talked well about history, a little bit of politics and some Korean tradition. Natatawa na lang ako kapag ang ibang kwento niya sasabayan ng actions, may sound effects pa at kung minsan sa sobrang enthusiastic niya, nanlalaki pa ang mata niya habang nagsasalita. Ang saya talaga niyang kasama.
Naglibot pa kami sa isang shrine na may one hundred steps paakyat bago marating ang mismong spot kung saan nagdarasal ang mga tao. Hanggang sa marating namin ang isang napakalaking traditional hall. May isang middle aged woman na bumati at tinuro kami sa receiving area nila.
BINABASA MO ANG
We Can't Keep Meeting This Way
Fanfiction(COMPLETED) Sino ang mag-aakala na ang simpleng kagustuhan mo na makita ang idol mo kahit sa malayo ay ang magpapabago ng buong buhay mo? start : May 27, 2017 end : August 08, 2017