56 - Fifty Six

121 20 3
                                    

Pagkatapos naming mag-usap ni Baro ay sabay na kaming naglakad pabalik sa practice room nila. Nasalubong pa namin ang mga back-up dancers at ilang staff na kasama nila kanina at sinabing may one hour break daw silang lahat.

Papasok na rin sana ako nang pigilan ako ni Baro. Isinara nya ulit ang pinto at humarap sa akin. Nagtatakang tiningnan ko lang sya.

"Ano nanamang problema mo?" Tanong ko dito dahil sa seryosong mukha nito. Kung minsan talaga nakakainis ang ugali nya, kanina lang ay ayos pa kami tapos ngayon iirapan ako.

Hindi pa rin ito nagsasalita at bigla na lang dumukwang sa akin para halikan ako sa pisngi. Sa gulat ko ay hindi na ako nakapagsalita.

"I miss you." Maiksing sabi nito habang nakangiti tapos binuksan na ang pinto pero hindi pa rin ako hinayaang makapasok ng tuluyan. Nakaharang lang ito sa pintuan habang ako naman ay nakatayo sa likod nya.

"Sandeul-ah." Tawag nya sa malakas na tinig. "Do you miss me?"

"Bakit naman kita mami-miss?" Sagot ng pamilyar na boses. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Si Sandeul na nga talaga iyon.

"Meron akong dala na alam kong gusto mong makita."

Iyon na ang signal ko, pagkatapos magsalita ni Baro ay sumilip ako at kumaway kay Sandeul nang makita ko na sya. Umalis naman si Baro sa pagkakaharang sa pinto para tuluyan na akong makapasok sa loob.

"Chinee-ya!" Bulalas nito at mabilis na tumakbo palapit sa akin. Hinawakan ako nito sa magkabilang balikat at tinitigan, pagkatapos ay walang babala na niyakap ng mahigpit.

"Wow, ang tagal nating hindi nagkita." Sabi nito nang maghiwalay na kami.

"Dongsaeng..." Tawag ni Kuya Shinwoo mula sa likuran ni Sandeul.

"Gumawa ako ng cupcakes para sa inyo. Sana magustuhan nyo yung lasa." Sabi ko at sinubukang tanawin ang dala ko sa buong silid. Bigla kasi akong hinila palabas ni Baro kanina kaya hindi ko na alam kung nasaan na yung bitbit ko.

"Sayo ba yung paper bag na iniligpit ni Jinyoung hyung kanina?" Singit ni Gongchan sa amin, tapos tinuro nya sa bandang sulok ng practice room si Jinyoung na tahimik na nakasalampak sa sahig habang nakatutok ang atensyon sa hawak na cellphone. Nasa tabi nga nito ang paper bag ko.

"I'm hungry. C'mon Chin." Aya sa akin ni Sandeul sabay akbay at inakay na ako palapit kay Jinyoung.

Nakatingin lang ako sa kanya habang papalapit kami. Hindi ba sya masaya na andito ako? Bakit hindi nya ako tinitingnan? Sya lang ang hindi lumapit nang sabihin ni Baro na andito ako. Nakakaiyak ang ginagawa nya, nakakasama sya ng loob.

Hinila na ako paupo ni Sandeul at sinimulang ilabas ang lahat ng pagkain na naka packed pa. Naramdaman ko naman ang pagtabi sa akin ni Kuya Shinwoo kaya nilingon ko sya.

"I won't be home tonight, are you going to be okay with mom and dad?" Tanong nito sa akin.

"Aside from having no clothes at all to change because you literally dragged me back here, I'm doing well." Nginitian ko lang sya. Wala naman kasi talaga akong damit na maisusuot eh. Yung suot ko nga ngayon na cardigan, kinuha ko lang sa kwarto ni Kuya Shinwoo kanina.

"Sorry about that. Gusto mong samahan na kita ngayon na bumili ng gamit mo?"

Umiling ako para tanggihan sya. Alam kong busy sila at pagod sa mga ginagawang rehearsal, ayoko nang makaabala pa sa kanya.

Ngumiti sa akin si Kuya Shinwoo, pagkatapos ay hinawakan ang mukha ko at hinaplos ang pasa sa pisngi ko.

"Sumasakit pa rin ba ito?" Tanong nya. Nagawa kong takpan ng concealer ang pasa at mga galos ko sa mukha kaya hindi iyon madaling makikita.

We Can't Keep Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon