Denden's POV:
"Iwasan niyo sanang mapabilang sa mga away ng school" mahinahong sabi ni sir Clarkiel "Sorry po" sabay sabay naming sabi "Kanina pa umuwi si Zia mag papahinga daw , sige na umuwi narin kayo" sabi niya.. Nung makalabas na kami lahat kami nagulat ng biglang mag salita si Yumi "Ate Thalia are you hurt?" Nag aalalang tanong ng nakababatang kapatid sa ate.... "No, I'm fine" malumanay niyang sagot saka ngumiti dito...
"Puntahan natin si Zofia sa bahay niya ayos lang ba ?" Pag tatanong samin ni Clark "Sige" pag sang ayon naman ng lahat... "Thalia ? Yumi? Andyan na ba ang service niyo? Pwede naman kayong sumabay samin" suhestyon ni Ivan sa mag kapatid "Ahhh kala Best nalang kami sasakay" sabi ni Best sakanila "So pano sundan niyo nalang kami? Ingat sa pag da drive" Eee diman to kailangang i drive hahahahaha "Sige kayo din salamat" sabi ko sakanila at sumakay na sa kotse naman hindi na bago kay Thalia ang sumakay dito pero si Yumi manghang mangha ng walang umupo sa driver seat pero umaandar kami ang pwesto namin
Sa tabi ng Driver seat si Yumi at sa likod naman Ako-Thalia-Dindin "wag mo ngang titigan ang manibela Yumi" suway nito sa kapatid "Ang astig kasi ate" sagot naman ni yumi "pssh ewan ko sayo" sabi ng ate sa kapatid.... Maya maya pa huminto na ang kotseng sinasakyan ng mga boys kaya nag park narin kami...
"Asan ang bahay ni Zia ?" Tanong ni Thalia ng makababa kami sa kotse "ito" turo ni Clark sa bahay na di rin naman nalalayo sa ibang bahay na nanduon
Dahil nga may susi si Ivan ay siya na ang nag pati unang pumasok at dumercho agad sa 2nd floor ng bahay "Zia" "Zofia" "Toffie" at nag simula na kaming tawagin ang pangalan ni Zofia hanggang sa makarating kami sa kwarto niya alang tao huh? Akala ko ba umuwi na ?
"Asan yun?" Takang tanong ko "Molla" sagot naman sakin ni Dindin
"Hello dad"
"Andito sa bahay ni Zofia pwede ka po bang pumunta dito?"
"Okay sige po salamat"
"Anong sabi ni tito?" Tanong ni Ivan kay Clark
"Pupunta daw siya dito in a minute" naka ngiting sabi ni Clark.... Nanatili naman kaming tahimik hanggang sa maka rating si Tito Clarkiel
"Dad" tawag ni Clark sa ama
"Son? Bakit kailangang papuntahin pako? What's the matter?" Sunod sunod na tanong ni tito Clarkiel "Sabi niyo po kasi umuwi si Zofia para mag pahinga ala po siya dito" sabi naman ni Brylle "Baka sa tita niya siya umuwi hayaan niyo pupuntahan ko nalang siya at sasabihing nag aalala kayo sakanya" sagot naman ni tito Clarkiel "Teka po tito , e diba pumupunta lang dun si insan pag ka may mabigat siyang problema ? Odikaya kapag nasasaktan siya??" Sabi ni Ivan "pwede po ba kaming sumama?" Tanong ni Dindin "Dito nalang kayo" sabi ni tito Clarkiel at lumabasa na ng bahay
"Dindin ano ba talaga sinabi mo kay Zofia ha?" Galit na tanong ni Brylle kay Dindin "Easy lang bespren" awat ni Ivan sakanya "SAGUTIN MO TANONG KO ANONG GINAWA O SINABI MO KAY ZOFIA" Sigaw niya sa kakambal ko "Brylle tumigil ka nga" pigil naman ni Clark dito "Hindi aalis si Zofia kung ala kang ginawa" halata sa mukha ni Brylle na sinisisi niya ang kakambal ko sa nangyari napatingin naman ako kay Dindin na nakayuko lang
"sinampal ko siya" sabi ni Dindin na ikana gulat naming lahat at nag angat siya ng paningin kay Brylle na kasalukuyang nakatayo sa harap niya "Sinamapal ko siya saka pinag sabihan diko na kasalanan kung nasaktan siya , Hindi ako makikipag plastikan , pag ayaw ko sasabihin ko agad yun.... Para maitama narin niya ang ugali niya" mahinahong sabi ni Dindin na lalong nag pakulo ng ulo ni Brylle
BINABASA MO ANG
Falling For A Playgirl
RandomPaano nga kaya kung mainlove ang isang goodboy sa isang playgirl?!! Magkakaroon kaya sila ng happy ending ? O masasaktan lang si boy