Chapter 62 (Videoshoot)

29 0 0
                                    

Carlota's POV

Hindi ko parin maintindihan si King Clarksson kung bakit kailangan pa nang ganito "Mahal ? Tila yatay malalim ang iniisip mo?" Sabi ni Jei na katatabi lang saakin "Hindi ko parin kase mawari mahal kung bakit kailangan pa ng ganitong ganap" sagot ko naman sakanya "Malay mo mahal para talaga sa mga bata yon hayaan mo na si king Clarksson saka isa pa myembro na tayo ng familia spectre kaya gawin nalang natin kung ano yung kailangan at isa pa nandito tayo para protektahan ang mga bata" sagot niya sakin "Halika na mahal mag sisimula na tayo" sabi ng kasintahan habang nakalahad sakin ang kamay niya kaya agad kong kinuha yon at pumunta kami don sa lugar na mag kahawak ang kamay. Sobrang dami ring tao duon hindi ko rin alam kung bakit ang daming tao at parang may mga iniinom silang mga makukulay na tubig na nakalagay sa bote, Lumapit naman saamin ang gagawin ko , sabi dala dalawa ang pag bi bidyo pero isa isa nalang daw sabi nila hindi ko na lang sila pinansin at sumunod nalang sakanila. Mag bibihis na sana ako ng may inabot silang damit isang bestidang kulay lilac na may kasamang kung hindi ako nag kakamali ang tawag ni Zofia sa ganon ay jacket. Agad ko namang kinuha yon at nag palit na, Pag ka labas ko ay may lumapit saking dalawang babae at inupo nila ko sa isang upuan at sinimulang ayusan ang mukha at buhok ko, Pag kayari non ay may lumapit saaking dalawang lalaki kaya tinitigan ko muna "Sila pala ang magiging escort mo para sa videong gagawin natin for you" sabi nung mag bi bidyo kaya ngumiti nalang ako at kumapit nako sa braso nilang dalawa nung pumasok na kami sa pinaka loob mas madaming tao dito na umiinom ng makukulay na inumin at lahat sila ay nakatingin saamin. Nung nayari nako ay nakita ko ang kasintahan ko na inaayusan din ng mga babaeng nag ayos sakin. May pinasuot pa sakanyang isang maskara, Nakabihis narin siya kaya naman maya maya ay nag simula na silang mag bidyo sa unang bidyo nila ay katulad ng sa mga tao kanina na umiinom ng makukulay na inumin. Pangalawang bidyo ay pumunta kami doon sa isang malaking box na may lamang tubig, Pool yata ang tawag doon, May kasamang siyang isang babae parehas silang nakababad sa tubig habang nakayakap sakanya yung babae hindi ko maintindihan bigla nalang kumirot ang puso ko , Kakaibang pakiramdam dahil ngayon ko lang ito naramdaman. Meron pang sinaryo na mag kalapit ang mga mukha nila, Para saakin wala man yon pero hindi ko talaga malaman ang dahilan ng pag kirot ng aking dibdib. Pag katapos niyang bidyuhan ay lumapit na siya saakin "Nakakabighani ang iyong kagandahan mahal ko" sabi nito ng naka ngiti kaya nginitian ko rin siya , "Kahit may pintura ang iyong mukha ay walang makakapantay sa kagwapuhan mong taglay" sagot ko naman sakanya. Maya maya pa ay dumating na si Nayumi at Brylle dito na nag tatawanan, unti unti namang nag si alisan ang ibang tao.

Jeiro's POV:

"Hi Yumi you look so gorgeous, Kulayan natin ang hair mo okay lang?" Tanong nung isang nag ayos samin kanina "Yes po sure" sagot naman ni Nayumi , Bagamat hindi ko masyadong naiintindihan ang mga pinag uusapan nila ay nanatili parin akong nakikinig sakanila "Unahin na natin si Brylle" sabi naman ng nag bi bidyo "Wait? Akala ko po ba dala dalawa?" Tanong naman ni Brylle "Actually we texted it already kay Sir Gonzales and He agree" sagot ng kausap ni Brylle kaya tumango nalang ito at nag simula ng mag bidyo konti nalang din ang tao dito. Nag simula na ang pag bi bidyo kay Brylle at kahit saang lugar o puwesto ay lumalabas naman ang kakulitan nitong si Brylle kaya itong si Nayumi ay titig na titig sa binata kahit inaayusan siya. Maya maya lang ay natapos ng ayusan si Nayumi at natapos naring bidyuhan si Brylle kaya si Nayumi na ang sumabak. Sa unang bidyo ni Yumi ay pinalabas siya at nag simula ng mag bidyo pag pasok ni Yumi ang ganda niya sa kanyang puting bestida at kulay ng kanyang buhok. Nanlaki naman ang mata ni Brylle sa kagandahan ng Dilag "Grabe mas lalo siyang gumanda" sabi nito habang nakangiti. "May pag tingin kaba sakanya" Tanong ko sakanya kaso nginitian nya lang ako, Sinubukan kong basahin ang kanyang subalit ito ay sarado, Hindi nako mag tataka dahil maski ang kanyang ina na si Fairy Brenda ay hindi ko rin nababasa ang kaisipan. Nang makayari na si Yumi sa bidyo ay agad siyang lumapit saaming tatlo nila Carlota at Brylle "Napaka ganda mo" sabi ng kasintahan ko sakanya "You look perfect" sabi naman ni Brylle na hindi ko naintindihan "Halika na kayo at mag pahinga na kayo , May inihanda kaming mga meryenda sumunod nalang kayo sa akin" sabi nung isa sa nag bi bidyo samin kanina at nauna na sa pag lalakad , dahil kumakalam na ang sikmura namin ay sinundan na namin siya.

Falling For A PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon