Chapter 68: (Know you more)

21 0 0
                                    

Clark's POV:

Katatapos lang naming kumain at nandito kaming lahat sa sala nanonood ng movie maliban kay Denden , Tumayo ako at pumasok sa kwarto at nakita kong nakahiga siya sa kama ko at naka tingin siya sa kisame "Hey ? Are you okay?" Sabi ko rito pero ni hindi niya ko nilingon at hindi rin siya sumagot tumabi ako sakanya pero parang hindi niya ko napansin "Hey" sabi ko ulit sakanya kaso tulala parin siya na nakatingin sa kisame. "Gulong gulo nako sa totoo lang" sabi niya ng hindi tumitingin sakin "Hindi ko alam kung anong iisipin ko, Kung bakit itinago nila saamin ang katotohanan" sabi pa niya "Sino ba talaga ako? Ano ba talagang pag katao ang meron saakin?" Kwento pa niya "Kung ano man ang pinag dadaanan mo sa ngayon malalampasan mo rin yan" sabi ko sakanya kaya naman napatingin siya saakin na nanlalaki ang mga mata "Ka-kanina ka paba dyan?" Tanong niya sakin , Umiling naman ako bilang pag sagot "Kararating ko lang" dagdag ko pa "Bakit dimo man lang ako kinausap?" Tanong niya saakin "Kinakausap kita kaso ikaw kung anu ano ang pinag sasabi mo kaya hinayaan na kita" sagot ko naman sakanya na ikinalaki nanaman ng mga mata niya hahaha ang cute "Edi narinig mo mga pinag sasabi ko?" Tanong niya na ikinatawa ko naman "Hindi naman lahat" tumatawa kong sagot "Ano ba kaseng problema ?" Tanong ko pa sakanya "Ang hirap ipaliwanag maski ako kase hindi ko rin maintindihan" sabi niya hinayaan ko nalang siya kase baka mag magalit pa siya kapag pinilit kong ipa kwento sakanya "Ayos lang ba kung iwan mo muna akong mag isa ?" Tanong niya kaya tumango nalang ako at bumababa sa double deck at lumabas na ng kwarto "Where's Denden?" Tanong ni Zia "Tulog" mabilis kong sagot kase kapag sinabi ko pa na gising siya baka mag ingay pa sila. Agad akong tumabi kala Dindin at Ivan para masimplehang kausapin si Dindin "Dindin" pag tawag ko sakanya kaya naman napa tingin siya sakin "May problema ba ang kakambal mo?" Mahinang tanong ko sakanya "Baka iniisip niya parin ang mga narinig namin" sagot niya "Narinig na ano?" Biglang singkit ni Ivan sa usapan namin "Ikaw tsismoso ka talaga bespren nakikinig na nga lang tayo makikitanong kapa" sabi ni Brylle na naka akbay kay Ivan, Kaya naman napailing nalang ako "Saka nalang tayo mag usap" sabi ko at lumipat na sa tabi ni Zia kasi makiki tsismis lang doon si Brylle at Ivan. Habang nanunuod kami ng pelikula biglang lumabas si Denden ng kwarto at dumiretso papuntang pinto "Aano ka?" Tanong ni Drew "May pupuntahan lang" sagot niya at lumabas na ng kwarto naming mga spectre "Pst" pag tawag sakin ni Yumi "Bakit?" Sagot ko dito "May gusto kana kay Denden no?" Tanong nito na ikinagulat ko "Saan mo naman napulot yan?" Tanong ko sakanya pabalik. Yes may gusto na nga ako kay Denden , Hindi na nga ata simpleng gusto lang e mahal ko na yata siya "Psh" pag tataray ni Thalia problema nito?

Denden's POV:

  Nung lumabas si Clark sa kwarto gumulo nanaman ang isip ko bakit pa kase may mga bagay na kailangan pang isikreto. Nagulat ako ng bigla nalang mag ring ang phone ko kaya kinuha ko yun sa bulsa at tiningnan ang screen kung sino ang tumatawag, pag ka kita ko unknown number siya sino nanaman kaya to at pano nanaman nalaman ang number ko kapapalit ko lang kaya ng cellphone number. After ng ilang segundo kong pag titig sa screen ng phone ko na may tumatawag ay sinagot ko na "Who's this?" Tanong ko sa kabilang linya "Hiiii Aleya, It's me Adrian" sagot  nito sa kabilang linya "Ow, Ikaw pala , Saan mo naman nakuha ang number ko?" Tanong ko sakanya "Don sa tindahan sa labas nag paload ka kahapon diba ?" Tanong niya kaya naman pala nalaman ang number ko "Psh stalker" sabi ko sakanya "Luh grabe naman sakto lang kaseng mag papaload din ako dun kahapon kaya hiningi ko narin ang number mo" pag papaliwanag niya "Asus" pan ti trip ko sakanya "By the way Aleya , Ni rerequest nga pala ni Adriel kung pwede sabay ka samin ng lunch nandito kami sa canteen don't worry treat naman namin" pakiusap niya "Actually I already ate na e" sabi ko sakanya "Riel kumain nadaw siya" rinig kong sabi niya sa kapatid "Ayyy" pag rereklamo ni Adriel, kaya nakonsensya ako "Baka ayaw niya lang tayong kasama" sabi naman ni Adriyen "shut up kuya Yen" pag babawal ni Adriel sa kuya niya "Hello Denden please naman oh kahit busog ka punta ka nalang dito kwentuhan tayo" pag mamaka awa ni Adriel "Den maawa ka na sa kapatid namin" sabi naman ni Adriyen "Sige sige wait for me nalang" sagot ko sakanila "Okay see you in a bit Denden" sabi ni Adriel at inend na ang call. Agad naman akong nag ayos at lumabas na ng kwarto, nakita ko naman ang mga ka spectre family ko na nanonood kaya nag tuloy tuloy nalang ako hanggang sa makarating ako ng pintuan "Aano ka?" Tanong ni kuya Drew sakin "May pupuntahan lang" sagot ko sakanya ng hindi lumilingon at lumabas na ng room naming mga SF.

Nang makarating nako sa canteen ay agad ko naman silang nakita nakipag beso beso muna ako kay Adriel bago umupo sa tabi niya "Ang bilis mo ah" sabi ni Adriyen "Syempre namiss niya ang gwapo kong mukha " sabi naman ni Adrian "Stop it nga kuya Dri" pag babawal ni Adriel sa kuya niya "Umiral nanaman pag ka playboy mo" sabi naman ni Adriyen at binatukan pa si Adrian "Aray naman kuya" reklamo ni Adrian hawak niya yung baba ng ulo niya. Nakakatuwa lang tong triplets nato e nag tatawagan parin ng kuya o bunso kahit kambal silang tatlo "Hala sorry Denden pag pasensyahan mo na mga kakambal ko" sabi sakin ni Adriel "Okay lang yon Adriel" sabi ko kaso sinamaan naman niya ko ng tingin. What? May ginawa bakong mali ? "call me Riel nalang then kay kuya Adriyen naman Yen nalang and kay kuya Adrian Dri nalang" sabi niya sakin "No call me Honey" banat nanaman ni Dri "ADRIAN" Sabay na suway ni Riel at Yen "Do you wanna eat again?" Tanong ni Yen kaya umiling nalang ako "I'm still full" sagot ko naman "We want to know you more" sabi ni Riel "Ako din naman e, Gusto ko pa kayong makilala lalo kana" sabi ko at tumuro kay Dri "Bakit ka naging playboy?" Derechahan kong tanong sakanya habang kumakain sila kaya naman naubo siya agad naman niyang ininom ang juice niya na nasa lamesa "Dahil sa first girlfriend niyang ginamit lang siya para sumikat" sagot ni Riel kaya na pa pout nalang ako "E ikaw? Bakit ka naging playgirl?" Tanong naman ni Yen "Natatakot akong mag seryoso kase natatakot akong masaktan"  sagot ko naman sa tanong "Pwede ba minsan samin ka naman sumabay mag lunch ? Para mas mag kakilala pa tayo" tanong ni Dri "Oo naman no problem " sagot ko ng may ngiti sa aking labi.

Falling For A PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon