Dindin's POV:
Nagising ako dahil sa isang masamang panaginip may humahabol daw sakin sobrang blurred ng mukha niya hindi ko na nga na aalala yung buong panaginip kong iyon, Sobrang creepy naman nun tiningnan ko ang wall clock at 11:50pm na pala yung tulog kase namin 8:40pm lang maka baba nga para mawala sa isip ko yung masamang panaginip pag ka baba ko naaninagan ko si Kuya Drew na umiinom, Nanlaki ang mga mata ko ng nakita kong alak ang iniinom niya kaya dali dali akong bumaba para tabihan siya "Kuya may problema ba ? Bakit ka umiinom ng alak? Okay ka lang ba?" Sunod sunod kong tanong sakanya kaso nginitian niya lang ako tumingin naman ako sa mga alak na nainom niya tsk pang apat na bote na ang iniinom niya sa ngayon "Kuya tama na, may pasok pa bukas" sabi ko sakanya kaso parang hindi na niya ko naririnig at nag simula na siyang umiyak kaya nanlaki ang mga mata ko ng tuloy tuloy na ang pag agos ng luha sa mga mata niya "Kuya anong nangyari? Sabihin mo sakin" sabi ko sakanya "Alam mo *hik* mahal na mahal ko si Thalia *sniff* Kaso yung hiling niya tigilan ko na siya sobrang sakit" umiiyak niyang kwento "Ayaw ko sana siyang tigilan kase mahal na mahal ko yon e sobra" kwento pa niya, Kaya naman niyakap ko siya, Ayoko kaseng nakaka kita ng lalaking umiiyak nakakapanlambot, Pag kase ang mga lalaki ang umiyak sobrang makahulugan "Ano pabang kulang saakin?" Tanong niya "Sobrang sakit na ipagtabuyan ka ng taong mahal mo" sabi pa niya naluha nalang din ako sa bawat salitang binibitawan niya, Humiwalay siya ng yakap sakin at uminom siya uli "Kuya tama na" awat ko sakanya "Hayaan mo lang ako, sa mga susunod na araw ayos nako *sniff* gusto ko lang ilabas lahat ng sama ng loob ko lahat ng sakit sa dibdib ko" sabi pa niya kaya hindi ko na pinakelaman at hinagod ko nalang ang likuran niya "Kuya tahan kana" sabi ko pa sakanya "Ikaw Dindin kapag sinaktan ka ni Ivan bubugbugin ko yun" matapang niyang sabi hindi ko alam kung lasing ba to o nasa katinuan pa e "Pero ang sakit sakit talaga dito o" sabi pa niya habang nakaturo sa dibdib niya. "Simula bata palang kami may gusto nako sakanya akala ko magugustuhan niya rin ako ngayong malaki na kaso hindi pala" sabi pa niya "Hindi pala ibigsabihin na mahal mo ang isang tao e mamahalin karin nito pabalik" totoo naman sinabi niya sobrang tama "May mga tao talagang kahit gaano mo kamahal iba parin ang hinahanap" sabi pa ni kuya "Kuya tandaan mo, Mabasag ka man ng ilang ulit meron at meron paring isang taong mag bubuo sayo at mamahalin ka ng totoo kuya" sabi ko sakanya na tinawanan lang niya "Sa tingin ko si Thalia lang talaga ang makakapag buo ulit saakin" sabi niya kaya napa isip ako sabagay minsan kasi sa buhay kung sino pa yung dumurog ng puso mo siya rin ang makaka ayos nito pero syempre meron pading pag nadurog ng isang tao ang puso mo pag bumalik kapa sakanya posibleng mabasag lang ulit ang puso mo. Dahil sa kadramahan ni kuya ay naki inom narin ako sakanya ilang oras ang lumipas nakita kong nakatulog na si kuya, kaya tumayo ako at inayos ko siya kahit medyo hilo na ko kase nga naka isang bote rin ako, Inayos ko siya ng higa sa sofa at dahil baka malaglag ako sa hagdanan kapag umakyat pako ay minabuti ko ng sa single sofa nalang natulog. Yari ako nito kay Ivan.
Denden's POV:
Nagising ako dahil nag ring ang phone ko ano ba to ka aga aga namang nambubulabog pag ka kita ko sa screen napa isnab nalang ako si Adrian kase ang tumatawag, sinagot ko naman ang call after makita ang name niya sa screen ng phone ko "Good morning beautiful Aleya" bati nito "Good morning" bati ko rin sakanya "Nagising yata kita?" Tanong nito "Actually yes" sagot ko rito "May alarm clock kana ah" aga aga ang hyper ng isang to "Sige na bye na mag luluto nako ng agahan namin" sabi ko "Wow sipag naman ng soon to be girlfriend ko" sabi nito playboy na playboy ang galawan tsk tsk tsk "Tse sige na ba bye" pag papa alam kong muli "Bye honey ingat " sabi pa niya. Baliw talaga inend ko na ang call at tumayo na para tingnan si Dindin kaso pag tingin ko sa tabi ko walang Dindin tiningnan ko ang wall clock dito sa kwarto namin 4:50am palang ah ? Aga namang nagising ng kakambal ko. Agad agad akong naligo at nag bihis at bumaba na pag ka baba ko ng hagdan laking gulat ko dahil si kuya natutulog sa mahabang sofa habang si Dindin andun sa single bakit dito natulog tong mga to? Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang 7 bote ng Bushmills Black Bush tsk tsk ano naman problema ng dalawang to at nag inom agad akong pumunta sa kusina at nag luto ng lugaw para mawala ang hangover ng dalawa, ang daya naman ng mga to sila lang ang pwedeng uminom ng alak ako hindi kase allergy ako. Nang maluto na ay agad kong ginising ni Dindin pag ka mulat ng mata niya agad niyang ininda ang sakit ng ulo niya dahil sa alak at leeg niya dahil sa pwesto niya pag tulog, gigisingin ko na sana si kuya ng pigilan ako ni Dindin "Hayaan nalang muna nating mag pahinga si kuya. Maraming nainom yan" sabi nito, sinunod ko nalang siya at inalalayan ko ang kakambal ko na makaupo "Ano ba kaseng napag isipan niyong dalawa at uminom kayo?" Tanong ko sakanya "Ewan ko kay kuya inaya lang ako e" sagot niya, umupo nako sa tabi niya at nag simula ng kumain "bilisan mo ng kumain diyan at maligo kana" sabi ko sakanya tumango lang naman siya "Mag grocery tayo bukas ha?" Sabi ni Dindin "Sige sige" sagot ko naman sakanya.
BINABASA MO ANG
Falling For A Playgirl
De TodoPaano nga kaya kung mainlove ang isang goodboy sa isang playgirl?!! Magkakaroon kaya sila ng happy ending ? O masasaktan lang si boy