Denden's POV:
Madaling araw na nung nakauwi kami nag over heat kase yung van na sinasakyan namin at ngayon kahit antok pa ako ay kailangan ko ng pumasok kase malapit naring mag time. Wala dito si Dindin at si Kuya baka nasa school na, Hindi ko rin sila na abutan kaninang pag uwi ko e. Hindi ko alam kung saan nakitulog yung mga yon. Sumakay nako kay Drania at pag karating ko sa school wala ng masyadong studyante na nag kalat kase malapit ng mag time pag karating ko sa room agad akong pumunta sa pwesto ko nilapitan naman ako ni Dindin "Umuwi kami kagabi sa bahay para kunin yung uniforme saka umalis narin nakitulog kami kala Ivan" pag papaliwanang "Bakit dimoko tinext o tinawagan man lang?" Pansin ko lang din wala pa si Zia at ang katabi ko. "Wala kong load" sagot ni Dindin "Wala pa si Clark? Saka si Zia ?" Tanong ko sakanya kao tong kakambal ko parang nakaisip nanaman ng kalokohan "Uy hinahanap niya si Clark" sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Maya maya pa ay dumating na si Clark kasama si Zia na naka seryoso sabagay lagi namang seryoso mukha nito, uupo na sana si Clark ng unahan siya ni Zia "From now on dito nako sa tabi ni Denden uupo" sabi niya kaya wala namang nagawa si Clark at umupo nalang sa tabi ni Joseph "Namiss kita agad" bulong ni Zia sakin kaya napangiti ako "Mamaya sasabihin na natin kay Dindin yung totoo" Bulong ko naman dito "Sobrang close niyo naman yatang dalawa ?" Sabi ni Ivan na nasalikuran lang "So what?" Pag tataray ni Zia sa pinsan niya. Kaya umiling nalang si Ivan siya lang din kase kawawa kapag pinag patuloy niya pa mga sasabihin niya tinuloy naman namin ni Zia yung pakikipag kwentuhan sa isat isa "Look oh Nakikipag daldalan si Zia kay Denden so weird" sabi ni Sheena kay Grace at Kelsey "Wow Zia is laughing may lagnat yata siya" bulong naman ni Nads na rinig na rinig naman namin bubulong bulong pa rinig naman psh. "Tss mga epal" medyo malakas na sabi ni Zia kaya naman nanahimik yung mga nag tsi tsimisan naming mga kaklase hahahaha wala pala tong mga to e pag si Thania ko ang bumanat taob sila. Maya maya pa ay dumating na si Ma'am Hannah, Ang ganda ganda talaga niya pero hindi ko parin mawari kung bakit kamukhang kamukha niya ang kapatid ko ano bang meron samin ? Ano kaya ang koneksyon namin sa isat isa. "Good morning class so you know naman na graduating kayo tama ? Kaya iwasan ang nasasangkot sa mga away, May tatlo kase kayong kaklase na nasangkot nanaman sa away sa loob ng campus , You guys know who you are puntahan niyo ko sa office mamayang uwian mag uusap tayo with our principal and guidance teacher, Get it? So let's proceed. Oh by the way Ms. Hershey go to my office this Break time okay?" Sabi ni ma'am Hannah at nag start na ang english lesson namin bakit naman kaya ako pinatawag nito. Nag tuloy tuloy lang ang discussion namin sa english hanggang sa matapos ang oras doon. Pag kalabas naman ni ma'am Hannah saktong pumasok naman ang science teacher namin. "So dumako naman tayo sa Chemistry, When you hear the word chemistry what's the first thing that comes to your mind? Anyone?" Tanong ng Science teacher namin , I like Science so much ma pa Chemistry , Physics, Biology, Astronomy ,Cognitive science, Computer Science , Ecology, Geography and other Science branches. Dahil nga sa walang balak mag si sagot ang mga kaklase ko nag simula na syang mag shuffle ng index card "Mr. Alfonso" pag tawag niya sa isa sa mga kaklase ko agad agad namang tumayo si Sony na nag kakamot ng ulo "Ma'am when I heard Chemistry the first thing that comes to my mind is my seatmate because I think we have chemistry" Hirit ni Sony kaya naman nag hiyawan ang mga kaklase ko "Ma'am sorry po" pag papa umanhin ni LJ "That's okay but Ms. Calara and Mr. Alfonso make sure na mataas ang makukuha niyo" "Ma'am syempre you asked---" hind na naituloy ni Sony ang sasabihin niya dahil tinakpam na ni LJ ang bibig nito "Yes po ma'am, We will do our best para maka kuha ng mataas sa mga quizes and exam niyo po" pag sagot ni LJ kaya tumango nalang si ma'am at nag proceed na sa lesson matandang dalaga to e kaya ayon nabad trip sa sagot ni Sony "Class dissmissed you can take your break". Sabi niya at lumabas na ng room, Wala pang time ah? Bahala na nga siya hahahaha agad agad namang nag labasan ang mga kaklase namin at syempre kami rin "Guys una na kayo sa room nating mga spectre ha ? Punta lang ako saglit sa office ni ma'am Hannah" pag papa alam ko sakanila "Samahan na kita" sabay sabay na sabi ni Dindin , Clark, Zia at Thalia kaya natawa ako ng bahagya "No need guys mabilis lang to" sabi ko at nag tungo nako sa daan papunta sa office ni ma'am Hannah. Nung malapit nako sa office ng adviser namin ay may natunghayan akong nag kukumpulang mga student sa hallway kaya naman agad akong pumunta doon para makita kung anong nangyayari nang makita ko ang tatlo kong kaklase na si Tey , Leo, Dancel na nakikipag suntukan sa dalawang lalaki sa kabilang section kaya naman agad kong inawat kaso *BOOOGSH* "OUUUUUCH" Nanlaki ang mga mata ko dahil tinamaan ako ng kamao ng isa kasabay ng pag sigaw ko kaya napatigil sila sa pag susuntukan agad naman akong nilapitan ng isang babae kamukha siya ng dalawang lalaking nakikipag suntukan "Miss Okay kalang?" Tanong niya tumango lang ako "Tey, Leo, Dancel ano bang nangyayari dito?" Tanong ko sa mga kaklase ko "Iyan kaseng walanghiyang yan inagaw ang girlfriend ko" sigaw ni Leo habang nakaturo sa isa "Hindi ko inagaw ang girlfriend mo masyado lang siyang malandi siya yung lumapit at nakainom ako that time" sigaw ng lalaking tinuro ni Leo, Sasapakin na sana ulit ni Leo yung lalaki ng humarang ako sa pagitan ng dalawa kaya natigil sila. "Tama na okay? Pumunta nakayo sa pupuntahan niyo" sabi ko sa kanila ng kalmado agad naman silang tumango at umalis na "Kuya Adrien , Kuya Adrian say sorry to her" sabi naman ng isa "Sorry" sabi nung Adrien yata "Sorry miss natamaan pa kita masakit paba?" Tanong nung Adrian "Ah, Yeah pero keri ko naman" sagot ko sakanila "I'm Adriel half pinay and half Thai and this is my twin brothers Adrian and Adrien triplets kami" pag papakilala ni Adriel sa sarili niya at sa mga kapatid niya "And you are?" Tanong ni Adriel "I'm Hershey Aleya but you can call me Denden" pag papakilala ko na kinalaki ng mata ni Adriel "Wait! So you mean Denden ng spectre family?" Tanong nito "Yeah" maikli kong sagot "I hi mo naman ako kay Brylle oh" sabi pa niya "Sure" naka ngiti kong sagot "Kyaaaaaah" tili nito "Ingay mo" pag babawal sakanya ni Adrien "Sorry ulit ah kung gusto mo samahan ka na namin sa Clinic" sabi naman ni Adrian "Ah hindi na okay lang naman ako. Sorry to ask pero bakit nga pala nakikipag suntukan kayo sa mga kaklase ko?" Tanong ko sa mga to "That Leo's Girlfriend bigla biglang lumapit sakin then she kissed me dahil nga sa tipsy ako ng araw nayon I kiss her back then suddenly nakita yon ni Leo kaya ang akala niya inagaw ko ang gf niya" pag papaliwanag ni Adrian "Napaka babaero mo kase" sabi naman ni Adrien "Ikaw ? Bakit naman nasangkot ka?" Tanong ko kay Adrien "Yung Teo at Dancel kasing yun binosohan tong bunso namin syempre nainis ako dun ayokong may bumabastos sa mga kakambal ko" pag papaliwanag naman ni Adrien, Bigla naman akong napalingon sa wrist watch ko oh myyyyy "Sige na mauna na ko pupunta pa kase ako sa office ng Adviser namin" sabi ko, Hindi ko na sila hinayaang maka sagot pa at nag tatakbo nako papunta sa office ni Ma'am Hannah.
BINABASA MO ANG
Falling For A Playgirl
RandomPaano nga kaya kung mainlove ang isang goodboy sa isang playgirl?!! Magkakaroon kaya sila ng happy ending ? O masasaktan lang si boy