Zia's POV:
Nasaan naba si Asul bwisit talaga yun sabi ng bumalik agad, Ang kulit lang tsk "Huy okay kalang? Kanina kapa palakad lakad diyan" sabi sakin ni Clark , sinamaan ko lang siya ng tingin "maupo ka nga halika rito" sabi naman ni Giraffe at hinila niya ko sa tabi niya. Medyo natuwa naman ako sa ginawa ng crush ko pero kasi bakit kaya si Asul ang kinausap ni Tito Clarkiel saka tungkol saan ba ? It's been a week simula ng nag enroll sila Tito Jeiro, Tita Carlota at ang kapatid ng kambal na si Drew at grabe kabago bago palang sikat na agad maganda't mga gwapo pano. "Alam mo ba isang linggo nakong tinatakot ng kuya mo" pag ku kwento ni Ivan kay Dindin. Tumayo nako at pumasok sa kwarto at nahiga, agad ko namang nilabas ang phone ko at tinext si Asul
To: ASULan
Hey where are you?
Message sent: ✔
Maya maya pa ay nag reply na siya
From: ASULan
I'm still talking with Tito Clarkiel , Why?
To: ASULan
Okay?
Message sent: ✔
Pag ka reply ko ay hindi na ulit sya nag reply pero maya maya pa ay tumawag siya kaya naman agad ko rin itong sinagot
"Oh" bungad ko sakanya
"Hello Zia ? This is tito Clarkiel"sagot ng nasa kabilang linya kaya naman napaupo ako dahil sa hiya ko. Tsk maling mali
"Yes po tito? Why po?" Tanong ko
"Susunduin ka mamaya ni Joseph diyan sa room niyong mag kakaibigan , dumerecho kayo dito sa alpiña blue room may mahalaga tayong pag uusapan. But now itutuloy ko muna ang pag uusap ko with Joseph, See you later""See you po" After that I end the call at humiga na ulit ako nag try ng matulog.
Denden's POV
"Zia ? Kakain na" pag pasok ko sa kwarto ayun tulog napailing nalang ako bakit ganun ? Why this world is so unfair. Ang ganda ganda niya kahit tulog samantalang ako pag tulog tulo laway pa. Hmmp makalabas na nga, " Oh nasan si Zia ? " tanong ni Ivan sakin "Natutulog e hindi ko na ginising baka magalit" sabi ko tinanguan lang niya ako biglang sagot.
Habang nasa kalagitnaan ng pag kain biglang nag ring ang phone ni Clark. "Excuse" sabi ni Clark at medyo lumayo samin. "Okay kalang? Ang putla mo. Kumain kaba ng Almusal?" Tanong ni Thalia sa kapatid masasabi kong kahit aso't pusa ang dalawang to mahal parin talaga nila ang isat isa. Umiling naman si Yumi bilang sagot sa tanong ni Thalia, "How many times do I have to tell you na dapat kumakain ka ng almusal. Alam mo namang almusal ang pinaka mahalagang pagkain sa araw araw diba ?" "Ma le late na kase tayo ate kaya hindi nako kumain" sagot ni Yumi "edi sana binaon mo nalang" galit na sabi ni Thalia "Sorry ate" sabi ni Yumi at bumalik na sa pagkain. "Bespreeeeen wag nga kayong mag landian sa harap kooo" galit na sigaw ni Brylle kala Ivan at Dindin na nasa harap niya lang na sobrang sweet, tinawanan lang naman ng dalawa si Brylle kawawang bata hahahah, pero ang sweet talaga ng kapatid ko at ni Ivan , sila na ba ? Hindi nag o open up sakin tong kapatid ko tungkol sakanila ni Ivan. I want to feel the same yung may seryosong karelasyon pero kase hayyys never mind. Maya maya pa ay bumalik na si Clark, "Guys dalian niyo ang pag kain niyo pinapapunta tayo ni Dad sa Alpiña blue room video shoot and photo shoot daw ng mga members ng Spectre wala naman tayong mamaya kaya ngayong araw gagawin, Gigisingin ko lang si Zia" sabi ni Clark at pumunta ng kwarto
"Photoshoot? Ano meron?" Tanong ni Dindin kay Ivan "Hindi ko rin alam e wala akong ideya, Ikaw ba bespren may idea ka kung bakit may pa ganito?" Agad agad umiling si Brylle sa tanong ni Ivan "I heard kase kanina usap usapan sa hallway SpectreFamily is complete members na daw " Sabi ni Bes "Complete?" Sabay sabay naming tanong kay Bes "Yes" "Saan mo naman nabalitaan yan ?" Tanong ng kagigising na Zia na ngayon ay kalalabas ng kwarto "Sa hallway kanina papuntang principal office" sagot naman ni Thalia "Tara na guys hinahanap na tayo ni Daddy" sabi ni Clark "Teka pano siya?" Tanong ni Dindin kay Clark kaya napatingin kami sa kambal ko "Hindi pa siya kumakain" pahabol pa ni Dindin "Thankyou for your concern , pero hindi pa naman ako gutom kaya ko pa" sagot naman ni Zia na bahagyang ngumiti kay Dindin. Ganda ganda talaga ng batang to. Masungit nga lang. Nag madali kami sa pag punta sa alpiña blue room takbo, lakad ang ginawa namin. Kakapagod.Nung nandon na kami sa Alpiña Blue room namangha kami sa sobrang ganda "Ay taray sa ganda pak na pak" sabi ni Yumi samantalang ako eto di makapag salita manghang mangha parin sa nakikita ko.
Clark's POV:
"Ay taray sa ganda pak na pak" sabi ni Yumi kaya naman nilibot ko ang paningin ko sa room nato , Room pa ba to? Maya maya pa ay lumabas na sila Daddy, Joseph, Drew ? Yung kuya ng kambal at kung hindi ako nag kakamali Si Ate Carlota at ang boyfriend niya ang kasama nila dad.
"What are you doing here?" Tanong ni Zia kay Carlota "Nandito ako para mag pakuha ng litrato at bidyo" sagot naman ng tita ni Zia "What's for?" Taas kilay na tanong ni Zia sa tita niya. "Zofia , this persons in front of you is the new and last member of the spectre family" pag papaliwanag ni Dad "NOOOO!" Sabay na sigaw ni Thalia at ni Zia kaya nag katinginan silang dalawa. Tinawanan lang naman sila ni Dad "Talaga pooo?" Makulit na tanong ni Dindin "Yes, Haruko makakasama niyo na ang kuya niyo" sabi naman ni Dad kay Dindin "Yeheeeeey" sabi ni Dindin at tumakbo papunta kay kuya niya at niyakap. "Wow" bulong naman ng katabi kong si Denden. Agad naman akong napatingin sakanya na nakatingin naman sa mga kapatid. "Hindi kaba lalapit sakanila?" Tanong ko kaya napatingin din siya sakin *dugdug dugdug dugdug dugdug* wait whats that sound? "Moment nilang dalawa yan" sagot niya kaya naman nag iwas nako ng tingin at binaling nalang ang atensyon ko sa mag Bestfriend sa gilid ko na mag ka angkla ang mga braso, Si Brylle at Ivan kaya napag kakamalang bakla tong dalawang to e napailing nalang ako sa pwesto ng dalawa. "Hindi bako i ko congrats ng kababata ko?" Pag paparining ni Drew kay Thalia "Duuuuh! Who you?" Pag tataray ni Thalia kay Drew. Lumapit naman si Drew kay Thalia at hinug ito "Ihhhhh ano ba" sigaw ni Thalia at sinipa si Drew sa manhood nito Ouch masakit yon "ARAAAAAY" kaya naman napaupo sa sakit si Drew habang hawak ang manhood niya agad naman siyang nilapitan ni Denden at tinulungang tumayo si kuya niya "Bes naman e" sabi ni Denden kay Thalia.
Naupo muna kami dun sa lapag kase nag uusap pa sila Dad, Zia ,Drew Joseph at sila Ate Carlota at Kuya Jeiro. Nagulat nalang ako ng biglang napasandal si Denden Sa balikat ko pag tingin ko sakanya napangiti ako, Nakatulog siya. *dugdug dugdug dugdug dugdug* Hindi ko inalis yung tingin ko sakanya ang ganda e "Eheeem malusaw" Asar naman nila sakin except kay Thalia na nag se cellphone lang , kaya naman naiwas ko ang tingin ko sa natutulog na si Denden at kinuha ko nalang ang phone ko at nag laro nalang ako ng ML.
Bumalik na dito sa harap namin yung lima at si Dad kaya naman napatayo na sila, medyo tinapik ko naman ang pisngi ni Denden na malambot "Gising na" sabi ko at agad naman niyang minulat ang mata niya at umalis na sa pag kaka sandal sa balit ko kaya tumayo na ko at tinulungan ko rin siyang makatayo. "Thankyou" sabi niya at ngumiti. "Sisimulan na natin ang pag pho photo shoot at sisimulan natin kay Zia susundan mo Clark, sunod si Ivan then Brylle , then Joseph, Denden , Dindin , Thalia , Yumi next si Carlota , Jeiro at last si Drew at ganun din sa video shoot pero hindi na tayo dito sa video shoot Understood?" "Yes Sir"
BINABASA MO ANG
Falling For A Playgirl
RandomPaano nga kaya kung mainlove ang isang goodboy sa isang playgirl?!! Magkakaroon kaya sila ng happy ending ? O masasaktan lang si boy