Chapter 73: (Silmenio Siblings Wars )

34 0 0
                                    

Dindin's POV:

Nang makauwi na kami galing sa mall dumiretso ako sa kwarto para ayusin ang higaan namin ni Denden "Close pala kayo nina Adrian. Kelan pa?" Tanong ko sa kapapasok na si Denden sa kwarto "Ah oo, mababait naman sila Nung wednesday yata kami nag usap non basta nung araw na dinala ko si baby Ash sa room nating mga spectre" sagot niya sakin "Napansin ko na parang sweet siya sayo. Pinopormahan kaba nun?" Tanong ko sakanya "Actually kami na" mabilis niyang sagot na ikinagulat ko "What?" Taas kilay kong tanong sakanya, nginitian niya lang naman ako "Kelan pa?" Tanong ko ulit "Kahapon lang" naka ngiti niyang sagot "Denden he's a playboy" sabi ko sakanya "Oh ano naman? Ayos lang yan parehas lang naman kaming hindi marunong mag seryoso" sagot naman niya "He's different" sabi ko pa "Sinagot ko lang naman siya para mag karoon ng thrill kase lagi nalang yung may gusto saakin ang nagiging jowa ko. This time parehas namin hindi gusto ang isat isa" naka ngiting sabi niya "Alam mo ikaw ang hilig hilig mong mag laro ng damdamin ng iba kaya nasasaktan si kuya Drew e" sigaw ko sakanya "Teka lang bakit sakin nasisi kung bakit nasasaktan si kuya? Hindi ko kasalanan yon kung hindi siya kayang mahalin ni Thalia" sagot naman niya sakin "Siguro kung hindi ka naging playgirl baka hindi nasasakta si kuya Drew"sabi ko pa "Kahit pa hindi ako maging playgirl masasaktan parin si kuya. Kaya pwede ba? Wag mong isisi saakin ang hindi ko naman kasalanan labas ako don" sigaw niya sakin. "Girls anong problema?" Tanong ni kuya Drew na kapapasok lang ng kwarto namin "Rinig na rinig ko sa kwarto mga sigawan niyo, ano bang nangyari dito?" Tanong niyang muli "Kuya pano yang magaling mong kapatid nakipag relasyon kay Adrian" sigaw ko "Totoo ba yon Denden?" Tanong ni kuya kay Denden "Yes kuya totoo yon napag isip isip ko kase walang thrill kung patuloy lang akong mag lalaro , this time parehas kaming nag lalaro" pag papaliwanag ni Denden. Tss wala ng ginawa kundi manakit ng damdamin ng iba "Ang sabihin mo malandi ka, kaya kung kani kanino ka nakikipag relasyon" sigaw ko na ikinagulat naman niya "Anong sinabi mo?" Sigaw niyang tanong sakin "Ang sabi ko malandi ka" sigaw ko sakanya "Girls stop it" suway samin ni Kuya Drew, pa stop stop it kapa kuya parang ala karing pinag kaiba kay Denden "Malandi ako? Wow e sayo ano ang tawag mo sa sarili mo ha Dindin?" Sigaw sakin ni Denden "Hindi ako malandi. Hindi ako katulad mo" sigaw ko sakanya "Wow bakit ano na ba ang status niyo ni Ivan?" Tanong niya sakin na mas lalong ikinainit ng ulo ko "ligawan stage" mabilis kong sagot "See ? Ode malandi ka nga, Ligawan stage palang pero nag sasagutan na sa iloveyou? M.U is not a relationship it's relation shit" sigaw pa niya "Girls ano ba tumigil na nga kayo" awat muli ni kuya "Ano kuya pag babawalan mo kami? Ikaw nga gumagamit ng iba para kalimutan lang si Thalia e" sabi ko kay kuya na ikinagalit niya "First of all hindi ko ginagamit si Grace para kalimutan si Thalia, She insist kaya hindi nako tumangi pa" sagot naman niya "Wow kuya as in wow kelan kapa natutong gamitin ang isang babae para maging rebound mo lang kawawa ang bestfriend ko" sigaw naman ni Denden "Wow ikaw pa talaga ang nag bawal Denden ha" sabi naman ni kuya Drew.

Drew's POV:

  Katawagan ko si Grace ng bigla nalang akong may narinig na nag sisigawan sa katapat kong kwarto pero hindi ko pinansin kase baka normal lang sakanilang dalawa yon, Pero maya maya pa ay hindi na talaga tumigil ang sagutan nila "Grace i'll call you later i che check ko lang mga kapatid ko" sabi ko then I end the call "Girls anong problema?" Tanong ko pag kapasok sa kwarto ng kambal "Rinig na rinig ko sa kwarto mga sigawan niyo, ano bang nangyari dito?" Tanong ko ulit sakanila "Kuya pano yang magaling mong kapatid nakipag relasyon kay Adrian" sigaw ni Dindin. Actually hindi ko talaga kilala yong Adrian nayon naririnig ko lang ang pangalan niya sa school playboy daw yon e "Totoo ba yon Denden?" Tanong ko kay Denden, hindu naman siya nag atubiling mag isip at sumagot agad "Yes kuya totoo yon napag isip isip ko kase walang thrill kung patuloy lang akong mag lalaro , this time parehas kaming nag lalaro" sabi ni Denden. "Ang sabihin mo malandi ka, kaya kung kani kanino ka nakikipag relasyon" sigaw naman ni Dindin na ikinagulat ni Denden pati ako nagulat. Mga kapatid ko ba talaga ang mga to? Bakit ganito mag salita?  "Anong sinabi mo?" Sigaw naman ni Denden "Ang sabi ko malandi ka" sagot naman ni Dindin "Girls stop it"  saad ko sakanila kaso parang nag salita lang ako sa hangin dahil hindi nila ko pinapansin "Malandi ako? Wow e sayo ano ang tawag mo sa sarili mo ha Dindin?" Sigaw nanaman ni Denden "Hindi ako malandi. Hindi ako katulad mo" hayys bakit nag kaka ganto ang mga kapatid ko "Wow bakit ano na ba ang status niyo ni Ivan?" Tanong ni Denden sa kakambal niya na mabilis namang sumagot "ligawan stage" "See ? Ode malandi ka nga, Ligawan stage palang pero nag sasagutan na sa iloveyou? M.U is not a relationship it's relation shit" sigaw pang muli ni Denden kita ko namana sa mata ni Dindin na naiiyak na siya pero pinipigil niy  "Girls ano ba tumigil na nga kayo" awat kong muli sa mga kapatid ko "Ano kuya pag babawalan mo kami? Ikaw nga gumagamit ng iba para kalimutan lang si Thalia e" sigaw naman sakin ni Dindin "First of all hindi ko ginagamit si Grace para kalimutan si Thalia, She insist kaya hindi nako tumangi pa" sagot ko naman sakanya. Totoo ang sinasabi hindi ko ginagamit si Grace kaninang nag uusap kami sabi ko hayaan niya ko munang makapag moveon pero ayaw niyang pumayag kahit wag ko na daw siyang mahalin basta maipakita niya lang sakin na mahal niya ko "Wow kuya as in wow kelan kapa natutong gamitin ang isang babae para maging rebound mo lang kawawa ang bestfriend ko" sigaw naman ni Denden sakin. Sa totoo lang maunawain ako pero pag ganitong tinatapakan ang pag ka lalaki ko naiinis ako kaya nasigawan ko siya "Wow ikaw pa talaga ang nag bawal Denden ha" "Denden? Kuya Drew? I'm just protecting you two tapos ako pa lumalabas na kontrabida dito" sigaw muli ni Dindin, pag galit ako hindi ko napiligilan kung ano yung mga nasasabi ko "Pino protektahan din naman kita Dindin kaya nga sinasabi ko kay Ivan na wag masyadong clingy sayo dahil hindi pa kayo" sabi ko "Kaya pala lately parang nag bago siya kuya dahil pala sayo yon. Bakit hindi niyo ko hayaang maging masaya?" Pigil iyak niyang tanong sakin "Dindin kung talagang mahal mo si Ivan sasagutin mona siya hindi yang pa M.U , M.U kayo anong mapapala niyo don?" Sigaw muli ni Denden "Palibhasa kase ikaw kahit sinong manligaw sayo sagot agad" sigaw nanaman ni Dindin "Atlis hindi ako nasasaktan. Diba kuya masarap mag laro ng damdamin ng iba" sabi naman ni Denden na nakangisi "Ibahin moko sayo Hershey Aleya dahil hindi ko magagawang mag laro ng damdamin ng iba" sabi ko sakanya "Talaga kuya? E ano sa tingin mo yang ginagawa mo kay Grace ? Wala lang?" Taas kilay na tanong sakin ni Denden "Sinabi ng hindi ko pinag lalaruan damdamin ni Grace e" galit kong sigaw "ikaw Dindin kung hindi mo sasagutin si Ivan tigilan niyo na kase mata ng mga nakaka kita malandi ka" sabi ni Denden sa kakambal "Oo kaya nga tingin mo sakin na sarili mong kakambal e malandi saka isa pa sino kaba para pakelaman ang mga desisyon ko sa buhay?" Galit na sigaw ni Dindin sabay walk out. Nang maka alis si Dindin agad kong hinarap si Denden "Tigilan mo ang pag lalaro mo ng damdamin ng iba" seryosong sabi ko na tinawanan lang niya "Kuya ikaw nga ang bilis mong maka move on e, Well sa bagay ginagamit mo lang nga pala si Grace para maka move on" nakangisi niyang sabi "Sinabi ng hindi ko nga ginagamit si Grace e" sigaw ko at umambang sasampalin siya pero pinigilan ko "Ano kuya? Sasampalin moko? Sige go, nang malaman ko na masama na talaga ang ugali ng kuya ko" sabi pa niya. Nasaktan ako sa lumalabas sa bibig ng kapatid ko. "Ang pagiging playgirl mo wala lang saakin yan pero yang pakikipag relasyon mo sa isang kagaya mong mapag laro ng damdamin ng iba nakakatakot kase baka masaktan ka" sabi ko sakanya kaso ngumisi lang siya at iniwan na ako dun sa kwarto nila kaya bumalik nalang ako sa kwarto ko.

Denden's POV:

It's already 10 in the evening pero hindi parin umuuwi si Dindin saan na kaya napadpad yon. Maya maya pa ay nag ring ang phone ko hindi kona chineck kung sino yung nag ko call at sinagot ko na agad "Hello Denden" sabi ni Clark sa kabilang linya dahil nga sa ilang bwan narin kaming mag kasama ay nabosesan ko sya "I know what happened, Nandito kami ngayon kala Ivan , Tulog na si Dindin nakatulog siya kakaiyak" sabi pa niya napabuntong hininga nalang ako dahil buti nalang ligtas ang kakambal ko sisisihin ko talaga ang sarili ko kapag may nangyaring masama sakanya, kahit naman nag away kami nun mahal na mahal ko yon. "Pupuntahan kita sainyo ikaw naman ang kakausapin ko" sabi ni Clark "Okay" sagot ko at inend niya na ang call after ng 10 minutes ay may bumosina sa labas kaya nag madali akong bumaba at lumabas "Hey are you okay?" Tanong niya hindi nako sumagot sa tanong niya at yumakap nalang sakanya at nag iiyak. Hanggang sa tumigil nako kakaiyak at umupo sa sahig ganon din naman ang ginawa niya inakbayan niya ko at sumandal naman ako sa balikat niya at maya may ay kumanta siya na mas lalong nakapag pagaan ng loob ko.

"Why don't you tell me where it hurts now, baby
And I'll do my best to make it better
Yes, I'll do my best to make those tears all go away
Just tell me where it hurts now, tell me
And I love you with a love so tender
Oh and if you let me stay
I'll love all of the hurt away"

Habang pinapakinggan ko ang maganda niyang boses ay dinalaw nako ng antok dahil narin siguro sa kakaiyak. Pag kagising ko nasa kwarto nako wait what ? Pano ako napunta dito ? Nag lakad baka mag isa ? O hindi kaya ? Oh my binuhat kaya ako ni Clark ? Halaaaa Nakakahiya ang bigat bigat ko tapos binuhat niya ko oh myyyy nakakahiya talaga. "Saan ka galing bakit hindi ka umuwi kagabi ?" sigaw ni kuya kaya nag madali akong bumaba ng kama at patakbong lumabas ng kwarto "Ano bang pakealam mo kuya?" Mahinahong tanong naman ng kambal ko kay kuya "May pakealam ako sayo kasi kapatid kita, Now tell me, Saan ka galing ?" tanong ni kuya, tiningnan naman ako ni Dindin at ngumisi "Edi kala Ivan kuya dun ako natulog sa kwarto niya" sagot niya ng nakangisi parin "Anong ginawa niyong dalawa ha ?" sigaw na tanong nanaman ng kuya "Ano pa kuya edi pinatuyan ko yung sinasabi sakin ng kakambal ko na malandi daw ako" sagot naman ni Dindin na nakatingin saakin. Alam kong nag sisinungaling ang kakambal ko "Walangya ka" sabi ni kuya at sinampal si Dindin na ikinalaki ng mata ko kaya agad agad akong pumunta sakanilang dalawa at inalalayan si Dindin "Sorry hindi ko sinasadya" Sabi ni kuya Drew "Anong magagawa ng sorry mo kuya ? Nasaktan mo na ako ?" Sabi ni Dindin "Bitawan mo nga ako" sabi niya sakin sabay pasok ng kwarto namin. "Kuya" tawag ko kay kuya Drew kaso hindi niya ko pinansin at pumasok narin siya ng kwarto niya, Nang makapasok na si kuya sa kwarto niya pumasok narin ako sa kwarto namin ni Dindin, nakita ko siyang nag lalagay ng mga damit sa bag niya in short nag iimpake "Kauuwi mo lang ah ? Saan ka pupunta?" Tanong ko sakanya "Edi aalis sa bahay na to wala ka dapat ipag alala dahil wala naman talagang nangyari samin ni Ivan, Saka isa pa hindi ako kala Ivan mag s stay , alis nako" sabi niya "Bal sorry na, huwag naman ganto oh pag usapan natin to" sabi ko sakanya "Saka nalang natin ayusin kapag malamig na ang ulo ng bawat isa sa atin" sabi pa niya sabay labas ng kwarto sinundan ko parin siya hanggang sa mag tatakbo siya pababa ng hagdanan at palabas ng bahay hanggang sa makasakay na sya ng taxi hayyyyys kelan ba matatapos ang away naming mag kakapatid? hayyys


Falling For A PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon