Jeiro's POV
Ako sj Jeiro Andrei Lopez na kwento narin siguro sainyo ni Carlota kung bakit kami nag karoon ng apelyido hindi ba ? Hindi ko na siguro masyading idedetalye sainyo.
Nakatira ako sa swerchant na kung saan lahat ng spectre ay doon naninirahan at ang Christowdienisent ang aking pinamumunuan kasama ang aking kasintahang si Carlota at ang nakakatandang kapatid nito na napangasawa naman ni Reynang Zofi.
Nandito kami sa hardin ng bahay ko kasama sina diwatang Josephine, diwaning Grey, diwatang Nathalie, diwaning Nico, diwatang Brenda, diwaning Geof, Reyna Gabriella ,Haring Clarksson, diwatang Yvonne, diwaning Joshua, Ynang harah Patricia, at ang mag asawang kauuwi lang galing sa korea na si na Reyna Dennise ,Haring Andrew, At hinihintay naming dumating si Carlota.
Lumipas ang ilang minutong paghihintay ay dumating narin ang aking kasintahan.
"Pasensya na nahuli ako, sinamahan kong pumunta sa hospital sila Zia , may sakit kasi ang kakambal ni Dindin" Pag sisimula nito. Nagulat ang lahat sa pag tayo ni Reyna Dennise maliban kay Ynang Harah Patricia "Anong nangyari sa anak ko?" Tanong nito sa kararating kong kasintahan na muling ikinagulat namin. Si Dindin at ang kambal pala nito ang sumunod sa pangalawa niyang anak na si Drew.
"Medyo ayos na po ang inyong anak mahal na reyna" may pag galang na sagot ng aking kasintahan "Gusto ko silang mayakap at masilayan pero ayokong mapahamak sila sa oras na makita nila ko dahil sa sumpang binigay saakin ng kapatid ng aking ina" malungkot na pag sasalaysay nito.
Oo nga pala siya ay sinumpa siya ni Reyna Alymra ang kapatid ni Reyna Dinsaelyn na sa kapag dumating na sa kinse anyos ang kanyang kambal na anak ay mamamatay ito sa oras na masilayan nila ang kanilang ina, Kaya pumuntang Korea ang mag asawa upang maligtad ang kambal sa kamatayan dulot ng sumpa.
"Meron po akong naiisip na paraan , ngunit ito ay akin lamang pong gagawin kung ako'y inyong pahihintulutan sa aking binabalak" sambit ng aking kasintahan
"Ano ba ang iyong naiisip na paraan Diwatang Carlota?" Tanong ni Diwatang Josephine , ang asawa ni diwaning Grey at ang ina ni Joseph. "Ang paraan na aking naisip ay ang makapasok ako sa eskwelahang pinapasukan ng kanyang mga anak kasama ang aking kasintahan" nagulat ako sa winika ng aking kasintahan ni wala kaming alam sa mga pinag aaralan nila. "Pero Mahal ko ala tayong alam sa mga pinag aaralan nila lalong lalo na sa ingles at matematika" pag tutol ko sakanyang winiwika.
"Okay sige ganito tutal ako ang nakakataas at gumawa ng paaralang pinapasukan ng kambal kung sakali mang pahin tulutan ka ni Ynang Harah Patricia ay ilalagay ko kayo sa seksyon na kung asan ang mga kambal" wika ni haring Clarksson
"They don't know how to speak in English King Clarksson" wika ni diwatang Yvone na hindi ko naman naintindihan "Yvone mahal hayaan mo ng mag pasya sina Haring Clarksson , Reyna Dennise, Haring Andrew , Reyna Gabriella at si Ynang Harah Patricia sila na ang bahalang mag desisyon para sa kanilang dalawa" wika ni Diwaning Grey kay diwatang Yvone. Sila ang mga magulang ni Ivan Joshua.
"Ano naman ang iyong gagawin sa oras na payagan ka naming makapasok sa paaralang pinapasukan ng mga anak ko?" Tanong ni Reyna Dennise "Gagawin ko po ang lahat upang ma protektahan ang iyong mga anak lalong lalo na po si Denden lalo na po ngayun na ang mag kakaibigan ay may masamang napaginipan at walang ibang laman ang kanilang mga panaginip kundi si Denden" pag sasalaysay ng aking kasintahan.
Na ikinagulat naming lahat.Alam naming lahat na kapag napanaginipan ka ng mag kakaibigan at ang panaginip na yun ay parang mag kakatulad maaring maging katotohanan ang mga iyon.
"Hindi po kayo nag kakamali ng dinig mga mahal kong kapwa Diwani, Diwata, mahal na mga reyna at hari at mahal na Ynang Harah Patricia sila na mismo ang nag salaysay ng mga pangyayaring naganap sakanilang mga panagip" muling pag sasalaysay ng aking kasintahan.
"Kung gayon, pinapayagan ko na kayong pumasok sa eskwelahan na yun ngunit." Pag putol ni Ynang Harah Patricia sa kaniyang winiwika at sandaling tumingin kay Haring Andrew "Kailangan mong pauwiin dito sa pilipinas ang pangalawa mong anak na si Drew, kailangan niyang idetalye saatin kung asan ang inyong panganay na anak na si Andrea siya lang ang bukod tanging nakakaalam kung saan naroroon si Andrea, at sa oras na matagpuan si Andrea. 'Ikaw" turo niya saakin "Ikaw" turo naman niya sa kasintahan ko "at si Drew ay papasok kayo sa paaralang iyon bilang mag aaral samantalang si Andrea papasok siya sa paaralang iyon upang maging isang guro"
Wika ni Ynang Harah Patricia "Pero ila (lola) bakit kailangan pang maging guro ng aking panganay na anak?" Tanong ni Reyna Dennise sakanyang ila "Lahat ng bagay ay may dahilan Apo, sa ngayun hindi ko muna maaaring isalaysay sainyo kung bakit ganoon ang naisip ko, Sa tamang panahon malalaman mo din ang dahilan" wika ni Ynang Harah Patricia sakanyang apo.
"Tinatapos ko na ang pag pupulong na ito , maari na kayong humayo at umuwi sa kaniya kaniya niyong tirahan" Sabi ni Ynang Harah Patricia. At lahat kaming nasasakupan niya ay tumayo at yumuko bilang tanda ng pag galang sakanya.
Nang makaalis na ang iba , ako , si Carlota, Si Reyna Dennise at ang kanyang kabyak at si Ynang Harah Patricia nalang ang naiwan.
"Andrew , tawagan mo na ang iyong anak at ipakausap mo siya kay Carlota siguraduhin mong hindi kilalang numero ang gagamitin mo upang hindi malaman ng anak mo na sayo telepono ang ginamit ni Carlota" bilin ni Ynang Harah Patricia kay Haring Andrew, may pinindot si Haring Andrew sakanya telepono at maya maya lang ay may nag salita sa loob ng Telepono na sa aking palagay ay si Drew na iyon.
"Hello? Who's this?" Wika ng nasa loob ng telepono subalit hindi ko naman ito maunawaan. "Carlota" banggit ng kasintahan ko sa kanyang pangalan , paano niya na intindihan ang wikang ginamit ng nasa loob ng telepono na nag sasalita?
"Ow. Ikaw pala, May telepono ka na pala" wika ng nasa loob ng telepono "Wala,Hindi ko pag mamay ari itong telepono na ito nakigamit lang ako. Umuwi ka dito sa Pilipinas ngayun din , Huwag ka ng mag tanong kung bakit basta umuwi kana , Susunduin kita sa -" tumigil siyang saglit at tumingin kay HaringAndrew na may isinulat at hinarap kay Carlota na ang nakalagay ay Airport, ano ang airport??
"Susunduin kita sa Airport paalam" wika ng aking kasintahan at ibinigay kay Haring Andrew ang telepono "Diwatang Carlo-" hindi na niya nayari ang kaniyang winiwika dahil may pinindot si Haring Andrew sakanyang telepono at nawala ang boses ni Drew.
"Halika na Ynang Harah Patricia , kailangan mo ng mag pahinga, mahal na hari at reyna marapat na dito nalang kayo sa tahanan ni Jeiro manirahan pansamantala sapagkat kung sa aking tirahan kayo maninirahan baka makita pa kayo ni Zofia" wika ng aking kasintahan "Si Zofia? Ang anak ni Haring Nathan at Reyna Zofi?" Pag tatanong ni Haring Andrew kay Carlota , tumango nalang ang aking kasintahan. "Paalam mahal na hari at Reyna, paalam mahal ko" saka niya niyuko ang kanyang ulo at nag simula na silang mag lakad ni Ynang Harah Patricia.
BINABASA MO ANG
Falling For A Playgirl
RandomPaano nga kaya kung mainlove ang isang goodboy sa isang playgirl?!! Magkakaroon kaya sila ng happy ending ? O masasaktan lang si boy