Arissa's POV
Grabe, simula kanina, hindi na ako makatulog. Ano nangyari? Milagro. Kiniss at hinug ako, may good morning at sorry pa. Hay. Para akong naenergize, bagong pagasa, Nagshower ako at nagpaganda. Wala lang. Magggrocery ako, pagluluto ko si Alvin. Tinitigan ko yung wedding ring tas hinalikan ko. Nababaliw na ata ako. Naalala ko yung first kiss ko,syempre si Alvin yun. On my 16th birthday.
*Flashback, 3 years ago*
Aftermath na nung party. Nagliligpit na yung banda, ako na lang nasa loob. Pumunta ako sa gitna ng venue tas umikot, ang saya ko. Nagulat ako ng biglang may kumanta ng happy birthday sa mic, nabosesan ko agad. Si Alvin! Naglakad siya papunta sa akin, ang bilis nung heartbeat ko,Alvin: "Happy Birthday, Arissa."
Yung ngiti niya, nakakamatay. Kiliiiiiiig pa rin kahit pangapat na beses na niya akong binati,
Ako: "Thank you, Alvin."
Bigla ko siyang niyakap. Oo, nagulat din ako sa ginawa ko eh. Tas bigla niyang nilagay yung mga kamay ko sa leeg niya tas nilagay nya mga kamay niya sa baywang ko. Tas unconsciously, nagstart kaming sumayaw. Natawa ako bigla.
Alvin: "Bat ka tumatawa?"
Ako: "Eh kasi wala namang tugtog. Mukha tayong ewan."
Alvin: "Wala ngang tugtog pero sumasayaw naman tayo sa heartbeat mo."Nanglaki mata ko. Weh? Naririnig ba niya talaga? Tss. Tignan mo to, tinawanan pa ako. Loko loko. Biglang sumeryoso yung mukha niya.
*Insert intense heart beat*
Alvin: "Have you had your first kiss?"
*Insert kabogkabog to the next level*
Ako: "N-no, I've n-never been kissed."
Bigla niyang nilapit yung mukha niya sakin ... then magic.
Alvin: "Not anymore."
And that whole night, until sarahan kami ng iaw, we danced with no music but only my heartbeat.
*Back to present time*
Kaya alam kong hindi masamang tao si Alvin, at kanina, feeling ko, bumalik na yung Alvin na kilala ko. Yung Alvin na minahal ko ng limang taon. Nagkaroon din naman ako ng boyfriend within those years pero pagkatapos, kay Alvin pa rin ako bumabalik. Bumaba ako at sinalubong si Nay. Alas dos na rin kasi. Naaliw siguro ako kakaisip.Ako: "Nay, may kailangan ba tayo dito sa bahay?"
Nay: "Ay wala naman, anak. Saan ka pupunta?"
Ako: "Sa grocery po. Ipagluluto ko si Alvin ng paborito niya."
Nay: "Wow, siguradong masarap yan, Anak. Sigurado ka bang okay ka lang?"
Ako: "Opo, nay. Magtataxi na lang po ako. "Day-off kasi ni Mang Felix kapag Wednesday. Pati na rin kapag Sunday. Kaya wala akong kotse, wala pa akong lisensya eh pero sanay naman ako magcommute. Ayun, umalis na ako. Sakay ng tricycle, jeep, lakad, tricycle. Pero parang hindi ako komportable. Parang may nanunuod sakin. Kaya tumalikod ako tas biglang may napansin akong lalakim siya yung kasabay ko sa trike at jeep. Natakot ako bigla. Pero naisip ko na baka mamaya, coincidence lang yun lahat. Kinabahan ako kasi hanggang supermarket sinundan niya ako. Ang haba pa ng pila. Halos tatlong oras ako nandun. Nagabang ako ng taxi perdo halos walang dumarating. Nakita ko sa gilid ng mata ko yung lalaki, nakatingin lang sa akin. Tapos unti-unting lumalapit. Bigla akong natakot. Pero medyo matao pa naman kaya kahit papano, kalmado ako.
Lord, please keep me safe. Please.
Buti na lang at mahal ako ni Lord, biglang may dumating na taxi at poof! Hindi na nakasunod yung lalaki. Nakahinga ako ng maluwag. Napatingin ako sa relo ko. 6:10 na. Sakto lang, May oras pa ako para makapagluto.
BINABASA MO ANG
Never Letting Go. (Completed with updates)
Teen Fiction[©annetamadmo] Arissa Serenity Garcia. Pinakasalan si Alvin Castellana kasi yun ang gusto ng mga tatay nila. Pero lihim na mahal niya talaga ito, simula dati pa. Eh paano kung nagpakasal nga kayo eh halos daig pa ng demonyo ang pagtrato niya sayo? S...