Chapter 13.

9.4K 123 3
                                    

Arissa's POV


"Hello princess. . "

BOOM!

Ako: "Adri-Adrian."
Adrian: "Hindi mo man lang ba ako yayakapin?"
So ayun, niyakap ko siya. Kahit na aawkwardan ako. Binitawan din niya ako.
Ako; "Kamusta ka na?"
Adrian: "Eto, okay naman. Masaya na. Ikaw?"
Ako: "Ganun pa rin. Masaya din."
Nagkangitian kami.
Adrian: "Buti naman at masaya ang prinsesa ko."

"Prinsesa ko kaya yan, . ."

Napalingon kami sa nagsalita. Sino pa ba?

"KUYAAAAAAAAAA!!!!!!!!"
"TOL!!!!!!!!!"

 Nagyakapan sila tas tumalon talon. Hahahahaha. Mukha silang. . . Napatigil sila nung tumatawa ako. Tinitigan nila akong dalawa ng masama.

"Mukha kayong bading! HAHAHAHAHAHA!"

Nagkatinginan sila. Tas tinulak nila yung isa't isa. Tawa pa rin ako.

Alvin: "Kuya, bading daw tayo. "
Adrian: "Bromance. Nandidiri ako sa ginawa natin."
Alvin: "Sino ba unang tumalon?"
Adrian: "Ikaw."
Alvin: "Sabi ko nga. Namiss kita kuya!"
Adrian: "Namiss din kita. Ikaw pa."
Alvin: "Dun tayo sa  garden, naghihintay si Papa."

Tas ayun nga, pumunta kami sa garden. Nandun si Papa, nakaupo lang, nagmamasid. Bumati ako. Tas umupo kaming lahat sa round table. 

Papa: "Aba. Kumpleto pala mga anak ko ah."
Napangiti ako. Simula pa naman dati, ramdam ko na parang anak narin ang turing sa akin ni Papa.
Adrian: "Pa, maghanda ka. Madadagdagan ka pa ng isa pang anak."
Nanlaki mga mata namin ni Alvin.
Alvin: "Kuya? You mean~"
Adrian: "Yes, I'm getting married!"
Tumayo si Alvin. Tas niyakap si Adrian.
Alvin: "Bat hindi mo sinabi sa akin?! Ni hindi ko pa nga nakikilala. Dapat maganda na yan tsaka mabait ha. Kuya, ayusin mo. Gusto ko katanggap tanggap."
Adrian: "Mas maganda nga si Sab kesa kay Arissa eh."
Ako: "HOY! ADRIAN! WALA NANG MAS GAGANDA PA SA AKIN NO! Ako na kataastaasan ng kagandahan sa balat ng lupa."
Alvin: "Kapal mo talaga, babe. Lakas ng self-confidence ah."
Ako: "So, hindi ka naniniwala, Alvin? Sige. Ganyan. Makahanap nga ng iba."
Adrian: "PATAY KA."
Alvin: "Babe naman, kahit si Anne Curtis katapat mo, kahit si Megan Fox pa, ikaw pa rin pinakamaganda."
Ako: "Gasgas na yan. For all I know, turo lang sayo yan ni Adrian."
Adrian: "Hoy, iba ang Castellana magmahal no?! We mean it when we say it."
Alvin: "Tama. Kami pa. Pag ang Castellana nagmahal, tunay."
Nagkatawanan nalang kami.
Papa: "Masaya akong makita kayong ganyan."
Ako: "Pa, pagsabihan mo nga yang mga anak mo. Mga bolero."
Papa: "Siyempre, mana yang mga yan sakin! "
Tawa nanaman kami.
Adrian: "Parang gusto ko ng Pancit Malabon."
Ako: "Gusto niyo magluto ako?"
Alvin: "Babe, wag na. Bili na lang tayo kuya. May mabibilhan naman eh."
Papa: "Sige, bumili kayo. Iwan niyo muna kami ni Arissa dito."

Nagpaalam sila. Tas kaming dalawa naman ni Papa natira.

Papa: "Arissa, anak. Salamat ha?"
Ako: "Para saan po?"
Papa: "Ngayon ko lang nakitang ganyan kasaya si Alvin. Nung mamatay kasi ang mama niya, nawalan na ng sigla ang bahay na to. Pero nang dahil sayo. . pakiramdam ko this house is really home."
Ako: "Papa naman. . '
Nakakatouch. Maiiyak ako nito eh.
Ako: "Salamat din po. Sa pagtanggap niyo. Parang kayo po ang pangalawa kong ama. Salamat po sa lahat ng tulong niyo sa pamilya ko. Sa lahat lahat po."
Papa: "Wala yun anak. Basta mangako ka lang sakin. ."
Ako: "Ano po yun?"
Papa: "Kahit anong mangyari, wag mong bibitawan si Alvin ha. Wag mong sukuan. Alam kong hindi  magiging masaya palagi. Pero sana panagutan niyo yung for better or for worse na sinumpa niyo sa altar. Sana paghugutan niyo ng lakas ang isa't isa sa oras ng panghihina. Sana maging kasiyahan niyo ang isa't isa sa oras ng kalungkutan. Sana panghabangbuhay kayo parang kami ng mama mo."
Naiyak na talaga ako.
Ako: "Opo, Papa. Pangako ko po. Tsaka papa naman! Hindi na makakahanap si Alvin ng kasingganda at kasingbait ko no!"
Tumawa nalang ako. Tas pinunasan ko yung mga luha. Lumapit ako kay Papa tas niyakap siya. Hay, nakakagaan ng pakiramdam malaman na mahal ka talaga ng father-in-law mo.. or shall I say ng papa mo. 

Alvin's POV

Naghahanap kami ni kuya ngayon ng mabibilhan ng Pancit Malabon. Sarado kasi yung malapit eh.

Ako: "Kuya, naalala mo yung araw na nangako tayong sanggang digit tayo. kahit sa pagtanda."
Kuya: "Onaman, tol. Naalala ko talaga. Bat ko naman kakalimutan diba?"

*flashback ; Alvin @ 6 years old*
Ako: "Huy, baon ko yan!" *iyak*
Bully 1: "Ano naman kung baon mo yan? Amin na yan ngayon! Ang nerd nerd mo."
Bully 2: "Lampa mo pa."
Ako: "Ayaw ko sa inyo! Kahit lampa ako at kahit mas matangkad pa kayo sakin, at least hindi ako pangit katulad niyo."
Bully 3: "Anong sabi mo?"
Hinila ako sa kwelyo. Mga buwisit na Grade 2, palibhasa Grade 1 palang ako. Iyak lang.
"Bitawan mo kapatid ko. . ."

YES! Buti nalang dumating si Kuya. Nagsitakbuhan tuloy sila. Grade 3 si Kuya, wala tuloy sila. Bleh bleh bleh bleh! Mga pangit!
"Thank you, Kuya! Da best ka talaga!" "Oo naman. Basta pagkailangan mo ko, nandito lang ako. Promise yan."
"Sanggang dikit kuya?"
"Sanggang dikit tol."
 
*back to present*


SImula non, narealize ko kung gaano ako kaswerte magkaroon ng kapatid. Sobrang tibay ng samahan namin ni Kuya, wala ng makakasira don. Lagi siyang nandyan para sakin, ganun din ako para sakanya. Basta alam kong kahit anong mangyari, meron akong pamilya. Walang iwanan kami nito. Ang swerte ko.  Hindi nagtagal. Nakabili din kami ng Pancit Malabon.

Tas bumalik kami at kumain.
Na isang pamilya.     _______________________________________________________________________  

Para to sa kapatid ko, little brother! Happy Birthday! >:D< Kala mo nakalimutan ni ate no?! Ayaw ko ng ibunyag ang pangalan niya dito. Dahil ayaw niyang ipaalam sa mga tao na araw ng kanyang kapanganakan ngayon. Salamat sa lahat, bro! Palagi kang nandyan, kahit anong mangyari. Pati kabaliwan ko, tanggap mo. Salamat! Sorry din kung pinanganak ako na may saltik. Andito lang ako para sayo palagi. Tandaan mo yan. Sanggang dikit, bro? Happy Birthday! >:D< >:D< >:D< 

Never Letting Go. (Completed with updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon