Chapter 28.

7.8K 93 9
                                    

Arissa's POV

Ang sarap ng gising ko. Hindi ko pa rin makalimutan yung kahapon. Pakiramddam ko hindi ko yung makakalimutan kasi dun ko naramdaman. . na mahal niya ako talaga. Tinakluban niya ako pauwi, niyakap ng mabuti, basang basa tuloy siya kahapon. Napatingin ako sa relo, nine na pala. Bumangon ako, naligo tas dumiretso sa baba. Walang lutong pagkain? Hmm. Luto na nga lang ng scrambled eggs. Siguro, napagod siya. Di pa gising eh. Pagkatapos ko magluto, akyat ako. Breakfast in bed para sakanya. Pasasalamat na rin. Nagenjoy ako eh.

*katok*

Ano ba yan, Arissa! Tulog nga eh. Kaya binuksan ko na lang. Nilapitan ko siya. Nakabalot ng kumot?

"Alvin?"

Binaba ko yung tray sa may dressr. Nilapitan ko siya. Para siyang namumutla. Kinapa ko yung sentido niya, ang init! Hinawakan niya yung kamay ko, nanginginig siya. Naging hysterical tuloy ako.

"Diyan ka lang."

Bumaba ako, naginit ng tubig, umakyat, pumunta ng banyo, binuksan yung medicine cabinet, kumuha ng gamot tsaka towek. bumaba ulit, kumuha ng bowl, binuhos yung mainit na tubig, nagmamadaling umakyat, dumaan ulit ng crm kinuha yung thermometer, dumaan sa kwarto, kinuha yung kumot. O diba? Superwoman daw. Kasi dapat hindi na siya nagpakahero kahapon. Yan tuloy. Ano feeling niya? Waterproof siya? Pumanta nako sa kwarto niya tapos binalot ko siya ng  kumot. Pinunasan ko yung mukha niya ng mainit na tubig. Nilagyan ko siya ng thermometer, tapos punas ulit. After a few minutes, chineck o yung thermometer, 39.6? What?! Seryoso ba to?! Sinara ko yung electric fan. Kailangan niyang mapawisan. Pinunasan ko siya ng pinunasan. Sermon na din.

Ako: "Yan kasi! Dapat hindi mo na lang ako tinakpan kahapon. Nagkasakit ka tuloy."
Alvin: "A-ano ka b-ba, bawal ka magk-magkasakit."
Ako: "Tapos ikaw pwede? Teka nga lang. "

Pinatong ko yung towel sa ulo niya. Bumaba ako tas nagmadaling gumawa ng soup. Kailangan niya kasi ng laman tiyan bago ko siya painumin ng gamot/ Umakyat ako.

Ako: "Upo, dahan dahan."
Inalalayan ko siya. Tapos sinubuan ko. Napailing.
Ako: "Ay, mainit? Sorry."
Hinipan ko muna bago ko siya sinubuan.
Alvin: "T-thank y-you, babe."
Ako: "Porket may sakit ka. Hmp."

Hanggang sa naubos niya. Pinainom ko siya ng tubig, gamot tas tubig ulit. Pinahiga ko siya tapos pinunasan ko siya ng pinunasan. Kumuha ako ng t-shirt tapos pinaupo ko ulit siya.

Ako: "Dali, papalitan kita ng damit." *pikit*
Alvin: "Bat ka pa pipikit eh pinagnanasaan mo naman ako? Ah, siguro. Namiss mo abs ko no?! Wala siguro si Jacob no?!"

Dun ko lang naisip. . .si JACOB! Grabe, dalawang araw ko ng hindi nakakausap. Grabe. Anong klaseng girlfriend ako? Hindi ko pa nachcheck yung phone ko. Kaso may lagnat pa to. Kailangan muna mawala. Pinunasan ko ng pinunasan. Hanggang sa nakatulog siya. Bumaba na rin yung lagnat niya. Pagkatapos nun, nagmadali akong pumasok ng kwarto ko para makuha yung phone ko 

13 missed calls. Lahat si Jacob pwera na lang kay Jane. Paano ba naman eh ikakasal na yun in four days, di pa ako nagaappear.

Tinawagan ko si Jacob. . sinagot niya. Pero hindi siya nagsasalita.

Ako: "Love. "
Jacob: "Hmm?"
Ako: "Sorry."
Jacob: "Hindi ka lang naman tumawag ng dalawang araw. Nangako ka kayang araw araw mo akong tatawagan."
Ako: "Sorry. Kasi si Alvin . . nilalagnat.. hindi ko naman maiwa~"
Jacob: "Ah. Osige. Usap na lang tayo pag kaya mo na siyang iwan."

Binabaan ba naman ako. Ano ba yan. Konsensya na ako. Tanga tanga mo talaga, Arissa. Bat mo ba kasi inaalagaan yun? Porket  .. hay. Ano ba naman to. JAKE SORRY NAAAAA! Tinry ko siyang tawagan ulit. Tinext ko pa ng napakadaming sorry kaso wala parin. Bumalik na lang ako sa kwarto ni Alvin, ng dala dala yung phone ko. Babantayan ko. Baka mamaya, gumalaw nanaman to at mabinat pa. Pinunasan ko. Check din ng phone, paminsan minsan. Pero wala parin. Narealize ko na kailangan ko rin ayusin tong utak ko. Sino ba kasi? Ano ba kasi. 

Umilaw yung cellphone ko. Akala ko si Jake. . si Jane pala.
Lumabas ako ng kwarto. 

Ako: "Oh?"
Jane: "Anong oh?! Apat na araw na lang ikakasal na ako, ang galing mong maid of honor teh! Salamat talaga sa suporta!"
Ako: "Nasa bahay ako."
Jane: "Wala kaya. Dumaan ako kahapon . ."
Ako: "Namin ni Alvin."
Jane: "WAHH - WHAT? Bat di mo sinabi sakin akala ko ba naman jdabfkldhjskldhf; dshaj f"
Ako: "Hindi kita maintindihan. Chill lang. Nandito ako. Sabi niya, pipirmahan niya yung papeles. Basta, two weeks ko siyang kasama. Don't worry, dadating ako sa kasal mo. At oo, si Jacob pa rin ang partner ko. Kaso galit eh."
Jane: "Ano bang ginawa mo?"
Ako: "Kasi lumabas kami ni Alvin kahapon, dala niya yung bag ko kaya hindi ko magalaw phone ko. Tapos ngayon, nilagnat. Hindi ko tuloy nasagot yung mga tawag niya. Nakalimutan ko~ "
Jane: "GAGA KA BA?!"
Ako: "ARAY NAMAN."
Jane; "Grabe ka naman teh. Boyfriend mo yung tao. Mapapangasawa mo pa nga. Tapos natitiis mo ng hindi nakakausap ng dalawang araw para dun sa asawa mo. NAKALIMUTAN MO SIYANG KAUSAPIN? Teh, kung mahal mo siya, hindi mo yun makakalimutan."
Ako; "Mahal ko naman siya eh."
Jane: "Teh, ganyan na ba magmahal ngayon?! Kung ganyan na, wala ng magtatagal."
Ako: "Mahal ko siya talaga kaso. . "
Jane: "Mas mahal mo yung isa?"
Ako: "Ano ba yan. Pssh. Tama na nga. Andrama naman nito. Sige na. Bye."
Jane: "Wag mong takasa~"

Binabaan ko na. Bakit ba? Hindi. Mahal ko si Jacob. Mahal ko si Jacob. Mahal ko si Jacob.

Mahal ko nga ba?

Alvin's POV

Nagising ako ng magaan yung pakiramdam ko. Hmm. Magaling na ako? Galing kasi ng nurse ko eh. Hinanap ko siya. Tapos nakita ko yung pagkain dun sa may pinto. Di pa siya kumakain? Bumaba ako para hanapin siya. Wala? Nasaan kaya yun? Wala naman sa kwarto niya. Tapos nakita ko siya dun sa may garden. Nakaupo.

Ako: "Lalim ng iniisip ah."

Napalingon siya sakin.

Arissa: "Okay ka na ba? Bat ka tumayo? Ano ba~"
Ako: "Okay na ako. Salamat ha."

Tinabihan ko siya.

Ako: "Ano bang iniisip mo?"
Arissa: "Wala lang. Buhay ko. Mga bagay bagay."
Ako: "Natatakot ako."
Arissa: *napatingin* "Natatakot na ano?"
Ako: "Na matapos tong dalawang linggo."
Arissa: "Gago ka kasi eh."

Nagulat ako nung nakita kong umiiyak na siya. Nanlaki mata ko. Inakbayan ko na lang siya.

Ako: "Sorry. Sorry talaga. Kinailangan kong ~"
Arissa: "Kinailangan mong pumili. Gets ko naman eh. Pero dapat pinaalam mo man lang. Alam mo ba? Nung dalawang taon na yun? Wala akong ginawa kundi isumpa at kamuhian ka?"
Ako: "Nung dalawang taon na yun, wala akong ginawa kundi isipin at mahalin ka."
Arissa:"Ewan ko ba. Bat ba ko naiyak?"

Pinunasan niya yung mga luha niya tapos .. silence.

Ako: "Aalis tayo bukas ha?"
Arissa: "Megamall ulit?"
Ako: "Oo. Game ha." 
Arissa: "Onga pala. Kasal ni Jane sa sabado. Alis ako dito ng Friday."
Ako: "Basta ba babalik ka."
Arissa: "Hindi pa naman tapos usapan diba?"
Ako: "Hm. Tara na, kain na tayo."

Tapos yun, kumain kami. Pero seryoso, natatakot talaga ako. Takot na takot.


Jacob's POV 

Kakatapos lang ng meeting. Miss ko na si Arissa. Miss na miss. Sobrang miss.  Mas matindi pa ata dun. Chineck ko yung phone ko. Puro sorry at missed calls. Napangiti ako. Hindi ko rin naman siya matitiis eh. 

*tawag*

Hindi sumasagot?

*tawag ulit*

Wala pa rin. .

*tawag pa*

Wala talaga. .

At don, don ko nakumpirma. Na .. totoo nga. Na tama nga yung hinala ko.
Pero alam mo, masakit na. Ang sakit sakit na talaga. Pero anong magagawa ko? Mahal ko eh.
At least, kami pa.

Pero may takot ako na baka bukas, paggising ko. . .

hindi na.

Kasi sa totoo lang. . .nawawala na siya.

At kahit ano pang kapit ko sa kanya, walang magagawa kasi baka. . .

baka hindi talaga ako yung mahal niya.  

Never Letting Go. (Completed with updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon