Arissa's POV
Nitong huling anim na araw. Wala na ako naging kasing saya. Kasi alam mo yung tipong, hindi kami mapaghiwalay ni Alvin. Oo nga, pumupunta siya sa trabaho pero alam mo yung kahit nasa opisina siya tinatawagan niya ako. Nakakakilig talaga.
Pagdilat ko ng mata ko, may note. Galing kay Alvin.
"Babe, I just went somewhere. I'll be back. i love you."
Haaayy, Kilig nanaman ako. Sa lahat naman ata ng ginagawa ni Alvin, kinikilig ako eh. Heehee. Umupo ako tas chineck ko yung cellphone ko. Nakita ko yung date. Hala. Birthday ko pala. Ahee. Kaya siguro umalis si Alvin no?! May surprise para sa akin. Kilig naman ako masyado.
16 messages.
Una, siyempre, kay Papa.
"Happy Birthday, baby! Twenty ka na, twenty three pa rin si Papa. Hahaha. I miss you, anak! Nandito lang ako palagi. I love you."
Sweeeeeeeet. Natawa naman ako dun sa twenty three. Si Papa talaga.
Pangalawa, si Jane.
"Bruhitaaaaa! Matanda ka na! Pero siyempre maganda pa rin, parang ako lang ikaw eh. Hahaha. Happy araw ng kapanganakan! Magpakita ka ha! I love you! Mwah mwah!"
Makabruhita naman to. Hahaha. Swerte ko talaga may gaga akong best friend.
Pangatlo. si Jacob.
"Serena! Happy happy birthday! Be happy and stay happy. See you! I love you."
ANO DAW? Hay nako, Jacob! Ano bang gagawin ko sayo? Tsaka, maka see you ka dyan ah!
Pangapat, si Adrian.
"Princess, happy birthday! San tayo ngayon? Dali, habang nandito ako sa Pilipinas. Sulitin na natin. Stay happy with Alvin. Wish you the best!"
Sweet talaga ni kuya oh! Hahaha. Makakuya naman ako eh parang di ko ex eh. Hahahaha.
Panglima, si Ate Alicia.
"Happy Birthday, pretty cousin! Anong gusto mong regalo? Make-up? Sabihin mo lang. Hahaha. Love you! "
Palibhasa make-up artist. Jusko naman ate. Dalawang christmas at dalawang birthday, make-up ang regalo mo sakin. Di na ako nasanay. Hahahaha.
Tas yung iba mga kaibigan ko na nung college.
Akalain niyo yun? May nakakaalala pala sa birthday ko? Touch naman ako. Ano kaya yung surprise ni Alvin? Hehehe. Siguro, main event yun nang araw ko today. Naligo ako tas bumaba. Nanlaki yung mata ko nung makita ko yung dining table.
Ako: "Nay, bat ang daming pagkain?"
Nay: "Eh birthday mo eh, sayo yan lahat."
Ako: "Ayieeeeeeee! Thank you, nay." *yakap*
Nay: "Siyempre, di ko makakalimutan birthday ng anak ko no?!"Tas ayun kumain ako. Ng madaming madami.
Ako: "Thank you, nay! Solve na solve ako dun ah."
Nay: "Wala yun, anak! Wala ka bang lakad ngayon?"
Ako: "Siguro, makikipagkita ako kay Jane tas daan kami kay Papa."
Nay: "Mabuti yan. "
Ako: "Nay, san nagpunta si Alvin?"
Nay: "Ewan ko nga eh. Madaling madali siya eh."Ahhh, siguro, nireready pa niya yung surprise ko. Aheeheee.
Ako: "Sige, nay. Bihis lang ako ng pangalis."
Umakyat ako at nagbihis. Tinawagan ko si Jane.
Ako: "Hoy! Babae! Kita tayo sa mall! Usual spot, tas daan tayo kay Papa."
Jane: "Hindi man lang ako hinayaang bumati ng happy birthday? Hahaha! Sige, see you there."
BINABASA MO ANG
Never Letting Go. (Completed with updates)
Teen Fiction[©annetamadmo] Arissa Serenity Garcia. Pinakasalan si Alvin Castellana kasi yun ang gusto ng mga tatay nila. Pero lihim na mahal niya talaga ito, simula dati pa. Eh paano kung nagpakasal nga kayo eh halos daig pa ng demonyo ang pagtrato niya sayo? S...