Chapter 9.

11.1K 162 8
                                    

Alvin's POV


Naasar ako. Ganito posisyon namin sa kotse.
Jacob na ngiting ngiti - Arissa na feel na feel - Akong buwisit na buwisit.
Wala na atang kasing epal ni Jacob. Siya yung kaagaw ko sa lahat ng bagay. Sa  business, sige, kompanya na niya una. Pero hinding hindi talaga ako papayag na pati asawa ko, maagaw niya. 

Jacob: "Bakit ang tahimik?"
Ako: "Kasi nandito ka."
Arissa: *hinampas ako* "Hindi naman. Tahimik lang talaga si Alvin. Nahawa lang ako."
Jacob: "Wag ka na mahawa. Laro na lang tayong truth or dare."
Arissa: "Sige, sige! Masaya yan. Sama ka, Alvin?" *sabay lingon sakin*
Ako: "Ayoko."
Jacob: "Sige, sabi mo eh. "
Arissa: "Eh wala namang bote eh."
Jacob: "Since dalawa lang tayo, toss coin na lang."
Arissa: "Sige, sige. Game! Heads ako."

Manonood na lang ako. Nagflip na ng coin si Jacob. Heads yung lumabas.

Jacob: "Truth or dare, Serena?
Arissa: "Truth."
Jacob: "Nakailang boyfriend ka ba?"

Napatingin ako kay Arissa. Oo nga no?! Nakailang boyfriend na nga ba siya? Bukod sa akin?

Arissa: "Kasama si Alvin?"
Ako: "So, hindi mo ako cinoconsider na boyfriend?"  *tinaasan ko siya ng kilay*
Jacob: "Kasama si Alvin."
Arissa: "Dalawa."
Jacob at ako nagkasabay: "Dalawa lang?"
Arissa : "Ay, ganun? Hindi ba kayo maniwala? Dahil sa ganda kong to? Hahaha. Sorry, choosy kasi ako eh. Kaya swerte ka, Alvin." 
Ako: "Sus. Ikaw, maganda? Ako, swerte? Hindi at hindi."
Jacob: "Oo. ang ganda mo kasi eh."
Arissa: "Yan gusto ko sayo Jacob eh. Hindi ka natatakot magsabi ng totoo."

Naramdaman kong siniko ako ni Arissa. Bat ako pinapatamaan nito? Ano nanaman gustong iparating nito? Sinasabi ko naman kung anong gusto kong sabihin ah.

Jacob: "Si Alvin yung isa, sino yung isa?"
Arissa: "Hep hep hep! Isang truth lang yun. So, isang tanong lang. Ulit na, Tails naman ako."

Sino nga kaya yung isa? Nakakacurious. Ni hindi ko nga alam na nagkaboyfriend pala siya bukod sakin? Ayos pala magtago to eh. Sa bagay, ako naman nagsabi sa kanya na dapat walang nakakaalam.  Hmm. Sino ba talaga? Nagflip ulit si Jacob. Swerte ko, tails yung lumabas.

Arissa: "Dinadaya mo ata ako eh."
Jacob: "Eh kitang kita mo naman yung ginagawa ko diba? Truth or dare?"
Arissa: "Dare naman. Alam ko na kasi itatanong mo eh."
Jacob: "Sige, kiss mo ko sa cheeks."

Nanlaki mata ko. Hindi na ako papayag nito.

Ako: "NO. Hindi pwede."
Jacob: "Bakit naman?"
Ako: "Asawa ako eh. "
Jacob: "Osige na. Oo na. Nauna ka lang eh."
Ako: "Nauna talaga ako. At wala ng pangalawa at pangatlo, ako lang."
Arissa: "Huy, ano ba yan. Tama na nga kayong dalawa."
Ako: "Just to make things clear. No physical contact. No sweet nothings."
Arissa: "Naks, ang possessive ng asawa ko."
Jacob: "Asawa kuno."
Ako: "Anong sabi mo?"
Arissa: "Uy, tama na yan. Alvin." *tinignan ako ng masama*

Oo na. Mananahimik na. Asawa kuno? ASAWA NIYA TALAGA AKO. Naiinggit lang to.

Arissa: "Oh. Ano nang dare mo, Jake?"
Jacob: "Next time na magkita tayo, magdadala ako. kumain ka ng melon."
Arissa: "Alam mo namang ayaw ko nun eh!"
Jacob: "Yun nga yun eh. Alangan namang magdare ako ng madali lang gawin?"

Ayaw pala niya ng Melon? Hmm. Ngayon ko lang nalaman yun ah.

Arissa: "Osige na, sige na. Magdala ka ng melon, pero lasang mangga."
Jacob: "Pwede ba yun?"
Arissa: "Ah basta. Hahaha. Game. Isa pa. Tails pa rin."
Jacob: *nagflip* "Tails pa rin eh. "
Arissa: "Ang daya daya mo."
Jacob: "Truth or dare."
Arissa: "Dare."
Jacob: "Ayaw mo talaga ipaalam yung isa mong boyfriend ah."
Arissa: "Dali, sabihin mo na lang."
Jacob: "Next next time na magkita tayo, tugtugin tsaka kantahin mo yung favorite song ko sa piano."
Arissa: "Ehhhh..'
Jacob: "Bakit? Nahihiya ka sa boses mo? Maganda kaya."
Arissa: "Ehhhh naman eh."
Jacob: "Ako na bahala sa sheet music."
Arissa: "Sige na nga. "

Nagppiano pala siya? Kumakanta pa? Di ko alam yun eh. Tuloy tuloy silang naglaro hanggang sa nakauwi kami. Natutunan ko na ayaw ni Arissa ng melon, nagppiano at kumakanta siya, hindi siya marunong magbike pero gusto niya matuto, ayaw niya sa mga pusa kasi nung bata siya kinalmot siya,  isang beses palang siya nagheheels  at yun nung sweet 16 niya. 

Walang ibang tumakbo sa isip ko kung hindi.. Kakain ng melon si Arissa, tutugtog ng piano, kakanta, matututo magbike, hahawak sa pusa at magheels ... ng si Jacob ang kasama niya. Kaya natanong ko sa sarili ko... karapatdapat nga ba akong tawaging asawa niya? Kung ang isang taong ilang araw palang niyang nakikilala.. mas kilala siya kesa sa sariling 'asawa' niya?

Arissa's POV 

Nagenjoy naman ako sa Batangas. Kahit nastress ako ng bonggang bongga. Naramdaman ko kasi sa Batangas na kahit papaano, may pakialam pala sa akin si Alvin. Dahil sakin napilitan siya manood ng mga kilig movies . . 

*flashback; habang nanonood ng dvd sa hotel room*

Alvin: "Babe, x-men?"
Ako: "Ayaw ko niyan."
Alvin: "Iron man 2?"
Ako: "Ayaw ko din niyan."
Alvin: "Eh anong gusto mo?"
Ako: "Babe, I love you."
Alvin: "Ikaw ah." *nilapitan ako tas niyakap*
Ako: "Abnoy, yung movie kasi ni Anne Curtis tsaka ni Sam Milby"
Alvin: "Eh ayaw ko naman nun."
Ako: "Sige na, please."
Alvin: "Fine, para sayo."

Tas maya maya.. habang nanonood. Magkatabi kami under the comforter. 

Ako: "Ay, gusto ko ng ganyang dress!"
Alvin: "Bawal. Wag ka magsusuot ng ganyan ng hindi mo ko kasama."
Ako: "Eh? Bakit?"
Alvin: "Ang ikli ikli kaya oh. Basta kung magpapaganda ka, gusto ko ako lang kasama mo."
Ako: "Magpapaganda? So, hindi ako maganda?"
Alvin: "Magpapaganda lalo. Ayan, masaya ka na? Manood ka na lang."
Ako: *ngisi sa kilig tas ninakawan ko ng halik sa pisngi* 
Alvin: *tumingin sakin tas ngumisi* Madaya ka. *hinalikan ako sa pisngi* ganti lang yan.

*back to present*

Sarap ng ligo ko, nakakarefresh. Pumunta ako sa may dresser, tas nagsuklay. Kumakanta na din.

"Please believe that it's true. Babe, i love youuuuuu~"

Kinikilig ako. Ang cute kasi ni Alvin kanina. Yung itsura niya, mas nacarried away pa siya kesa sakin eh. Nakakatuwa talaga. Hay Alvin Castellana, sana ganyan ka na lang habangbuhay.Kaso...sabi mo, in four months, iiwan din kita. Nagtoothbrush ako tas humiga na sa kama.  

Nagulat ako ng pumasok si Alvin sa kwarto ng may dalawang unan. Napaupo ako.

Ako: "Anong ginagawa mo?"
Alvin: "Obvious ba? Tatabi sayo?"
Ako: "Bakit? Diba sabi mo sa kontrata~"
Alvin: "The contract is now void. "
Ako: "Ha? Bakit mo ba kasi gustong tumabi?"
Alvin: "Ayaw mo?"
Ako: "Hindi naman sa ganon. Kaso ~"
Alvin: "Diba, pinangako ko sayo? Na kada pagpikit mo ng mata mo sa pagtulog, nandun ako, nagbabantay sayo."
Ako: *hindi na nakapagsalita sa kilig*

Tinabihan niya ako. Tas niyakap. Ang sarap naman ng ganito.

Ako: "Birthday pala ni Ate Alicia bukas no? Sasama ka ba?"
Alvin: "Ay, oo nga pala.  Siyempre, sasama ako. nakakahiya naman pag hindi."
Ako: "So, paano?"
Alvin: "Sunduin na lang kita. Ako na magddrive papunta kila Ate."
Ako: "Oh sige, good night. "
Alvin: *pabulong* "Wag ka na mananaginip ng masama ha? Andito na ako. Good night."

Nako, kung ganito ba naman eh. Hinding hindi na ako magkakabad dreams kahit kailan.

Never Letting Go. (Completed with updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon