Arissa's POV
Nasa kotse ako ngayon. Hinihintay si Alvin, may naiwan daw siya sa bahay eh. Magmemegamall daw kami ngayon eh. Tinatawagan ko si Jacob. Nahihirapan na ako. Sobra. Buti sana yung pinapadecide nila sakin, pangbukas lang eh. Pero panghabang buhay to. At alam ko, sa sarili ko, na hindi ko kayang masaktan si Jacob. Hindi kakayanin yun ng loob ko. Siya, hindi niya ako sinaktan. Not once. Hindi niya ako pinabayaan, Siya lang yung nandyan nung nawala lahat sakin. Hinding hindi ko siya kayang saktan. At hindi ko kakayanin na masayang lahat ng pinagsamahan namin dahil sa kaselfish an ko.
*tawag*
Wala. Di sinasagot.
*tawag ulit*
Wala pa rin.
*tawag pa*
Wala din.
Talaga bang hindi na niya ako mapapatawad?
Jacob's POV
"Kuya, alam mo .. minsan para kang tanga. Sagutin mo kaya yang telepono mo. Kanina pa tumatawag si Ate, hindi yung nagmumukmok ka dyan. Kulang na lang, umulan tapos pwede ka ng pangmusic video. "
Napangiti naman ako sa huling sinabi ni Janna. Pero nawala din bigla.
"Pabayaan mo na. Okay lang naman ako."
"Okay daw? Nako, kuya! Gasgas na yan. Ganyan din ako magdrama dati. Ano bang problema?"
Medyo natatawa ako kasi parang patay gutom siya. Andaming popcorn sa bibig.
"Wala naman kaming problema. "
"Eh bat ayaw mo sagutin?"
"Sinasanay ko lang yung sarili ko. "
"Sinasanay na ano?"
"Na wala siya. Alam ko namang hindi ako pero sana makaya ko. At masabi ko sa sarili kong. . magiging okay din ako."
"ANO BA YAN, KUYA. Sige na, pumasok ka na sa loob ng laptop, diyan ka na. Samahan mo na si Daniel tsaka Katerina. Lipat mo na nga yan. Bawal sayo manood ng Walang Hanggan. Masama epekto sayo. Spongebob na lang. "
Napatawa nalang ako. Inakbayan ko siya tas kumuha ng isang dangkal ng popcorn. Nanonood kasi kami ng replay ng Walang Hanggan ngayon kasi hindi niya napanood kagabi.
"KUYA NAMAN EH. Pssh. Pero seryoso, kuya, kinaya mo mabuhay ng dalawampu't isang taon na wala siya noon, kakayanin mong mabuhay ng wala siya kahit ngayon. Mahirap kuya pero hindi imposible. At nandito lang naman ako para sayo. Pakilala pa kita sa mga chicas kong friends eh."
Ginulo ko yung buhok ko. Ang swerte ko sa kapatid ko. Hahahaha. Kahit baliw to.
"Thank you, bubwit."
"Wag na yan! Uy, in fairness, nahirapan ako sabihin yung dalawampu't isa ha. HAHAHA"
"Nood na nga tayo."
Siguro nga, kakayanin ko din naman. Pero sa ngayon, hindi ko pa kaya.
Hindi ko pa kayang talikuran yung katotohanan na hindi niya ako mahal at kahit ganon, mahal na mahal na mahal na mahal ko pa rin siya.
Arissa's POV
McDonalds kami ulit. YAY!
Ako: "Buti naman hindi madami inorder mo ngayon."
Alvin: "Andami mong nakain kanina eh."
Ako: "Nagrereklamo ka?"
Alvin: "Hindi, tuwa nga ako na nagustuhan mo luto ko eh."
BINABASA MO ANG
Never Letting Go. (Completed with updates)
Teen Fiction[©annetamadmo] Arissa Serenity Garcia. Pinakasalan si Alvin Castellana kasi yun ang gusto ng mga tatay nila. Pero lihim na mahal niya talaga ito, simula dati pa. Eh paano kung nagpakasal nga kayo eh halos daig pa ng demonyo ang pagtrato niya sayo? S...