Chapter 10.

12.3K 161 4
                                    

Arissa's POV

Ako: "Jane ah! Makahila ka talaga ng buhok!"

Nasa mall kami. Bibili kami ng damit para sa party ni Ate Alicia, syempre invited din siya.  

Jane: "Walang hiya ka kasi! Isang linggo palang tayong hindi nagkikita, ang dami nang nangyari sa buhay mo. At si Jacob Yñiguez pa talaga ang lalaki mo ah!"
Ako: "Eto talaga. Hindi ko siya lalaki. Baliw ka talaga. Kamusta na kayo ni Paolo mo?"
Jane: "Going strong. Pero, teka, wag mo ibaligtad yung usapan. Tumatapang ka na, teh. Um-aannul ka na. Kahit alam naman nating di mo kayang gawin. "
Ako: "Kakailanganin ko ngang gawin eh.. in four months."
Jane: "Hindi ka ba talaga niya mahal?"
Ako: "H-hindi ko alam. Pero nitong huli, pakiramdam ko. . mahal niya ata ako."
Jane: "Eh ayun naman pala eh. '
Ako: "Pero may parte sakin na nagsasabi na.. ginagawa niya lang to para hindi ko siya iwan. para kay Papa. para hindi siya mapasama. para sa sarili niya."
Jane: "Ang hirap naman kasi niyan eh. "
Ako: "Mahirap. Hindi ko nga alam kung kaya ko pa eh."
Jane: "Kayanin mo teh. Basta nandito lang naman ako eh."
Ako: "Thank you. Kahit baliw baliw ka lagi."
Jane: "Huy, kaya mo ako minahal kasi baliw ako."
Ako: "Tara na nga. "
Jane: "Pero teka, yung Jacob. . gusto mo ba siya?"
Ako: "Magaan pakiramdam ko kay Jacob. Alam mo yung feeling na parang ang tagal tagal na naming magkakilala? Para bang destiny? Parang soulmates?"
Jane: "Pero ano? Alam kong may pero yan eh. ."
Ako: "Pero, iba pa rin si Alvin. "
Jane: "Tara na nga, maghanap na lang tayo ng damit. Baka mamaya, maiyak ka pa diyan."

Nakapili din kami ng damit. Umuwi muna ako, magkikita din kami mamaya. Biglang.. gusto kong umiyak. Wala, ewan ko. Eto na ba yung sinasabi ni Jovit na too much love will kill you? Masyado kong mahal si Alvin. Masyadong sobra. Masyado na nga, sobra pa. Ramdam ko paminsan na mahal niya ako pero hindi ko maiwasang magduda.. kung totoo ba? At sa kabila naman, nandyan si Jacob. Si Jacob na palaging nandyan kapag wala si Alvin, si Jacob na ginagawa lahat para mapangiti lang ako kapag hindi magawa ni Alvin, si Jacob na yumayakap sakin kapag umiiyak ako ng dahil kay Alvin. Nararamdaman ko talagang mahal ako ni Jacob, minsan iniisip ko na matututunan ko din siyang mahalin kapag tapos na ang apat na buwan na palugid ni Alvin. Pero ayaw kong gawin yun, ayaw kong gamitin siya.. ayaw kong saktan siya. 

*kaninang umaga*

Ako: "Oh Jacob, napatawag ka?"
Jacob: "I woke up today and thought of you."
Ako: "Hmm. Ayan ka na naman."
Jacob: "Hindi ko mapigilan eh. Siguro nga nababaliw na ako. Pero minsan nararamdaman ko talaga na ikaw na yung para sakin, na matagal na kitang kilala, na baka ikaw na nga.."
Ako: "Jacob. . kasal na nga ako diba?"
Jacob: "Alam ko namang mahal mo siya. Bat ka magtitiis ng ganyan diba? Kung hindi mo naman siya mahal? Tsaka nakikita ko yung mga tingin mo sakanya.. alam mo ba, ganun kita tinitignan? Ang weird. kasi kailan ka lang dumating sa buhay ko, ganito na epekto mo sakin. Nasasaktan mo na ako agad. Hahaha. Ganun ba talaga kapag nainlove ng sobra? Ikaw kasi eh. Nakilala pa kita, tuloy. Kung ano ano sinasabi ko. Wala naman akong hinihinging kapalit. Hayaan mo lang ako dahil alam ko namang hanggang dito nalang ako."

Ayaw ko ng ganito siya. Naiiyak ako.

Ako: "Jacob naman eh. . "
Jacob: "Sige, ngiti ka buong araw ha! Bye!"

*binaba niya yung phone*

Nakonsensiya ako. Nasasaktan siya.. nasasaktan na siya. Paano na ba to? Alam ko yung nararamdaman niya. Kasi yung sakit na alam mong hanggang diyan ka nalang.. yun yung nararamdaman ko kay Alvin. Hanggang asawa lang ako, hindi na aabot ng mahal. 

*back to the present time*

Hay. Naiiyak na naman ako. Bat ba ganito? Biglang naging emotional. Ang abnormal ko din eh no? Minsan kalog, tas minsan ganito. Pasensya na. Hindi ko lang talaga kaya. Nakita ko yung orasan. Magfifive na pala. Kailangan ko ng magayos. Baka dumating na sila Alvin. 6:30 pala yung party. Natapos ako magayos ng six. Kinuha ko yung regalo ko kay Ate Leesh tas bumaba ako para intayin si Alvin. Nandun ako sa sala, nagiisip.

Never Letting Go. (Completed with updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon