Arissa's POV"Wala na naman si Papa, why pretend?"
At dun, napaiyak ako ng wala sa oras.
Ako: "Babe, ano ba to? Hindi to magandang biro."
Alvin: "Hindi ako nagbibiro. I want an annulment."
Ako: "Bakit?"
Pumipiyok na yung boses ko.
Alvin: "Anong bakit? In the first place, we never really loved each other. Tsaka, you wanted this first. Ayaw mo nun? You can go to Jacob. Come on, Arissa. Don't tell me you thought that this could actually work?"Every word that he says.. every word is equal to one stab in the heart.
Ako: "I loved you. I love you. At hindi si Jacob ang mahal ko. Ikaw!"
Alvin: "Well, I'm sorry kung napaasa kita. Diba I told you that I was doing it for Papa? Since wala na siya, ayaw ko na. Sorry na lang sayo."
Ako: "Ganito lang ba kadali sayo lahat?"
Alvin: "This marriage means nothing to me."This marriage means nothing to me.
This marriage means nothing to me.Paulit ulit yung mga salitang yun sakin. Ang sakit sakit. Ang sakit palang marinig.
Ako: "Nothing?"
Alvin: "Nothing at all."TInignan ko yung mukha niya. How can he remain so emotionless when my world is falling apart? He's breaking of our marriage. OUR. But why does it seem like it's just mine? Iyak lang ako ng iyak habang siya, nakatitig lang sakin.
Ako: "Alvin, tignan mo ko sa mata at sabihin mong hindi mo ako mahal, pagbibigyan kita. "
Napatigil siya dun sa sinabi ko. Ilang minuto din siyang tumayo ng hindi halos gumagalaw. Nang biglang tinignan niya ako sa mata..
"I don't love you. . . and I never did. "
Pagkasabi niya nun, napayuko ako. Tsaka humagulgol. He never did. NEVER. Hindi niya ako minahal, ni minsan hindi. Lahat lang to pagkukunwari? Ano ba namang klaseng buhay to? Bakit ba ako na lang palaging kawawa? Bakit ba ganito na lang palagi eksena? Kung kailan ako magiging masaya, babawiin naman lahat? Ang galing naman na pagkukunwari yun, napaniwala ako. Ang sarap magwala, ang sarap niyang hampasin, ang sarap mamatay! Pero alam ko namang pag ginawa ko yung mga yun, walang magbabago. Kasi... kagaya nga ng sinabi niya...
Ni minsan hindi niya ako minahal.
Alvin: "Okay na? Kung okay na, pirmahan mo na to."
May kinuha siya dun sa briefcase niya. Annulment papers? Agad? Kating kati na ba talaga siyang hiwalayan ako, ha? Seryoso na ba talaga? Sana panaginip lang, kasi kung panaginip to, kailangan ko ng gumising ngayon. Kinuha ko yung ballpen. Tinignan ko muna siya. Wala talaga, wala ni kahit konting awa, pagmamahal, galit, konsensiya, wala. Wala. Pusong bato. Walang kwenta. Walang hiya. Gago. Gago. Gago ka, Alvin Castellana. Bakit ba minahal pa kita?
Alvin: "Ano, pipirmahan mo ba?"
Tas pinirmahan ko na. Kahit sobrang labag sa loob ko.
Alvin: "Ayan, salamat."
Nginitian pa niya ako. Nakakangiti pa siya sa ganitong sitwasyon. Samantalang ako, halos mamatay na sa kakaiyak sa harap niya tapos siya ngingiti lang?
Alvin: "I'm giving you til tomorrow to move out. Sorry ha. Nadamay ka pa. Sorry ulit. Sana maging masaya kayo ni Jacob. Magiging masaya din kami."
KAMI?! Akala ko ba.. ako? Ha? Akala ko ba ako lang? Akala ko ba ako yung true love mo? Akala ko ba walang iwanan?
Umakyat na siya tas naiwan ako dun, nakaluhod habang umiiyak. Hindi ako makapaniwala..
Talaga bang lahat ng to.. kasinungalingan?!
Alvin's POV
Nagmadali akong umakyat at doon ako umiyak.
"Sorry, babe. Kailangan ko tong gawin. Sorry. Sorry kung nasaktan kita. Sana mapatawad mo pa ako. Hindi man ngayon, pero sana mapatawad mo ko. Sorry. Babe. Mahal na mahal kita. Sobra sobra. Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Pero kailangan ko tong gawin. . .
para kay Papa. "
*flashback ; conference room*
"Alvin . . " - "Mr. Villanueva."
Nagulat ako.
Ako: "Sir, kayo po ang-?"
Mr. Villanueva: "Ako nga. Ako nga ang silent partner ng international investor niyo."
Ako: "Bakit po kayo nagpull out? Hindi po makakaandar ang kompanya."
Mr. Villanueva: "BAKIT AKO NAGPULL OUT?! TINATANONG MO TALAGA YAN?!"Naalarma ako nung magtaas siya ng boses.
Mr. Villanueva: "Gago ka ba talaga, ha Alvin Castellana?! Pagkatapos ng ginawa para sayo ng anak ko? Ganun lang gagawin mo sa kanya? Ha? Lalaki ka ba? Porket Castellana ka? Ganyan ka na?"
Ako: "Sir, hindi niyo po dapat hinalo ang negosyo sa personal na mga bagay."
Mr. Villanueva: "Sino ka ba para lecturan ako? Iyak ng iyak ngayon yung anak ko! Ang kapal din ng mukha mo."
Ako: "Sorry, sir. But that's what I had to do."
Mr. Villanueva: "Sorry din sa pagpull out ng stocks. But that's what I had to."Tumayo na siya, pinigilan ko.
Ako: "Sir, ano po bang gusto niyong gawin ko?"
Mr. Villanueva: "Yan ang gusto ko sayo, Alvin eh. Mautak ka. Alam ko namang hindi makakaandar ang kompanya niyo ng wala kami. "
Ako: "Ano nga po?"
Mr. Villanueva: "Marry my daughter."
Ako: "WHAT?!"
Mr. Villanueva: "I said, marry my daughter."
Ako: "But sir, I'm already married."
Mr. Villanueva: "I know."
Ako: :"Sir, you're asking for too much."
Mr.Villanueva: "You, too, Alvin. You're asking for too much."Naglakad siya papunta sa pintuan.
Mr. Villanueva: "I'll give you til tomorrow to decide. Kapag pumayag, agad agad, ibabalik ko yung mga pinull out naming stocks and you're company will do better than ever. "
Lumabas na siya.
Hiwalayan? Si Arissa? Just the thought of that kills me.. but remembering my promise.. to my father. Naguguluhan ako. But I swore on my father's grave that I would do ANYTHING.
"Sorry, Papa. I have to do one promise at a time. Sa ngayon, ito muna."I can't believe I'm saying this but.. .
I think I'm going to marry... Pauline Villanueva.
*end of flashback*
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Pag bukas ko ng mata ko, umaga na. Lumabas ako at kumatok sa kwarto ni Arissa. Pero walang sumasagot kaya binuksan ko na lang.
Pag bukas ko.. .
wala na akong asawang dinatnan.
__________________________________________________________________
Eto na yun, guys. Eto na ang hudyat ng malaking pagbabago sa NLG.
Maraming salamat! >:D<
Keep reading and I'll keep writing. :)
BINABASA MO ANG
Never Letting Go. (Completed with updates)
Teen Fiction[©annetamadmo] Arissa Serenity Garcia. Pinakasalan si Alvin Castellana kasi yun ang gusto ng mga tatay nila. Pero lihim na mahal niya talaga ito, simula dati pa. Eh paano kung nagpakasal nga kayo eh halos daig pa ng demonyo ang pagtrato niya sayo? S...