Chapter 12.

10K 140 10
                                    

Alvin's POV

Sa dining table. Kumakain kami ng lunch. Saya ko. Patingin tingin ako kay Arissa. Bat hindi niya malayuan ng tingin yung phone niya? Hmm. Sino ba katext nyan? Si Jacob? Pssh.

Ako: "Babe, kain oh. Bat mo tinitignan yung phone mo?"
Arissa: "Ah wala. Sige, kain na lang tayo."

Hindi naman ako maniniwalang wala lang yun. Di naman ako tanga. Eh kanina pa kaya niya tinitignan. Bat ba hindi niya malayo-layuan yung lalakeng yun? Ano ba naman to. Nakakawalang gana.

Arissa: "Bakit? May problema ba?"
Ako: "Wala. "
Arissa: "Wala daw. Ano nga kasi?"
Ako: "Eh halos 15 minutes mo na tinitignan yang phone mo tas sasabihin mo wala."
Arissa: "May nagtetext kasi sakin."
Ako: "Sino? Si Jacob?"
Arissa: "Hindi si Jacob, okay?"
Ako: "Sinasabi mo lang yan."
Arissa: "Hindi nga kasi. So nagseselos ka na nyan?"
Ako: "Ano ngayon kung nagseselos ako?"

Tumawa siya. So tinatawanan pa niya ako ngayon? Ayaw ko nga ng ganito eh. Lumapit siya sakin tas pinisil niya yung mukha ko. Masakit ha. 

Ako: "Ano baaaaaaa?"
Arissa: "Alam mo ang cute cute mo."
Ako: "Hindi mo ko madadaan sa ganyan. Sige na, text mo na Jacob mo."
Arissa: *kiniss ako sa pisngi*
Ako: *ngiti*

Ganun lang yun. Tas okay na kami. Hindi ko kasi to matiis eh. Naiinis nga ako sa sarili ko eh. Umalis si manang saglit kaya kaming dalawa lang nasa bahay. Wag magisip ng masama, inuunahan lang kitang nagbabasa.Maya maya natapos na kaming kumain. 

Ako: "Tara, nood tayo ng dvd."
Arissa: "Hep hep! Ano ka, mayaman?"
Ako: "Oo."
Arissa: "Sabi ko nga. Pero kahit na! Maghugas muna tayo ng plato! Sosyal ka eh no?"
Ako: "Oo nga, sosyal nga ako."
Arissa: "ALVINNNNNNNN!"
Ako: "Opo na. Pero, babe naman. "

Hinila ako ni Arissa na papuntang kusina. Ayaw ko talaga maghugas ng plato kasi. . .

Arissa: "Anong tinatayo-tayo  mo dyan?"
Ako: "Eh kasi babe.. " 
Arissa: "Ano nga?"
Ako: "Hindi ako marunong eh. "

Oo na, ako na bano. Hindi talaga ako marunong maghugas ng plato. Unang beses ko pa lang maghuhugas ng plato sa buong buhay ko. Oo na, nakakahiya na. Tignan mo tong asawa ko, tinawanan lang ako. 

Arissa: "Seryoso ka?"
Ako: "Oo nga."
Arissa: "Grabe naman to. Sige na nga turuan na kita. "

After 10 minutes : MISSION ACCOMPLISHED. Natuto din ako maglinis ng plato. Nilalagay nalang namin sa dryer. Ay nakalimutan  ko palang sabihin kay Arissa. . 

Ako: "Babe, dadaan pala tayo kila Papa mamaya."
Arissa: "Hmm. Bakit? Anong okasyon?"
Ako: "Uuwi si Kuya Adrian eh. "
Biglang bumagsak yung plato na hawak ni Arissa. 
Ako: "Uy, babe. Okay ka lang? Nasugatan ka ba?"
Arissa: "Hindi, okay lang ako. Teka, kunin ko lang yung walis."

Anong meron? 

Arissa's POV

Habang kinukuha ko yung walis.. paulit ulit lang yung sinabi ni Alvin.

Uuwi na si Kuya Adrian eh.
Uuwi na si Kuya Adrian eh.
Uuwi na si Kuya Adrian eh.
Uuwi na si Kuya Adrian eh.

 Paano ko ba naman haharapin si Adrian? Siya lang naman ang nagiisang naging boyfriend ko.. maliban kay Alvin Castellana... OO. SI ADRIAN CASTELLANA.

*flashback ; 18 months ago*

Ako: "Adrian. I'm sorry."
Adrian: "Alam ko namang nakita mo lang si Alvin sakin . ."
Ako: "Hindi naman sa ganun pero . ."
Adrian: "Pero kapatid ko parin ang mahal mo."
Ako: "I tried."
Adrian: "Yun yung problema satin Arissa. You shouldn't have to try. Dapat dumating na lang yun sayo. But I guess hindi.  ." 
Ako: "Sorry talaga. I know it won't help but I just. .  sorry."
Adrian: "Alam ko namang darating din yung araw na to. But I didn''t think that it would be this soon. Hindi man lang tayo nakarating ng third monthsary. Funny. But I'm glad that you were honest with me. Mabait ka talaga. "
Ako: "Sana walang magbago."
Adrian: "Hindi naman ako magbabago, you will always be my princess."
Ako: "Thank you."
Adrian: "But I'll be leaving for America. . "
Ako: "What? WHEN?!"
Adrian: "I don't know. The sooner, the better. Kailangan ko munang makalayo."
Ako: "Akala ko ba walang magbabago?"
Adrian: "Wala naman talaga. When I get back, it'll be just like I never left."
Ako: "Babalik ka ha."
Adrian: "Oo naman. Hindi ko lang talaga kakayaning makita kang magpakasal. Sa kapatid ko pa ha."
Ako: "Adrian . . "
Adrian: "Sige na, I better go. Payakap naman oh." 

Nagyakapan kami.

"I'll always love you, princess. . "

Tas umalis na siya.

*back to the present time?*

And that was the last time na nakita ko siya.  Hindi ko to keri. Paano ko ba haharapin si Adrian? Paano? Naman eh. 

"Babe! Bilisan mo na. Sinaksak ko na yung dvd."

Nilinis ko na yung mga basag basag na plato. tas pumunta na sa sala at tinabihan si Alvin. 

Ako: "Babe, ano yung sinaksak mo?"
Alvin: "X-men."
Ako: "Eeeeeeeeeh."
Alvin: "Pagkatapos, my big love."
Ako: "YES! Makikita ko nanaman yung abs ni Papa Sam Milby!"
Alvin: "Bat ka pa lalayo kay Sam Milby kung meron naman ako?"
Ako: *hampas* "Deformed nga yung iyo eh."
Alvin: "Paano mo alam? Sinisilipan mo ko sa CR no?"
Ako: "Umasa ka. "
Alvin: "Siguro, may peep hole ka tas pinagnanasaan mo katawan ko."
Ako: "Kadiri ka. Lumabas ka kaya ng kwarto mo once ng nakatowel lang."
Alvin: "So, pinagnasaan mo nga ako?"
Ako: "Ewan ko sayo. Manood na nga lang tayo!" 

Blah blah. Narealize ko ang interesting pala ng X-men. Sana member din ako. Blah blah. Natapos din. Yes, my big love! Ang cute talaga nitong movie na to.

Ako: "Pag tumaba ako, mamahalin mo pa ba ako?"
Alvin: "Oo naman. Kahit maging kasing weight mo pa si Big show. Para sa akin, kasing ganda mo pa rin si Stacy Keibler. "
Ako: "Bolero."
Alvin: "Ayaw mo?"
Ako: "May sinabi?"
Alvin: "Kulit. Manood na nga tayo."

Wala, buong movie magkayakap lang kami habang kumakain ng popcorn.  Di nagtagal. lumipas yung oras. kinakabahan ako. Nasa kwarto ako ngayon. Nagaayos. Kumatok si Alvin.

Alvin: "Babe. Dali, ayos ka na. Inaantay na tayo nila Kuya." 
Ako: "Sige, papunta na. "
Alvin: "Hintayin nalang kita sa baba ha."
Ako: "Sige, babe!"

Huminga ako ng malalim.  Inayos ko yung mga gamit ko tas bumaba. Ayie. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Kilig. Ang haba nanaman ng hair ko.  Sinuotan pa ako ng seatbelt ha. Pumasok na si Alvin, tas nagstart magdrive. Kinuha niya yung kamay ko tas hinalikan. Ahee.

Alvin: "Babe, bat anlamig ng kamay mo?"
Ako: "Ah, wala lang. Antagal na kasi naming hindi nagkikita ni Adri-Kuya Adrian eh."
Alvin: "Oo nga pala no? Close nga pala kaya nun. Lagi kaya kayong magkasama."
Ako: "Oo nga eh."
Alvin: "Wag kang magalala, walang nagbago dun. Si Kuya pa."

Buong biyahe papunta dun, tahimik lang ako. Hmm. Isip isip din. Syempre, kailangan kong magact ng normal. Pumasok kami sa mansyon ng mga Castellana. As in, mansyon talaga. 

"Good evening po, sir at ma'am."

Binati pa kami ng dalawang maid, with matching bow pa ah.

Ako: "Babe, cr lang ako ha."
Alvin: "Sige, babe. Dun lang kami sa garden."

Pumasok ako sa cr. Tas tinignan yung sarili ko sa salamin, with matching sampal pa ha.

"Kaya mo to, Arissa! SUS! Aja!"

Tas pagbukas ko ng pinto...

"Hello, princess. . '

BOOM! 

Never Letting Go. (Completed with updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon