Chapter 36.

8.7K 107 7
                                    

Jacob's POV

I can't believe I just did that. I felt happy while doing it. Pero ngayon. . it dawned on me. I just let the love of my life go. I let her go .. just like that. Tinitigan ko yung wallpaper ko. Malamang siya. Kaming dalawa, nasa Universal Studios nun sa America. We looked happy. We were, really. Nakakaiyak palang isipin. Hahaha. Pero wag na kayo maaawa sakin, I'll be fine. I can handle this break-up. . I think.  Tanggap ko na lahat. Parati kong babalikan lahat nang pinagsamahan namin. But I'll be moving on, I should be moving on. 

By now, siguro masaya na siya. And I'm happy for her. 
Sumakay ako ng kotse. Paalis na dapat ako ng biglang. . .

"Teka, si Alvin yun ah?!"

Lumabas ako at pinigilan siya.

Ako: "Castellana!"
Alvin: "Yñiguez! Anong ginagawa mo dito?" 
Ako: "Kasama ko si Arissa. Pipigilan ka niya. Di kayo nagkita?"
Alvin: "Ha? Ginawa niya yun? Paano ka?"
Ako: "Oo.  Pinakawalan ko na."

Ngumiti nalang ako.

Ako: "Tara, hanapin natin!"

Nauna ako tapos sinundan niya ako. Nakita ko si Arissa doon. . umiiyak. Binulungan ko si Alvin na nasa likod ko. . 

Ako: "Gusto ko, last na tong makikita ko siyang umiiyak ah. Kundi. . "
Alvin: *ngiti* "Last na to."
Ako: "Hmm, sige."

Nilapitan ko si Arissa.

Ako: "Look who I found . ."

Napatingala sakin si Arissa. . tapos tinuro ko yung direksyon ni Alvin. Their eyes both lit up. Napangiti nalang ako. Naglakad ako palabas. . tinapik ko si Alvin sa balikat sabay sabing . .

"She's all yours."

Because in the first place. . thinking about it, she was never mine.

Arissa's POV

Hindi pa rin ako makapaniwala. . .

Alvin: *nakangisi* "Wala ka bang napanood na cliche love story? I didn't get on the plane. Turns out, I can never let you go. "

Hindi ko na napigilan, lumapit ako sa kanya tapos niyakap ko siya.

Alvin: "Ikaw talaga, inuna iyak. Wag ka nang umiyak. Sssh, I'm here."

Hinampas hampas ko siya.

Alvin: "Aray naman!"
Ako: "Alam mo, kahit kailan, leche flan ka talaga! Naman eh! Natakot talaga ako!"
Alvin: *ngisi* "Natakot na ano?"
Ako: "Malamang! Na wala ka na!"  
Alvin: "Kahit ano naman mangyari, hindi ako mawawala sayo. Okay?"

Hinawakan niya yung dalawa kong pisngi tapos inangat niya yung mukha ko.

Alvin: "Ano ba yan! Ang pangit mo na. Wag ka na kasing umiyak!"
Ako: "Ah! Pangit pala ah? Sige. Sige, ganyan."

Tinanggal ko yung dalawang kamay niya tapos tiniklop ko yung dalawa kong kamay.

Alvin: "Joke lang! Maganda ka pa rin. Ikaw ang pinakamaganda para sakin."
Ako: "WALA! Wala, sabi mo pangit ako eh."
Alvin: "Asus. Teka nga pala, anong ginagawa mo dito?"

Pinunasan ko yung mga luha ko tapos tinitigan ko siya, binigyan niya ako ng nakakalokang tingin.  

Ako: "Anong tinitingin tingin mo dyan?"
Alvin: "Ano nga palang ginagawa mo dito?"
Ako: "Alam mo na yun."
Alvin: "Di ko pa kaya alam." *belat*
Ako: "Pipigilan ka malamang. Pero ngayon, ayoko na! Dali, alis ka naaaaaa!"

Tinutulak ko siya. Nagagawa pang mangasar nitong lalaking to. Ugh.

Alvin: "Asus. Bakit mo ako pipigilan?"
Ako: "Alam mo na din yun. *irap*
Alvin: "Alam ko nga pero sige na, parinig. Gusto ko nang marinig."
Ako: "Ako pa mauuuna? Sus."

Hinila niya ako sabay bulong. . .

Alvin: "I love you. . "

Biglang bumilis yung tibok nung dibdib ko. Hindi na ata to tibok eh. . kabog na ata.  Pinipigilan kong hindi ngumiti. Abnormal ko din eh no?!

Alvin: "Wala ka bang isasagot?"
Ako: "Wala."
Alvin: "Sige na, please. Sabihin mo na."

"Please please please. . ."

With matching pout pa yan ah. Para talaga tong bata. Kaya mahal ko to eh. Hahaha.

Ako: "Sige na nga. "

Hinila ko din siya tapos binulungan. . 

Ako: "I love you too."

Nagulat nalang ako nung bigla siyang tumalon talon. . parang tanga to.  Nagtinginan tuloy yung mga tao lalo. 

Alvin: "Nakikita niyo ba tong magandang babaeng to? Mahal niya ako!"

Isigaw ba naman? Sige, talon lang. Abnormal talaga to! Ugh. May saltik.

Ako: "Huy, tumigil ka nga dyan!"

Tumigil naman siya pero nanlaki yung mata ko nung hinalikan niya ako. Nagpalakpakan yung mga tao. Ako naman. . kinikilig. Kyaaaaaaaaaa. Binabawi ko na yung sinasabi ko dati na kapag sumaya ka, asahan mong malulungkot ka. Because, today, I've realized that life has a way of turning things out unexpectedly.

Alvin: "Tara na, uwi na tayo."
Ako: "Buti naman at naisipan mo."

Naglakad kami ng holding hands. 

Ako: "Ay, onga pala, hindi mo anak si Alden."

Napatigil si Alvin sa paglakad. Tinignan ko siya from head to toe.

Ako: "Oh, bakit ganyan hitsura mo?"
Alvin: "Bat? Ha?"
Ako: "Hindi mo nga siya anak."
Alvin: "Paano mo alam?"
Ako: "Anak siya nung pinsan ni Jacob. Pinaglalaruan ka lang nung babaeng yun."
Alvin: "TA? HA? Uhh, lagot sakin yung babaeng yun. But now, Ieenjoy ko muna to na kasama kita."
Ako: "Ugok! Nagfeefeeling ka na naman! Sus."
Alvin: "Wala, mahal mo talaga ako eh. Hindi lang yun feeling, fact yun."
Ako: "Ay, ang yabang."
Alvin: "Siyempre, handa akong ipagsigawan sa mundo na mahal na mahal kita at akin ka lang."
Ako: "Possessive na naman. "
Alvin: "HAKJDJKHALSJKA"

Hindi ko naintindihan yung huli niyang sinabi kaya naglakad na lang ako. Ang hina hina kasi magsalita.

Alvin: "ARISSA! ANO BA YAN!"

Napalingon ako.

Ako: "Oh ano? Anong inaarte mo dyan?"
Alvin: "Hindi mo ba narinig yung sinabi ko?"
Ako: "Hindi, bakit ano ba sinabi mo?"
Alvin: "Bingi ka talaga kahit kailan!"
Ako: "Eh, para ka naman kasing langgam kung makasalita eh! Wala nga akong narinig."
Alvin: "Kasalanan ko pa ngayon eh ikaw tong nagpapakabingi!"
Ako: "Ano ba kasing sinabi mo?"
Alvin: "Wala, ayaw ko nang ulitin."
Ako:: "Edi wag mo! Hindi naman kita pinipilit eh."

Nagpatuloy ako sa paglakad.

Alvin: "ARISSA NAMAN EH."

Nilingon ko siya.

Alvin: "Alvin, Chill."
Ako: "Abnormal, kausapin ba naman sarili. Ano? May sasabihin ka ba?"

Nagulat ako nung lumuhod siya dun sabay sabing. . .

"Marry me. Again. I love you. And this time, it won't end. Just marry me.  " 

Never Letting Go. (Completed with updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon