Alvin's POVSeeing her so happy, hindi na ako lumapit. Bakit pa? But knowing that she's back, parang bumalik din lahat ng oras na magkasama kami, yung pagmamahal ko para sa kanya lalo na yung sakit. Pagkauwi namin, sinalubong kami ni Pauline. Alam naman nila kuya yung sitwasyon.
Pau: "Oh, Alvin. Anong problema?"
Ate Sab: "Eh pano? Bumalik si Arissa, nawala na naman sa sarili yan."
Kuya: "Kasama pa si Yñiguez."
Pau: "Okay lang yan, Alvin. Bakit ba kasi ayaw mo pa lapitan at sabihin?"Inirapan ko sila. Bakit pa ako lalapit? Kung hindi na rin naman magtatagal ay lalapit na din siya sakin? Bakit ko pa sasabihin? Kung di naman magtatagal, malalaman na din naman niya?
Sana.
Arissa's POV
Jane: "Gaga ka, bat ka ganyan? Pumayat ka lalo, pumuti ka pa. Ganyan ba pag pumunta ng states? Sama na ako. Dun na lang ako. Baka gumanda ako."
Paolo: "Ano ka ba, boo. Maganda ka na. "
Jane: "Sa paningin mo lang."
Ako: "Loka loka ka, maganda ka no!"
Jacob: "Lahat ng tao maganda."Magkakasama kami ngayon. Fitting para sa kasal nila. Siyempre, maid of honor ako.
Jane: "Oo na. Haha. Kayo, kailan kayo?"
Paolo: "Ayieeeeeeeeee."Inakbayan ako ni Jacob.
Jacob: "As soon as possible. Diba love?"
Ako: "Oo naman. Actually, pagkatapos nito, dadaan kami ng NSO eh. Kuha ng papers."
Jane: "Ay ang haba ng hairrr!"
Paolo: "Sunod na kayo ha!"
Jacob: "Syempre! "Tapos biglang dumating si Ateng may dala ng mga gown para sa mga abay at mga tux para sa mga kalalakihan. Hahahaha. Nagsukat ako.
Jacob: "Love, bat ang ganda mo?"
Jane: "Ano ba yan! Magpapangit ka sa kasal ko! Magpapangit ka! Ayaw ko nyang mukha mo!"
Paolo: "Pag pasensyahan mo na si boo ah, naglilihi yan."
*binatukan ni Jane si Paolo*
Jane: "Loko ka. Eeeeeeeh."
Ako: "Weh? Ano ka ba, for sure, ikaw ang pinakamaganda sa araw ng kasal mo."
Paolo: "Mali, sa bawat araw."
Jane: *kinilig* "Hay, Paolo. Ewan ko ba kung bat nadadaan mo pa ako sa ganyan mo."
Paolo: "Huy, hindi kami bolero. Diba, Jake?"
Jacob: "Oo naman. Mahal lang talaga namin kayo."
*Nag apir yung dalawa ; kami ni Jane nagbulungan*
Ako: "Akalain mong magiging ganito tayo?"
Jane: "Oo nga eh. Pinangarap lang natin to dati eh."
*nagyakapan kami*
Jacob: "Dear diary moment to, pare."
Paolo: "Onga eh, kaiyak. Yakapan din tayo."
*napalingon kami tas irap*
Jane: "Gagwapo nila."
Ako: "Lahat ng pinangarap natin nandito na."
Jane: "At higit sa lahat, magkasama pa din tayo."
Ako: "Naman! Best friends tayo."
Jane: "Gaga, magkapatid kamo."
Ako: "Nakakailan ka nang gaga dyan ah. Do you want me to english you?"
Jane: "DON'T ENGLISH ME, I'M PANIC."
*tawa kami lahat*
Paolo: "Palakpakan para sa mapapangasawa ko!"
*palakpak ; si Jane nagbobow*
Ako: "Hahahaha. Love you best friend!"
Jane: "Love you too."
Jacob: "I love you, Paolo."
Paolo: "Love you too, Jake."
*nagkatinginan kami ni Jane*
Jane: "Wala, ayaw ko ng magpakasal."
Ako: "Ako din, wag na."
Jane: "Bromance eh. "
Ako: "Kadiri. Tara na nga!"
Jake: *nagbadingbadingan* "Hoy, gown ko yan!"
*tawa*God, how I love these people.
Alvin's POV
Kami ni Pau, naguusap sa sala.
Pau: "Alam mo, sabihin mo na kaya."
Ako: "Para saan pa? Masaya na siya?"
Pau: "Malay mo, hindi pa?"
Ako: "Nakita ko siya kanina, nakangiti siya. Habang kasama niya yung lalaking yun."
Pau: "Don't you think that she'll find out about it sooner or later?"
Ako: "That's the point. Malalaman din niya, bat ko sasabihin?"
Pau: "Mas maganda pang sayo na niya marinig."
Ako: "Hindi niya ako maiintindihan."
Pau: "Pwede namang ipaintindi diba?"
Ako: "Kahit na. Mahirap. Ewan. . "
Pau: "Basta okay na tayo. Wala na tayong magiging problema pagnagkataon."
Ako: "Bakit? Yung tatay mo kaya . .'
Pau: "Ako na bahala dun."
Ako: "Anong gusto mong gawin ko?"
Pau: "Ano pa ba, edi sabihin mo?"
Ako: "Magugulo lang lahat. . "
Pau: "Mas gugulo pag pinatagal mo pa."
Ako: "Paano ko naman siya makakausap?"
Pau: "Sabi nga sa kanta ni Rico Blanco. . kung ayaw, may dahilan. Kung gusto, palaging merong paraan."
Ako: "Ayun naman pala eh. May dahilan ako kung bakit ayaw kong sabihin."
Pau: "Eh mali naman yung dahilan mo eh. Alangan namang panoorin ko lang magkaleche leche buhay mo?"
Ako: "Pau naman eh."
Pau: "Best friend kita. Asawa pa sa mata ng madla. "
Ako: "Hindi niya ako mapapatawad."
Pau: "May pagasa pa eh. Sa tingin mo kapag tumagal to, mapapatawad ka pa niya?"
Ako: "Hindi ko kaya."
Pau: "Hay nako, Alvin. Gusto mo bang gawin ko para sayo? Baka mas maintindihan niya."
Ako: "Wag na, ano ka ba. Baka sabunutan ka lang nun. "
Pau: "Maikli naman buhok ko eh, wala siyang mahihila."
Ako: "Pau, pagiisipan ko muna."
Biglang pasok sa usapan si Kuya. .Kuya: "Nakita kitang naghirap para lang maahon ang pangalan ni Papa. Wag mo na pagisipan."
Ako: "Ano ka ba, kuya. Hindi to basta basta."
Kuya: "Yun nga eh, hindi to basta basta. Kaya hindi dapat to pinapatagal pa."
Ako: "Huli na ako eh."
Kuya: "Sinong may sabi?"
Ako: "Masaya na siya dun. Ayaw ko na silang guluhin."
Pau: "Paano mo nga alam?"
Kuya: "Kapatid ba talaga kita?"
Ako: "Ayaw ko na siyang saktan. Masasaktan ko lang siya ulit."
Pau: "Lahat naman tayo nasasaktan sa isang relasyon diba? Nasaktan ka din."
Kuya: "Nasubaybayan naming lahat yang lungkot mo."
Ako: "Masaya na akong masaya siya."
Pau: "Ganun nalang yun?"
Kuya: "Tol, tama na. Pwede na eh. Pwede ka na maging masaya ulit. Palalampasin mo pa ba?"Napaisip ako. . . Tama sila. Sasabihin ko na ba sakanya?
Arissa's POV
Pasok ng bahay.
"PAPAAAAAAAAA! I'm home!"
Nagulat ako ng babae yung nagsalita.
"Francisco! Nandito anak mo!"
Yun na ba yung bago kong nanay? Ayieee, si Papa. Lumalove life. Okay lang naman sakin. He deserves to be loved, he deserves every ounce of happiness in this world. Bumaba sila. HHWW. Lumapit kami ni Jacob. Yakap.
Ako: "Hi, Papa. Hi.. .tita?" *ngisi*
Pa: "Mga anak, onga pala. Tita Sonia mo."
Ako: "Ahee. Ang haba ng hair ni Tita Sonia."
Tita: "Nako, bolera ka. Mana ka sa papa mo."
Jacob: "Congrats, Pa."
Pa: "Congrats din sa inyo, anak! Akalain mo yung araw araw mong pagpunta dito eh naging worth it din."
Jacob: "Hanggang ngayon nga pa, di pa ako makapaniwala eh."
Ako: "Asus. Namiss kita, Papa."
Tita: "Hay nako, yang Papa mo, araw araw kang iniisip niyan."
Ako: "Ang sweet talaga ni Papa. "
Pa: "Siyempre, nagiisang prinsesa kita eh."
Jacob: "At least, pa. May reyna ka na Papa."
Tita: "Asus, kayong mga bata kayo. Salamat."
Ako: "Pa, dumaan lang ako. Babalik din kami, daan lang kami ng NSO. Alam mo na, ayos na rin."
Jacob: "Excited na ako! Sige, Pa. Una na kami."Tapos lumabas kami at nagdrive papuntang NSO. After maghintay ng dalawang oras. .
Ako: "Miss, we'd like to arrange our papers for marriage."
Miss: "Names?"
Ako: "Arissa Serenity Ignacio Garcia."
Jacob: "Terence Jacob Villarama Yñiguez."
Miss: "Uhh, Arissa Serenity. Born on April 25? Parents are Francisco and Trinidad Garcia?"
Ako: "Opo."
Miss: "I believe na hindi ako pwede magbigay ng papers."Nagkatinginan kami ni Jacob.
Ako: "HA?! Bakit po?"
Nagulat ako nung sinabi nung babaeng. .
"You're still legally married to an Alfred Vincent Reyes Castellana. . "
"WHAT?! "
"Yes, mam. It's said in our system. "
Tumingin sakin si Jacob, ako naman halos hindi makapaniwala sa mga nangyayari.
Ako: "Miss, baka naman may problema? We got annuled two years ago, may pinirmahan akong papeles. "
Jacob: "Oo nga, baka naman may computer glitch."
Miss: "No, ma'am. I am 100% sure that you are still married."
Jacob: "God dammit!"Tapos ako nakapako lang sa kinatatayuan ko. This can't be happening.
BINABASA MO ANG
Never Letting Go. (Completed with updates)
Teen Fiction[©annetamadmo] Arissa Serenity Garcia. Pinakasalan si Alvin Castellana kasi yun ang gusto ng mga tatay nila. Pero lihim na mahal niya talaga ito, simula dati pa. Eh paano kung nagpakasal nga kayo eh halos daig pa ng demonyo ang pagtrato niya sayo? S...