Chapter 19.

8.6K 123 4
                                    

Arissa's POV

Magkahawak kami ng kamay ni Alvin ngayon. Habang tinatapon yung mga bulaklak sa hukay ni Papa. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. He's gone. Wala na ang pangalawang tatay ko. Wala ng tatay ang asawa ko. I remember that night, na sinabi niyang wala na si Papa. I held him in my arms so tight that I felt what he felt. Umiyak lang kaming dalawa nun. And I saw the pain in his eyes. Nasaktan din ako, kasi alam kong wala akong magagawa. Alam ko, hanggang ngayon, nalulungkot pa rin siya. Pero alalang alala ko talaga yung sagot niya sakin nung tinanong ko siya kung may maitutulong ako. . sagot niya sakin. . 

"Stay with me and I'll be fine. You're all I need."

Wala na, tapos na, Papa is gone. Tinignan ko si Alvin, alam kong pinipigilan lang niya mapaiyak, so I hugged him. Tapos binulong ko sa kanya na. ."Nandito lang ako. Hindi kita iiwan." Nagsilapitan yung mga tao and gave their respect and condolences. Si Alvin naman tango lang ng tango at nagpapasalamat. Hay. Ang hirap, ang hirap hirap. Ayaw kong nakikita yung asawa ko na ganito.

Di nagtagal, umuwi na rin kami. It has been one hell of a week. Isang linggong walang tulog, isang linggong iyak lang ng iyak, isang linggong malungkot. Dumiretso si Alvin sa kwarto niya, pumasok ako. Nakita ko siyang nakaupo siya sa kama niya, nakayuko. Umiiyak pa rin. Nilapitan ko tas niyakap ko. I can't stand seeing him like this.

Alvin: "Nagsisisi ako. Dati, nagpakamartyr ako."
Ako: "Mahal na mahal ka ni Papa, Alvin. Alam mo yan."
Alvin: "He never knew how much I loved him. Hindi niya alam. Puro sakit ng ulo lang yung binigay ko sa kanya when we were young."
Ako: "Bumawi ka naman, Alvin eh. You became a better person and he saw that."
Alvin: "I hope so."
Ako: "He's in a better place now, babe. And I'm sure na ayaw niyang nakikita kang ganito."
Pinunasan niya yung mga luha niya tapos tinignan ako.
Alvin: "Babe, thank you. For being here. For staying with me."
Ako: "When I said "I do" in front of the altar, I meant it. For better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, til death parts us."

Niyakap niya ako.

Alvin: "I love you. "
Ako: "And I love you, too." 
Alvin: "Tara, babe. Tulog na tayo."
Ako: "Hindi ka pa ba nagugutom?"
Alvin: "Hindi na, si Manang rin naman napagod. Tulog na lang tayo."
Ako: "Osige. Shower muna ako."

Nagshower ako tas pagbalik ko, nakatulog na siya. Hay. Ganun siya kapagod. Tinabihan ko na lang siya at niyakap hanggang sa nakatulog na din ako.

___________________________________________________________________

Pagkagising ko, nagulat ako. Wala si Alvin, walang note, walang kahit ano. Kaya bumaba ako.

Ako: "Nay, si Alvin?"
Nay: "Pumasok sa opisina, nagmamadali nga eh."
Ako: "Pumasok agad? Dapat magpahinga muna yun eh."

Nagmadali ako umakyat. Kinuha ko yung phone ko, tas tinawagan ko siya. Sinagot naman agad.

Alvin: "Babe."
Ako: "Babe naman, bat ka pumasok agad?"
Alvin: "Kailangan na ako ng kompanya. Sayang lang sa oras. "
Ako: "Okay ka na ba?"
Alvin: "Haha, don't worry babe. I'll be fine. Kakausapin ko lang yung silent partner ng international investor namin. Magagawan ko rin to ng paraan. So wish me luck."
Ako: "Fine, be sure ha. Good luck, babe. I love you!"
Alvin: "Love you too, sige na, baka mabangga na ako nito sa kabaliwan sayo."
Ako: "Sus. Hahaha. Corny. Sige na. Bye!"
Alvin: "Uwi ako ng maaga. Bye!' 

Binaba ko. Klig pa rin. He never fails to make me smile.

Alvin's POV

Nakarating na rin ako ng kompanya. Sana maayos ko na to. Bat ba kasi biglaang nagpull out yung international investor namin? Wala naman kaming ginawang masama. Alagang alaga naman ang pangalan ng kompanya. No issues, no scandals, okay naman ang  ratings. As a matter of fact, tumaas pa nga. So, bakit ganon? Nagpark ako at bumaba. 

Pagpasok ko, pinagtinginan ako ng mga tao. Sabay "condolence, sir." Umakyat ako sa opisina, opisina ni Papa. It just doesn't feel right without him. Umupo ako sa upuan niya, and parang pakiramdam ko na sinasabi sakin ni Papa na kaya ko to, na nandito siya. Naalala ko tuloy yung bilin sakin ni Papa.. 

"Anak, ikaw na ang bahala. Kailangan ka ng kompanya natin. Promise me na makukuha mo yung deal. "

Nagecho yun sa utak ko.
Paulit ulit ng paulit ulit. Nalakasan ako ng loob.

"I'll fulfill that promise, I swear. No matter what it takes."

Napatigil yung pagiisip ko nung pumasok yung sekretarya.

"Sir, the silent partner has arrived. Nasa conference room na po siya."

Ewan ko kung bakit pero kinabahan ako bigla.

"Sige, I'll be right there."

Tumayo ako tapos naglakad papuntang conference room. Pag pasok ko, nagulat ako.

"Alvin. . " - "Mr. Villanueva'

 Arissa's POV

Sabi ni Alvin na uuwi siya ng maaga kaya. . tentenenen! Nagluluto ako ng kare kare. Para naman kahit papaano, sumaya siya tas gumaan yung pakiramdam niya. Luto luto. Kanta kanta.

"I'm like a statue, stuck staring right at youuuuuuu~"

Nay: "Oh anak, pinagluluto mo na naman si Alvin no?!"
Ako: "Opo. Kare kare ulit."
Nay: "Siguradong magugustuhan niya yan. Anak, alis muna ako. Magkikita kami ng anak ko. Baka umagahin na ako ng uwi. "
Ako: "Ah sige po, nay. Ingat po." 

Di nagtagal, natapos ko na rin. O diba, binonggahan ko pa yung presentation sa table. Napatingin ako sa orasan, sakto, six na. Sabi niya, maaga naman siya uuwi so. siguro maya maya nandito na rin siya.

Tinawagan ko si Alvin. 

Ako: "Babe."
Alvin: "Bakit?"
Ako: "Pauwi ka na ba?"
Alvin: "Oo."
Ako: "Ahh, okay ka lang ba?"
Alvin: "Oo."
Ako: "Bakit ka ganyan?"
Alvin: "Nagddrive pa ako, usap na lang tayo mamaya."
Ako: "Ah ganun ba, sorry. Sige, i love you."

Tas binaba niya. Wala man lang bang I love you too? Ano nanaman bang meron? Maya maya, mga after thirty minutes, dumating na rin siya.

Ako: "Hi, babe. Kamusta yung meeting?"
Alvin: "Okay lang."
Ako: "Ah, naayos mo na?"
Alvin: "Oo."
Ako : "Talaga?"
Alvin: "Oo nga."
Ako: "Congratulations!"

Yayakapin ko na sana siya kaso umiwas siya.

Alvin: "May pagkain na ba?"
Ako: "Ah, oo. Pinagluto kita ng kare kare. Initin ko lang."
Alvin: "Sige, akyat muna ako."

Pag baba niya, nagpalit na siya ng damit. Ano ba kasi talagang problema?

Ako: "Upo na, babe. Kain na."
Alvin: "Sige. "
Ako: *sumabay na rin sa pagkain* "Masarap ba?"
Alvin: *tumango*
Ako: "Alvin, okay ka lang ba talaga?"
Alvin: "Kanina ka pa tanong ng tanong, oo nga. Okay lang ako."
Ako: "Ahh sige."
Alvin: "Si manang?"
Ako: "Nakipagkita sa anak niya, baka malate na ng uwi."

Natapos din kami kumain. Paakyat na dapat siya ng hagdan ng hilahin ko siya.

Ako: "Ano ba talagang problema, ha Alvin?"
Alvin: "Wala."
Ako: "Alam kong meron kang hindi sinasabi sakin. Alam kong hindi ka okay."
Alvin: "Gusto mo ba talaga malaman?"
Ako: "Oo, kailangan kong malaman."

Huminga siya ng malalim. Ilang minuto din siyang natahimik. Tapos.

bigla niyang sinabing..

"Let's get an annulment."

Napatitig ako sa kanya. Walang emosyon, ni konting reaksyon wala. Walang wala.

"Seryoso ka ba?"

Di ko naiwasang itanong.

"Wala na naman si Papa, why pretend?"

At dun, umiyak ako ng di oras.  

Never Letting Go. (Completed with updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon