Chapter 25.

9.3K 115 7
                                    

Pasensya na at natagalan. Kinailangan magpahinga at magbrainstorm. 

Kahit papano, nakakita na rin ng inspirasyon. Salamat sa nagbabasa! Love love love!

Arissa's POV

Ano namang ginagawa niyan dito? Well, onga pala, siya nga pala ang tunay na asawa ng asawa ko sa papel. Wala akong karapatang magreklamo, tsaka bakit naman ako magrerekalamo? Ano bang pakialam ko? 

"Arissa!" 

Kinawayan ako ni Adrian kaya lumapit na din ako. 

"Hello. " 
"Asawa ko nga pala."
"Hello, nice to meet you. Arissa nga pala."
"Sab. " 
Nagkamay kami. Ang ganda niya. Bagay na bagay sila. Napabaling yung tingin ko kay Pauline. Nakatingin sakin habang nakangiti. Hmm. Hindi naman may sayad tong babaeng to?

Ako: "Kain kayo."
Adrian: "Alam mong hindi ako humihindi sa pagkain."
Sab: "Ano ba ulam?"
Ako: "Kare kare."
Sab: "Wow, sarap. Sino nagluto?"
Ako: "Si Alvin."

Lahat sila nagulat. Ako din naman kanina eh. Kailan pa natuto magluto to? Umupo kami sa table. Nananadya naman oh. Sa harap ko umupo yung Pauline, nakangisi. Nangaasar ka, teh?

Nagsimula kaming kumain at dahil swerte ako ngayong araw, sakin napunta yung usapan.

Sab: "Buti nalang nandito ka na. Nung wala ka dito, kung nakita mo lang si Alvin parang. . "
Alvin: "Ate."
Sab: "Sorry."
Pauline: "Alam mo ba, Arissa, nung iniwan mo yung asawa mo . ."
Ako: "Yun naman pala eh, asawa ko. . "

Tumayo ako, nawalan ako ng gana.

Ako: "Excuse me."

Umakyat ako ng hagdanan, sinundan ako ni Alvin. Hinila niya yung braso ko.

Alvin: "Bat ka ba nagmamaldita?"
Ako: "Ako pa ngayon? Sabihin mo nga pala sa kanya na nice to finally meet you tsaka congratulations na rin kasi nasira niya tayo!" 
Ako: "Arissa. . "

Dun ko lang napansin na umiiyak na pala ako. Hindi ko mapigilan. Niyakap niya ako. Napaiyak tuloy ako. Pero nung natauhan ako, tinulak ko siya at nagkulong sa kwarto. Bakit nga ba ako umiiyak? Umilaw yung phone ko. Si Jacob. 

Sa kanya. Sa kanya dapat nakatuon atensyon ko ngayon. Pinunasan ko yung mga luha ko tapos sinagot ko yung tawag. 

Ako: "Hello, love."
Siya: "Hi, love! Kamusta ka naman?"
Ako: "Okay lang, ikaw?"
Siya: "I'm fine. But I miss you already."

Napangiti ako. Hay, Jacob. Buti nalang nandyan ka.

Ako: "I miss you too. Anong ginagawa mo dyan ngayon?"
Siya: "Wala lang, iniisip ka."
Ako: "Nako! Ayan ka nanaman. Nagpapakilig ka na naman."
Siya: "Kinikilig ka naman."
Ako: "Heh! Sige na, I'll call you mamaya, okay?"
Siya: "Sige, love. Ingat ka dyan ha."
Ako: "Ikaw din. I love you!"
Siya: "I love you too."

Binaba ko yung phone. Tama yun. I love Jacob. Jacob. Jacob and Jacob only. Walang iba.  
Pero bakit . . parang iba?! 
Ay ewan, basta mahal ko siya.

Alvin's POV 

Hindi ko maintindihan si Arissa. Sasabihin niyang mahal niya si Jacob, na gusto niyang pakasalan yung lalaking yun tapos kanina. . umiiyak siya dahil nandito si Pauline. Ano ba talaga?

Pau: "Vin, sorry talaga ah."
Ako: "Ano ka ba. Wala ka namang intensyon na ganun eh . .Pasensya na kayo."
Sab: "Naiintindihan naman namin yung sitwasyon eh."
Kuya: "Onga, basta gusto ko pagbalik ko dito, okay na yan ah."
Ako: "Try ko. Ingat kayo sa paguwi ah."

Nagpaalam sila tapos sinara ko yung pinto. Kailan ba kasi maayos to lahat? Pero, patience. Yan ang kailangang manguna sa akin ngayon. Titiisin ko naman lahat eh, kahit tarayan pa niya ako araw araw, ayos lang. Pero sana, makita niya na . . I never stopped loving her.

Never Letting Go. (Completed with updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon